Chapter 17: You First
Miguel didn't bother asking Izzie why she cried. Wala ring balak si Izzie na sabihin dito ang dahilan. He's her best friend but some things are better left unsaid.
As for Rob, tinotoo nito ang sinabing hindi siya titigil. He really didn't stop. Worse, he's more persistent than ever.
"Iz, eto yung sa Research 1. You can modify it if you want," ani Rob at iniabot sa kanya ang flash drive nito.
Halos mapa-palakpak si Izzie nang tanggapin niya ang flash drive. She looked at Miguel who's with them at their table in the library's common area. Masama ang tingin nito sa kanya tapos ay kay Rob.
"Bro, let her do her own," saway ni Miguel sa kanila.
Izzie frowned at her best friend. "Wag kang epal. I need this," pagtataray niya.
"It's cool, dude. Iba yung prof niyo so she's safe. Tsaka iibahin mo naman ng konti, diba?" ani Rob at bumaling sa kanya.
Masiglang tumango si Izzie at pinasak ang flash drive sa kanyang Macbook. Rob gave her his previous work which happened to be still saved in his laptop.
Sinilip niyang muli ang mga kasama sa lamesa. Palipat-lipat ang tingin ni Iris sa kanilang tatlo. Nahuli ni Izzie ang haplos nito sa braso ni Miguel para patigilin ito sa pagsawsaw sa kanila ni Rob.
Izzie rolled her eyes internally and went to work. Sanay siyang kumopya ng assignment at ni isang beses hindi siya nahuli. She'll definitely change a few things.
Matapos pasadahan ang gawa ni Rob ay nag-angat siya ng tingin kay Miguel at Iris. Tinuturuan ni Miguel ang dalaga sa Math.
For the nth time, Izzie rolled her eyes, this time, for real. Hindi niya na nagawang itago. She knows Iris is smart and she's just flirting.
Hindi niya alam kung anong stage na sila sa relasyon nila and Izzie couldn't care less. She'll just love Miguel the way she can. From afar. Susuportahan niya ang lahat ng desisyon ng kaibigan niya. Even if it hurts her.
Izzie learned to accept change. Unti-unti niyang aaralin na hindi permanente kung anumang meron sila ni Miguel. He'll eventually choose someone over her. And she'll just have to live with that. What doesn't kill her will make her stronger.
Naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Rob. Agad niya itong tiningnan ng may pagtataka. Nakatungo ito pero ang mga mata ay naka-angat sa kanya.
Umiling si Rob para siguro iparating sa kanya na halatang inis siya sa presensya ng dalawa.
Ngumuso si Izzie and tried to look guilty. Napatingin siya sa kabilang lamesa ng common room kung saan naroon sina Phoebe, Gio, at Jared.
The three decided to separate themselves dahil ayaw daw nilang maka-istorbo sa paglalandian ng dalawang couple.
Izzie scoffed in her mind. She and Rob are far from being a couple. Her carefree self is just taking over her. Hinahayaan niya na lamang ang mga tao sa paligid niya at magpapatianod na lamang siya sa kung saan siya dalhin ng buhay niya.
She's given up on Migs, clearly.
Izzie's eyes met Phoebe's. Nakataas ang isa nitong kilay at naiiling. She probably caught her rolling her eyes at Miguel and Iris. Phoebe gave her a smirk and went back to her own laptop.
She ignored Gio who's slumped on the table. Flat ang mukha nitong natutulog sa lamesa nila. Nakanga-nga pa at may umaambang laway na tutulo.
Kay Jared naman sunod pumatak ang tingin ni Izzie. Naka-pasak ang earphones nito sa tenga at tumatango habang nagt-type sa laptop. Napansin siguro nito na nakatitig siya kaya napatingin ito sa kanyang gawi.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?