Chapter 12

21 4 0
                                    

Chapter 12: Willing to Wait

The first thing Izzie saw when she opened Twitter is a picture of last night. Nakasiksik siya sa dibdib ni Miguel at nakapikit. Ang kanyang best friend ay nakatingala at tumatawa, namumula ang mga pisngi nito at halatang may tama na din.

Si Gio ay nasa kaliwa ni Miguel na naka-squat at nakadila while doing the hang ten sign. Si Phoebe ay nasa kanan niya, hawak ang walang laman na bote at tinutok sa mukha ni Izzie. Si Jared ang may hawak sa camera at malawak ang ngiti na halos bibigay na din sa tawa.

Izzie and Miguel got grounded after that. Parehas silang nakatanggap ng Facetime call mula sa kanilang mga ama. Ang pinagkaiba lang ay ang daddy ni Miguel ay nagkukunwari lamang na galit para mapagbigyan ang mommy nito.

"What's the plan for summer?" tanong ni Phoebe matapos ang huling exam nila for finals.

"Akala ko sa beach house daw tayo nina Migs?" Singit ni Sergio habang pinapaikot ang lapis sa kamay.

Phoebe gasped. "Oo nga pala. May bikini ka na, Iz?"

Bumaling ito kay Izzie na isinusukbit ang backpack sa balikat. "Marami na ako sa bahay, Phoebs," sagot nito.

Izzie turned to look for Miguel. Nasa hallway ang kanilang mga bag at nakita niyang naka-squat si Miguel sa isang side habang inaayos ang mga gamit.

Pinanood ni Izzie na lumitaw sa mga hagdanan si Andrea, kasabay ng pagtayo ni Miguel. Saktong nagkatinginan ang dalawa. Nahihiyang umiwas ng tingin ang babae habang si Miguel ay tumalikod at seryosong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Izzie.

Izzie frowned. She's in love with Miguel and she's happy that he's single again but she can't help but hurt for Andrea. Masyadong suplado si Miguel para batiin man lang ang dalaga.

They talked about their break up. Si Miguel ang nakipag-break dito. Through call! Noong gabi ng foundation night pagkauwi ay doon daw nakipag-break si Miguel.

Ang sabi niya ay masyado pa silang bata and priority niya ang pag-aaral. Yoon na ang pinaniwalaan ni Izzie kahit na iba ang nasa likod ng isipan niya. Ayaw niyang isipin na siya ang dahilan ng break-up ng dalawa.

Nang makalampas ang grupo ni Andrea at nang makalapit sa kanya si Miguel ay nagtungo na sila kina Phoebe.

"Migs, tuloy tayo sa inyo?" Tanong ni Jared na ready na din umalis.

Tumango si Miguel at sabay-sabay silang bumaba ng hagdan.

On the second week of summer, nagpasya sila na pumunta sa vacation house nina Miguel sa probinsya na sikat para sa malalakas nitong alon. It's owned by his mom's parents pero ipinamana iyon sa kanyang ina.

They went with Miguel's mom and Katja. Ang kanilang ama ay parehas nasa barko. Ang mommy naman ni Izzie ay nagpaiwan dahil madami daw itong kliyente.

Ang bahay nina Miguel ay malapit sa dagat. Apat na palapag ang bahay at may roofdeck ito na pwedeng tambayan. It's interiors are tropical na bumabagay sa dagat.

"Dope," bulong ni Gio habang iniikot ang tingin sa bahay nina Miguel.

Izzie will share a room with Phoebe while the three boys will share one.

Gabi nang dumating sila sa bahay kaya agad silang nakatulog dahil sa pagod.

"Iz, which one?" tanong ni Phoebe kinabukasan, nakaangat ang dalawang magkaibang bikini.

Nginuso ni Izzie yung nasa kanan na ternong pink halter bikini.

"Wag ka na mag rash guard, Iz! Show your abs!" Inagaw sa kanya ni Phoebe ang hawak niyang rash guard na balak niyang ipatong sa itim niyang black bikini.

Never Not YouWhere stories live. Discover now