Chapter 21: Happy
Izzie has received a bunch of I love you's from Miguel. Hindi na sana siya magugulat noong sinabihan siya ng binata pero something about it feels different.
Inisip niya na lamang na dahil in love siya kay Miguel kaya iba ang dating nito sa kanya.
"Date tayo bukas," wika ni Miguel habang nakayakap pa ito kay Izzie at siya ay nakatingala dito.
Hindi pa nga siya nakaka-get over sa sinabi nitong I love you ay inaaya naman siya nito sa date.
"H-ha?" Napamaang si Izzie.
"Ay, mamaya na pala," bawi nito noong sinilip ang wrist watch.
Hindi padin tumitigil ang pagwawala ng puso ni Izzie. Noong hindi siya nagsalita ay bahagyang humiwalay si Miguel at umakbay na lamang sa kanya.
"Let's take Chance for a drive," anito at sumandal sila sa railing ng balcony.
Chance is what he calls his pickup. Si Gio ang nagsuggest na magpangalan dito. Chance the Raptor daw. Hindi akalain ni Izzie na kakagatin yon ni Miguel.
"S-saan?" Hindi pa rin kumakalma si Izzie. Kahit pa sabihing ang casual ng pagkakasabi ni Miguel ng 'date' ay hindi niya mapigilang may ibang maramdaman.
Nagkibit balikat si Miguel at kinuha ang ibinaba nilang wine bago uminom.
"We'll see. Road trip."
"Kasama sina Phoebe?" sinubukan ni Izzie itanong. Baka mamaya ay group date pala.
Tinaasan siya ng kilay ni Miguel. "Date nga, eh. Tayong dalawa lang."
Uminit ang pisngi ni Izzie. Nagpapasalamat siya dahil dim lights ang ilaw sa kanilang terrace kaya hindi kita ang pamumula niya.
Pinaningkitan ni Izzie ang kaibigan. Gusto niyang sumugal. "You're asking me out?"
Ngumuso si Miguel. "Bakit? Bawal ba?"
Kinagat ni Izzie ang kanyang labi para pigilan ang kumakawalang ngiti. Mahahalata ni Miguel na kinikilig siya. It only takes a split second para mabasa siya nito.
Izzie looked away at kinuha din ang kanyang baso bago uminom.
"Okay. Anong oras?" Yun na lamang ang nasabi niya. Ayaw niyang halungkatin pa ang ibig sabihin ng 'date' na yon at baka mabigo lang siya.
She'll just take what Miguel can give.
"Magf-family day kayo sa umaga, diba? Sa hapon na lang tayo," ani Miguel.
Tumango si Izzie.
It became tradition na mag-lunch out ang pamilyang Ongsitco on January 1st. Either sa bahay or sa labas, just to celebrate Izzie's birthday na hiwalay sa New Year's Eve.
"Baba na tayo? Gusto ko din ng Cognac," alok ni Miguel at nilahad ang kanyang kamay kay Izzie.
Walang pag-aalinlangang tinanggap iyon ni Izzie at sabay silang bumaba. They joined their parents who were drinking Hennessy. Namumula na ang daddy ni Miguel at napapalakas na ang tawa. Pero nang makita ni Izzie ang kanyang ama ay mas mapula pa pala ito.
Tanghali na ng magising ang pamilya ni Izzie kaya diretso na agad silang tanghalian. Nagpunta sila sa Sofitel at doon nag lunch buffet.
Dapat ay magm-mall pa sila pero hindi na kinaya ni Izzie. Nasobrahan siya sa pagkain and she's in a food coma.
Pagdating ng bahay ay nakatulog siya. That's how much of a pig she is.
Nagising na lamang siya nang maramdamang may humihila sa kanyang pisngi. Umungot siya at pinalis ito.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?