Chapter 18

21 2 0
                                    

Chapter 18: Accidents Happen

Izzie stared at her reflection and breathed heavily. Para siyang ewan na nakatayo lamang sa harap ng kanyang hairdresser at nakatitig sa sariling mga mata. Kulang nalang ay ang theme song ng Mulan.

Her hair is in a tight high ponytail. Lalo siyang sumingkit dahil nahapit ito ng pagkakatali ng kanyang buhok. Her eyes are more feline than ever. Para siyang pusa na mangangalmot anumang oras.

She's wearing the university's track jacket over her Adidas tights. She's not wearing her lucky Speedo underneath, instead, ang uniform swimsuit ang suot niya. Laking pasasalamat niya na kulay dilaw ito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. She's emptying her mind. This is her first competition in the university. Tinagilid niya ang kanyang ulo nang maalala si Miguel.

He used to help her focus. Iisipin niya lamang ang kaibigan ay magkakaroon na siya ng lakas ng loob. But this time is different.

Iba na ang naalala niya kapag naiisip si Miguel.

Whenever he crosses her mind, hindi na ito mag-isa. Sa halip ay may katabing babae. Si Iris.

After the incident in Miguel's car, napansin ni Izzie na minsan na lamang sumama sa kanila si Iris. And when she did, she remained silent.

LQ, Izzie scoffed. May ka-LQ si Miguel. She wanted to barf.

Izzie heard a knock on her door. Napamulat siya.

"Anak, tara na?" It's her mom.

"Lalabas na po," Izzie answered.

Kinuha niya ang gym bag at sinukbit sa balikat. Paglabas siya ay sinalubong siya ng malambing na ngiti ng kanyang mommy. Her mom will be with her for the next few days. Nag-cancel ito ng mga meeting para mapanood ang competition niya.

Her dad called last night to give her a good luck. Minsan lamang siya mapanood ng kanyang ama maglaro. He said he'll video call later during her category para mapanood siya.

Sabay silang bumaba ng kanyang ina at nagulat siya ng makitang naka-dekwatro sa kanilang sofa si Miguel. He's in his Type C uniform.

Naiinis si Izzie sa kagwapuhan ng best friend niya. Kahit anong ipasuot dito ay kaya nitong gawing pang-fashion show.

Malaki din ang tinangkad ni Miguel simula noong high school. Izzie's not sure if he's reached the 6 foot mark now, kung hindi man ay malapit na siguro.

Hindi napigilan ni Izzie ang tumitig sa mga braso ni Miguel. Bakit parang lumaki ito? Has he been working out?

Tumayo ito nang makita sila. Ibinulsa nito ang kanyang phone at inayos ang bitbit na backpack.

He smiled when he met Izzie's eyes. Bahagyang sumingkit ang mga mata nito.

"There she is," anito at umakbay sa kanya.

Tiningala ito ni Izzie.

"9 pa class diba?" Taka niyang tanong.

Hindi siya tiningnan ni Miguel sa halip ay sinundan ang kanyang mommy papuntang garahe.

"Wouldn't miss this day," bulong nito.

Izzie blushed but she tried to hide it. Ngumuso siya para mapigilan ang pagngiti.

"Andyan naman si mommy. You have classes," aniya.

Nagkibit balikat lamang ito at sumakay na sa likuran ng pick up nina Izzie. She sat in front.

Hindi na lang ito pinansin ni Izzie at pinasak ang kanyang earphones sa tenga. Pinatunog niya ang motivational speech ni Steph Curry para ma-hype siya. Naka-pikit lamang siya buong byahe.

Never Not YouWhere stories live. Discover now