Chapter 2: Hi
"Wag ka dyan!"
"Sht! Too late!"
"Ano ba yan, Miggie. Weaksht!"
"I-revive mo ko!"
Frustrated na iginiya ni Izzie ang kanyang player papunta sa player ni Miguel para i-revive ito. Naglalaro sila ng isang console zombie game sa kwarto ng lalaki.
Nakaupo si Miguel sa couch habang si Izzie ay naka-Indian seat sa sahig. At dahil nag-lag ang laro ay naisipan ni Izzie na interviewhin si Miguel.
She didn't get the chance to gossip the other day dahil pag-uwi niya galing training ay bagsak siya sa kama at agad naka-tulog.
"In-add ka na ba ni Andrea Zamora?" Izzie started.
"Nope," tipid na sagot ni Miguel.
"Type mo?"
"Nope."
"Rereplyan mo kapag nag-chat?"
"Maybe."
"So, type mo?"
"Hindi nga."
"Will you give it a shot?"
"I don't know."
Izzie gasped at agad tinukso ang kaibigan. "Ayiee! My best friend is getting a girlfriend," hiyaw niya in a sing-song voice.
"Miguel and Andrea sitting on a tree. K-I-S-S-ing," kanta niya.
Napatigil lamang siya sa pang-aasar nang batukan na siya ni Miguel.
"Stop it," saway nito sa kanya.
Izzie looked up at her friend at masama na ang tingin nito sa kanya. She grinned. "Balitaan mo ako, ah," aniya at bumaling na ulit sa TV screen.
"You'll be the first to know," she heard him say.
Biglang tumibok ng malakas ang dibdib ni Izzie at naramdaman na nanlamig ang kanyang likod. Feeling niya ay pagpapawisan siya ng malamig.
She didn't know what that was for.
Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tenga at babalik na sana sa paglalaro nang bigla siyang napasulyap sa gilid ng TV, sa litrato nila ni Miguel na naka-frame.
It's a candid photo of her and her best friend. Naka-akbay sa kanya si Miguel habang tumatawa ito at halos isang linya na lamang ang mata nito sa singkit. While Izzie is hugging Miguel's torso, giving a smile that exposes her gums, and her eyes are also almost shut.
Mukha nga silang kambal ni Miguel sa litrato na yon. Hindi niya alam pero parang natunaw ang puso niya sa nakitang litrato.
"Iz, gising! Sa likod mo," Miguel yelled which woke her up from her trance. Mayroon na palang zombie sa likod ng character niya.
Nasa kalagitnaan sila ng lunch sa canteen nang biglang sumulpot si Gio.
"Guys, huddle!" Anito at umakbay kay Izzie at Phoebe. Nasa harap nila si Miguel at Jared na nagtataka sa kakaibang kilos ni Sergio.
Nang hindi sumunod sa pagkakayuko si Miguel at Jared ay sinenyasan sila ng natatarantang si Gio na lumapit. Wala silang nagawa kundi sumunod.
"What is it? Spill," ani Phoebe, napaghahalataan itong uhaw sa chismis.
Izzie lend her ears earnestly, abang na abang din sa balita ng kaibigan.
"Migs," simula ni Sergio at nag-pause habang nakatitig kay Miguel. Lahat sila na nasa round table ay binigyan din ng tingin ni Gio, halatang nagpapabitin.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?