Crush Back
Sa mundong ito, mayroong dalawang taong nakatadhana na para sa isa't isa. I believe nakilala ko na ang para sa akin.
Crush ko pa lang siya sa ngayon, at hindi ko parin nasasabi sakanya iyon. Pero gusto ko sana na maglevel up na.
Sobrang lakas ng pwersa ng isang tao kung kaya nilang sabihin ang "Hi crush" sa crush nila. Nakakatawa nga lang, nagawa ko na yan.
Hindi ako matapang, hindi rin ako palaban, pero ang pinakaliblib na parte ng utak ko, nagawang pagalawin ang mga daliri ko. "Hi crush" at ayun, send button.
Hindi siya agad agad nagreply, sa katunayan nga niyan, hindi rin siya nagseen ng isang buong araw. Hindi naman sa hinihintay ko ang pagbasa niya sa naisend ko nang 'aksidente' lang, naexcite lng ako sa kung ano ang maaari niyang isagot.
Tapang ko din pala no?
Kadalasan, mga babae lang ang nagtetext ng mga ganitong bagay sa crush nila, siguro masyado lang desperado ang puso ko, kaya naman ginawan na ko ng paraan ng utak ko.
Hindi nagtagal, at nabasa rin niya ang text ko. Sa tagal nga lang ng paghihintay ko, wala ding naging bunga, hindi siya nagreply.
I got crashed by my crush.
Umamin naman na rin ako, suyuin ko na din.
"Hi crush, hindi po ako stalker, naaksidente lang po ang pagsend ko ng message nayan." sinunod kong chat.
"Napindot lang po siguro ng siko ko ang send button nung nag-unat ako kahapon." sabi ko.
As expected, walang reply.
Nagpalipas ako ng tatlong araw nang hindi nagcha-chat, napag-isipan kong itext siya ulit.
"Hi crush? Notice me please. Hindi po ako masamang tao, Isang halimbawa lang po ako ng isang taong nagnanais mapansin ng crush nila." sinend ko with a smiley emoji.
Hinabol ko ding magsend ng heart heart.
Syempre, just like always, wala siyang response.
Limang araw naman ang pinalipas ko pagkatapos ko siya ichat.
Napagisip-isip kong ipakilala na lamang ang sarili ko, para naman mabawasan ang magiging mysterious guy ko sa kanya.
"Hi crush. Ako nga pala si Lorenzo, schoolmate mo, ka batch din. Sana hindi mo na ako ituring na masama." eka ko.
Lakas ko din magpakilala, attitude ng para bang kaibigan ko na ang kausap ko. Kailangan eh, kailangan ko nang maconfirm ang feelings niya at ang akin din.
Tulad ng inaasahan, hindi parin siya nagreply.
Sobra namang pafall natong si ate. Pinapaasa nalang siguro ako.
Pero dahil crush ko siya, let's not think of anything negative muna. Let's give her time.
Baka hindi lang niya napansin ang mga chat ko. Mga chat na halos dalawang linggo nang hindi naseen.
Kailangan ko ata mas galingan ang paggamit ng mga salita.
"Crush. Alam mo bang dalawang beses na akong iniwan? Nung unang makita kita, iniwan na ko ng puso ko, at habang ako'y nagiisa, nanakaw mo na ang isip ko."
Kailangan din kumita, kung huhugot lang din ako, dapat ngayon na.
At biglaan na lamang siya nagreply. "Tumigil ka nga manyak ka!"
Haluh.
Ano ginawa ko? Ganon ba ko kakulit? Kailangan bang manyak ang itawag sa akin?
Siguro hindi siya ang para sakin. I'll have to live my life with a broken heart.
Isang buong linggo din ang lumipas, sinubukan ko siya ichat ulit, but this time, manghihingi ako ng patawad, baka kasi nabastos ko siya.
"Hi crush.." sabi ko. "I mean, Elica. Sorry kung nabastos kita. Hindi naman sa manyak ako, siguro masyado lang ako nadala sa emosyon. Kasi totoo naman na crush kita, at ayaw ko nang itago ang nararamdaman ko. Pasensya na."
"Ah, hi Lorenz." reply niya. Nagulat ako, sobrang unexpected ng reply niya.
"Sorry Lorenz, nasa pinsan ko kasi yung cellphone ko since last month. Nagpalit kasi kami ng phones, with a dare of not switching accounts. Kaya isang buong buwan din na account niya ang gamit ko." pinaliwanag niya.
"So..? Hindi ikaw yung kausap ko last time?" Nabuhayan akong muli. Sa wakas, may pag-asa ako ulit.
"Actually, crush, sobrang nadown ako last time. Kala ko talaga, manyak ang tingin mo sakin. Thank goodness hindi ikaw yun." sunod kong sinabi, with a laughing with tears emoji.
"Sa totoo lang, nagulat ako sa chat mo. Hindi ko inakala na crush mo ako." sagot niya. "Hindi ko inakala na crush mo din ako."
Ha? Crush ko din siya? May iba bang may gusto sakanya?
"Lorenzo, I officially crush you back."
Napangiti ako ng hindi ko namalayan.
Woah, para na akong nabubuhay sa panaginip ko. Sa sobrang saya ko, wala akong maisip ireply kundi..
"Hi crush. Thanks for crushing me back."