One Shots #1 _ 64 Songs

52.6K 23 12
                                    

64 SONGS

5 hours until night time.

"Are you ok?" Tanong ko kay Lian.

"Hm? Yeah." she answered.

I'm given the last 5 hours to be with her. Ang huling limang oras na makakasama ko siya. I'm given until nighttime only.

Hindi kami katulad ng ibang nagmamahalan na umaabot ng lima hanggang sampung taon magkakilala o magkasama. Kung susumahin nga, noong nakaraang buwan ko lang nakilala si Lian.

I'm very blessed to be with her. But what breaks my heart is that she won't stay by my side for long. Hindi naman sa ipagpapalit ko siya. Para sakin siya na ang aking una at huling mahal. Noong isang minuto na pagtingin ko sa kanya, narealize ko na siya na ang bubuo ng buhay ko.

But unfortunately, this is the last day we will enjoy each other's warm hugs and sweet kisses.

"Ano iyang sinusulat mo?" pabulong kong tinanong. Wala siyang imik, hindi niya ata ako narinig.

Lagi kasing may nakasaksak na earphones sa tainga niya. It's not her hobby though, it's her necessity.

"Lian, ano 'yang sinusulat mo?" muli kong tinanong.

"Ah? wala, secret. hehe~" Pabiro niyang sinabi.

"Anyway, gutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?" Tanong ko ulit.

Sa relasyong ito, ako talaga ang tanong ng tanong.

"Ayos na ko kahit saan, bahala ka na." sagot niya na halos wala naman interes sa sinabi ko. Sobra kasing nakafocus sa sinusulat niya.

"Ok, ayos lang ba sayo walang kanin? O ano?" Tanong ko ulit.

"Ikaw na bahala." Sagot niya ulit. Hay nako, bakit ko pa tinanong. Kulang na lang lagyan ko ng alak tubig niya, para kahit papaano, sumasagot siya ng matino tino.

Pero syempre, hindi ko gagawin yun, mahal na mahal ko tong si Lian eh.

"Sige, doon tayo kumain sa McDo. Paborito mo naman dun. Ayos lang ba?" Tanong ko ulit.

"Sige lang." Masigla niyang isinagot. Hininto niya muna yung sinusulat niya, siguro gutom na rin siya.

....

4 hours until night time.

"Lian, eto maganda, itry mo 'to. Nakakaenjoy!!" Sabi ko sakanya, habang naglalaro sa arcade.

"Sige lang." Sagot niya habang nagsusulat.

I sighed, she hasn't shown much interest simula pa kanina. While ako eto, trying hard enjoyin ang huling araw namin magkasama.

She's always been so serious anyway, wala na ako magagawa. Siya kasi yung tipo ng tao na pag may ginagawa, yun lang ang gagawin.

"Why don't you sit here? Baka naman pagod na paa mo." Me as a concerned boyfriend.

"Sige lang." sagot niya.

Matapos pa ilang minuto ng kakasulat, tumayo din siya at sinubukan laruin ang nilalaro ko.

"Sabi sayo, nakakaenjoy yan eh." Maligaya kong sinabi, with my mouth looking like a bridge tied to my ears.

Nagtagal pa kami sa arcade, it wasn't an hour long though, pag kami nagtagal, masisira ang schedule namin.

Umupo ulit siya at nagsulat.

"Ano ba yang sinusulat mo kasi?" Tanong ko ulit.

"Ahk~!" ani niya.

One ShotsWhere stories live. Discover now