Chapter 16

22 2 0
                                    

Chapter 16: Another

"What's wrong, Iz?" Nag-aalangang tanong ni Rob. Ibinaba na nito ang kaninang nakalahad na kamay.

Napalunok si Izzie at sinenyasan ang binata na maupo sila sa bleachers at doon mag-usap. Nauna siyang umakyat ng hagdan at nakasunod naman si Rob.

Sa pinakataas siya naupo para malayo sa pandinig ng mga nasa pool. She sat down and hid her hands inside her hoodie's pocket. Pinanood niya ang iba pang mga ka-team na nagpapalipas ng oras at naglalaro ng water polo.

"Iz?" Kuha ni Rob sa atensyon niya.

Nilingon niya ito at ngumiti ng mapait. Rob deserves the truth. Ayaw niyang ikulong ito.

"Rob, may sasabihin ako," she started.

Tumango si Rob, urging her to continue. Ang mga mata nito ay nag-aabang. Halatang hinahanda ang sarili sa pagkabigo.

Izzie heaved a deep sigh and readied herself.

"Rob, I'm in love with someone else."

Napapikit siya ng mariin pagkabigkas ng mga salitang yon at hinanda ang sarili sa itutugon ng binata.

Napamulat siya nang marinig ang mahinang magtawa ni Rob. She stared at him in disbelief. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Rob?" Tawag niya dito.

Pinanood niya lamang na ngumiti ang lalaki at umiling. He looked at the pool, smiling.

"I know you're in love with Miguel," anito nang hindi napapawi ang mga ngiti.

Nanlaki ang mga mata ni Izzie. "How–"

Rob turned to her. "And he's in love with you too."

Umiling si Izzie. "Clearly, he's not."

"You see, Iz," simula nito at tuluyang hinarap siya. "Ako? Si Iris? Andrea Zamora back in junior high? We're one of the few brave people na naglakas loob tibagin yung harang niyo ni Miguel."

Tulala lang si Izzie habang nakikinig kay Rob. Hindi niya inaasahan ang mga lumalabas sa bibig nito ngayon.

"You two have your own world. It's so obvious. Anyone can tell. Kayo lang yung may hindi alam na in love kayo and it's funny," tuloy ni Rob.

Izzie scoffed. It's the same thing Phoebe said and she still doesn't believe a thing about it.

"Nonsense," she whispered.

Umiling si Rob. "I took your ignorance to my advantage," aniya.

"Hindi niyo naman alam yung feelings niyo for each other, maybe I could slip in," Rob continued.

Sapo-sapo na ni Izzie ang kanyang sentido dahil sa mga naririnig.

"Rob, I'm sorry if I led you on," she said and looked at Rob with apologetic eyes. Gusto niyang ilihis ang binata sa sasabihin nito.

Ayaw niyang ipamukha sa kanya na parehas silang bulag ni Miguel para makita na mahal nila sa isa't isa because that's plain bullshit. Aasa lamang siya at masasaktan.

Nginitian siya ni Rob. If he's faking his smile, he's doing a good job. Izzie can't read through him like she can read through Miguel.

"No, Iz. I'm actually grateful you gave me a chance. It's the closest I can probably get," ani Rob at kinuha ang kanyang kamay.

He caressed the back of her hand with his thumb.

Izzie blinked. Hindi na niya magawang magsalita dahil sa namumuong bara sa kanyang lalamunan.

Never Not YouWhere stories live. Discover now