Chapter 19: Hug
That wasn't Izzie and Miguel's first kiss. Ilang beses nang aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi sa sobrang dikit nila palagi.
But this is the first time someone else saw it.
Gulat siyang napatingin sa mommy niya. Her reaction is what matters the most. She just witnessed her daughter kissing a guy!
"Ang anak ko..." Dinig niyang bulong ng kanyang ina.
Kinurot niya si Miguel na hindi mapawi ang ngisi sa kanyang tabi.
"Aray!" Hiyaw nito.
Inis na bumaling dito si Izzie at pinaghahampas.
"Bakit ka lumingon? Bakit ka nakangiti? Is this a joke to you?" Inis niyang bigkas habang patuloy sa paghampas sa binata.
Pilit na sinasangga ni Miguel ang kanyang mga atake habang isa-isa nang tumawa ang kanilang mga kaibigan.
"Kayo talaga," ani ng kanyang mommy. "Una na ko sa sasakyan. Sunod na lang kayo."
Her mother walked away. Tiningnan ni Izzie ang mga kaibigan at nakitang nakababa na ang phone ni Gio.
Si Jared ay nag-iwas ng tingin at sumisipol habang si Phoebe ay nakangisi at naiiling.
"Sunod na kami kay Tita, Iz," paalam ni Phoebe at hinila ang dalawang alagad nito.
Pinaningkitan ni Izzie ang tatlong kaibigan. Dinuro niya ang mga ito.
"Walang nangyari! Everyone will shut their mouths!" Banta niya sa mga ito.
Nagtaas lang ng kilay si Phoebe at nagtaas naman ng kamay si Jared bilang pagsuko.
She then, turned to face Miguel. Nakanguso ito at nagpipigil ng tawa.
Ito naman ang dinuro ni Izzie. "You..." aniya.
And that was what it took for Miguel to break into laughter.
Sa inis ay muling pinaghahampas ito ni Izzie.
"Iz, stop," saway ni Miguel habang hinaharang ang braso sa kanya pero hindi siya tinigilan ni Izzie.
"Seriously, Elizabeth," seryoso na ang tono ng lalaki at tumingin sa likuran niya.
Agad nilingon ni Izzie ang tinitingnan ni Miguel at nakitang tahimik na pinapanood sila ng papalapit na si Rob.
Natigil si Izzie sa paghampas sa kanyang alipin at hinarap si Rob. Sinenyasan niya si Miguel na umalis which he did. Umirap pa ito noong tumalikod.
"Rob," bati ni Izzie habang kinakabahang nakangiti.
Rob stared at her for a few seconds before smiling. Kailan ba ito hindi ngingiti? Kahit ata busted-in niya ito ay nakangiti padin si Rob.
"Nakita ko yon, ah," tukso nito.
Namula si Izzie at namilog ang mga mata. "S-sorry," bulong niya.
Umakbay si Rob sa kanya at nagsimula silang maglakad.
"Wag kang kabahan sakin. Ako lang 'to," ani Rob.
Izzie just let out a shaky breath. Hindi niya alam ang sasabihin kay Rob.
Hindi na sumabay si Izzie pabalik ng university sa halip ay sa kanilang pick up na dumiretso. Hinatid siya doon ni Rob at doon ito nagpakilala sa kanyang mommy.
"My, si Rob po. Kaibigan ko," ani Izzie sa nahihiyang boses. Nasa loob na ng sasakyan ang kanyang mommy at nakababa ang bintana.
Kita niya ang apat na kaibigan sa likod na nanonood.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?