Chapter 20: Eighteen
Pagkatapos ng gabing 'yon, akala ni Izzie ay magiging madali na ang kanyang buhay at tanging yung nararamdaman niya kay Miguel na lamang ang poproblemahin.
But she's wrong. May nakaligtaan siyang importanteng bagay. Nalimutan niyang sikat nga pala si Rob Ricaforte, ang lalaking binusted niya.
She's okay with Rob. Nagbabatian sila kapag nagkakasalubong at nag-uusap na parang walang namagitan sa kanilang dalawa.
Pero noong makabalik sa training ay ramdam ni Izzie ang mga espadang tingin ng mga babae sa swimming team.
"Si Rob Ricaforte na yun, oh. Kung ikaw ba Lou, bubustedin mo yon?" dinig niyang sabi ng isa niyang ka-team.
Nasa loob sila ng hiwa-hiwalay na shower cubicle pero kilala niya ang boses ni Mia. Nilaksan ni Izzie ang shower niya para kahit papaano ay hindi niya madinig ang mga sinasabi nila.
It really makes her feel bad when someone doesn't like her.
"Hindi ako tumatanggi sa biyaya, no!" sagot ni Lou.
"Ang choosy masyado. Baka tumandang dalaga yan."
Pinatay na ni Izzie ang kanyang shower. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. They don't know the whole story. Naiinis siya sa sarili dahil bakit pakiramdam niya ay obliged siyang mag-explain.
Magsasalita na sana siya ng marinig niya ang boses ni Julia.
"Bakit? Alam niyo ba kung bakit binusted ni Izzie si Rob?" ani Julia sa nagtataray na tono.
"Hindi. Pero, hello? Alam nating perfect si Rob. Gwapo at gentleman. Rare find na yan sa panahon ngayon!" ganti ni Mia.
Nakatungo lamang si Izzie habang hinahayaang tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok pababa sa kanyang ilong at baba. Hinawi niya patalikod ang buhok at nagpatuloy sa pakikinig.
"Sometimes you don't need perfect," hugot ni Julia.
Napapikit ng mariin si Izzie. Yes, she doesn't need perfect. She needs Miguel.
Nagtawanan si Lou at Mia.
"Baka naman kasi iba yung gusto ng tao," dugtong ni Julia.
She heard Lou scoff. "Sino? Yung moreno na matangkad na kaibigan niya?"
"Hindi, Lou. Baka yung maputi na palagi niyang kasama," ani Mia.
"Hala! Si Miguel? Type ko din yon eh! Sila ni Rob pinagpipilian ko."
Napataas ang kilay niya. Really now? Izzie thought and smirked.
Kinuha na ni Izzie ang kanyang towel at lumabas ng cubicle.
"Tapos ka na, Juls?" halos sabay na tanong ni Lou at Mia.
"Huh? Hindi pa ako nagsh-shower," sagot ni Julia.
Lumunok si Izzie bago nagsalita.
"Sorry kung hindi ko sinagot si Rob, ah? Hindi ko naman alam na magiging sobrang affected kayo."
Sabay-sabay tumigil ang pagtulo ng shower nila.
"Izzie?" Si Julia yon.
Kinuha ni Izzie ang mga pampalit niyang damit sa locker at nagbihis.
"Nung nag-sorry ako kay Rob, I didn't think na kailangan ko din palang mag-sorry sa inyo," Izzie continued.
Pagkabihis ay agad siyang umalis doon. Feeling niya ay nasu-suffocate siya sa loob.
YOU ARE READING
Never Not You
RomanceWhat will you do if you start having romantic feelings for your childhood best friend?