Chapter 23

63 3 0
                                    

Chapter 23: Safest

"Iz, let's talk," ani Miguel sa seryosong tono at nakakapanlamig na titig kay Izzie.

Lumipat si Izzie sa harap ng kaibigan for precaution. Baka mamaya ay sunggaban na naman siya kapag nanatili siya sa tabi nito.

Umiling si Izzie sa sinabi ni Miguel at halatang nagulat ang binata.

"Why?" nanlulumo nitong tanong.

"Lasing ka," Izzie stated.

Miguel sighed at hinawi palikod ang maiksi nitong buhok.

"You're right," pagsang-ayon nito.

"Pasok na tayo," aya ni Izzie sa kasama na umiinom padin ng alak.

Tinitigan niya si Miguel habang nakatulala ito sa tubig at malalim ang iniisip.

"Una ka na," anito sa malalim na tono.

Izzie can't stop this guy from brooding kasi namamangha siya sa itsura nito. Pwede na itong isama sa pamilya ng mga Cullen.

Izzie sighed but she didn't leave. Pinanood niya lang si Miguel. Hindi na din siya uminom pa dahil alam niyang gegewang si Miguel kapag tumayo at siya ang susuporta dito.

"Tama na yan," pigil muli ni Izzie at sinubukang agawin ang beer na hawak ni Miguel pero hindi ito nagpaawat.

Miguel clicked his tongue at inirapan siya.

Aba't may gana pa itong umirap!

Winisikan ni Izzie ng tubig sa mukha si Miguel sa sobrang inis. Halatang nagulat ito pero sinamaan lang siya ng tingin.

"You're acting like a girl, Miguel! Hello? Ako yung biktima dito," ani Izzie at winagayway pa ang kanyang kamay sakaling hindi siya pansinin ng lalaki.

She heard Miguel sigh and watched as he got up. She's impressed how he maintained his balance kahit nakailang beer ito.

Tumayo na din si Izzie at inabot ang dalawang towel sa gilid. Binigay niya kay Miguel yung isa pagkaalis nila sa tub.

Binantayan niya ang bawat galaw ng lalaki dahil baka mamaya ay bigla na lang ito matumba.

Izzie held out her hand to Miguel. Tiningnan iyon ng binata bago tinanggap. Ang balak ni Izzie ay ipatong iyon sa balikat niya para bigyan ng suporta ang kaibigan. Nagulat siya nang pagsiklupin nito ang kanilang kamay.

Kahit malamig ang katawan dahil sa paglapat ng hangin sa kanyang balat ay nag-init ang mukha ni Izzie.

At ayon, holding hands silang pumasok sa kwarto ni Miguel kung saan natutulog na ang tatlong ulupong.

--

Izzie wished to talk to Miguel the next morning pero hindi niya magawa.

"Jared! Bilisan mo natatae ako!" Gio shouted as he banged Miguel's comfort room door.

"Maghintay ka, gago!" Jared shouted from the inside.

"Use the common restroom, Gio! Asan ang utak?!" Singhal ni Phoebe na nakahiga sa couch at nakapikit.

Izzie laughed at her friends' chaos. Bumaling siya sa katabing si Miguel na nakakunot ang noo habang nakapikit.

Pinindot ni Izzie ang pisngi nito. "Gising ka na?"

Miguel scrunched his nose but kept his eyes shut. His arms are crossed over his majestic chest. Lalong nag-igting ang muscles nito sa braso.

Izzie sighed. Mamaya niya na lamang kakausapin si Miguel at baka may hangover ito.

Never Not YouWhere stories live. Discover now