One Shots #15 _ S T A L K E R

2.8K 6 1
                                    

S T A L K E R

Una ko siyang nakita noong nakasingle ako, nakaangkas lang kay Dad siyempre, hindi kasi ako ang tipo ng tao na nagyayabang gamit ang motor.

Sa pagkakataon nga naman, noong paglingon ko sa gawing kanan ko ay siya lang ang nasilayan ko, nagpokus sa kanya ang mga mata ko, at wala akong ibang nakita.

Siya ang pinakaunang love of my life. Siya lang din ang nagparamdam sakin ng love at first sight.

Nagkatitigan kami, at hanggang sa magkasalubong na kami ng landas, nginitian ko siya ng sobra sobra, yung sa tingin ko ba eh sobrang gwapo ko na.

Kaya lang hindi siguro niya napansin yoon, kasi nakamask ako. Sayang, hindi ko naisip tanggalin ang face mask ko.

Naghanap ako ng paraan para malaman ang pangalan niya. Sobrang pamilyar kasi ng pakiramdam na ito, na para bang nakita ko na siya dati, baka naman naging magkaaway kami sa Past Life namin.

Anyway, naghalughog ako sa Facebook, twitter, IG, friendster, Youtube, Google at iba pa.

Parehong bad news and good news ang naging resulta ng paghalughog ko.

Good news muna. Nakilala ko na siya, nagpakilala din ako.

Ang pangalan niya nga pala ay Agnes Valdellera. Naglakas loob ako na kausapin siya gamit ang social media.

"Hi, Agnes... Ako nga pala si Rico, nakatira sa kabilang barangay. Gusto ko lang sana magpakilala ng maayos sayo, wala pa kasi ako ibang kakilala sa lugar na ito. Umaasa po ako na magkasundo tayo sa mga susunod na araw. Good day."

Sa sobrang tapang ng hiya ko, nagresulta ito ng bad news.

Ano ang bad news? Nagmukha akong Stalker sa kanya.

"Ugh, hi, kung sino ka man, sana tigilan mo nang manggancho ng ibang tao, kawawa naman ang susunod mong iistalk. Dahil ako naman ang biniktima mo, ayos lang kasi hindi ako agad agad nagpapaapekto. Pero sana itigil mo na pangstalk mo. Mamili ka na sana ng bibiktimahin sa susunod, pero mas maganda kung ako na ang huli."

Since private daw lahat ng account niya, tinanong niya kung bakit ko nalaman ang pangalan at itsura niya.

Sa totoo lang, noon ko lang din napagtanto na sobrang forward ko pala sa message ko. Hindi lang sa hindi ako nakapagpakilala ng maayos, hindi ko nasabi na kami ang bagong lipat sa barangay, hindi ko rin nasabi na ako ang napadaan sa bahay nila.

Pero kahit na. Sobra naman ang sinabi niya sakin. Ano raw? Mamili ng bibiktimahin? Ano ako? Malignong naghihintay ng dalaga na dumaan sa harap ko?

Pero sa tagal ng pagreresearch ko sakanya, naging malaking bahagi na ang pagiging ganyan niya sa kung bakit ako mas malong nahulog sa kanya.

Dalawang araw ang lumipas, hindi ako nagreply sa mga binalibag niya sakin.

Sinundan naman niya ito ng isa pang tanong.. na hindi naman din connected sa usapan. "Hi, siguro naman tumigil ka na sa pagiging stalker mo? Anyway, nabanggit mo na sa kabilang barangay ka nakatira diba?"

Uhh? Hindi?

"May pinapaabot kasi ang mama ko na pagkain sa isang bahay dyan. May bagong lipat daw kasi, bigyan ko daw ng pagkain."

At ayon, napangisi ako, nakakita ako ng pagkakataon gumanti.

Bilang ganti, hindi ko muna ipapakita ang sarili ko, at papabayaan ko nalang na hanapin niya ako.

Hindi pwede na babae lang ang pa-hard to get, may karapatan din kaming mga lalaki mag-inarte.

"Alam ko kung saan sila nakatira. Dito lang sa harapan ng bahay namin." sabi ko. Nagtanong siya kung saan gawi ang bahay namin at tinuro ko naman nang tama.

Lumabas ako ng bahay at naghintay sa tindahan malapit sa amin. Hinintay ko siya dumating sa harap ng bahay namin.

"Oh? Nasan ka na?" tanong ko. Nakita ko siya papalapit sa bahay namin, may dala dalang lalagyan, pansit siguro ang ibibigay ng nanay niya sa amin.

Pahirapan niyang tinext sa akin kung tama ba ang pinuntahan niya. "Hoy, lumabas ka nga. Tama ba itong hinintuan ko? Magdodoorbells na ako pero hindi ko sigurado 'to."

"Huh? Saang gawi?" tanong ko. Habang nanonood mula sa tindahan, masaya akong umiinom ng softdrinks. "Wala namang tao sa harap ng bahay namin." sabi ko.

"Eto ang address na binanggit mo, imposible naman na magkamali ako." sagot niya.

Ibinaba niya ang bitbit na pagkain at napamewang sa inis, "ano ba? Tama ba 'tong bahay na sinasabi mo o ano?" pagalit niyang tinype sa keyboard. Nakakunot pa ang noo.

"Sige nga, try mo pindutin ang doorbell, baka sakaling lumabas ang may ari." sabi ko. Bumili ako ulit ng softdrinks.

Muli niyang binitbit ang pagkain at lumapit siya sa gate.

—Ding–dong— tunog ng doorbell. Dali dali akong tumayo at naglakad papunta sa kanya.

Kinalabit ko siya sa likod, napatingin siya sakin at natulala. "Oh heto softdrinks para sayo." eka ko, "Kanina ka pa kasi parang tangang nakatayo sa harap ng bahay namin."

"S-sinong tanga? Bago ka lang dito sa barangay, masyado ka namang masama magsalita." galit niyang sinagot.

Napatawa ako ng onti, na kanya namang narinig, "Huh? Tumatawa ka pa ngayon?"

"Sorry, ako kasi ang pinagkamalang Stalker ng isa kong kabarangay. Kabago bago ko pa namang residente, Stalker na agad ang tawag sa akin." pinarinig ko sa kanya "Type ko pa naman yung babaeng nakatira sa bandang dulo ng kabilang barangay."

Patuloy ko siyang tinukso. "Sayang,
ganito palang klase ang mga tao dito."

Napailing siya at tinanong, "Ikaw ba yung stalker na kausap ko last time?"

"Oh ayan, stalker nanaman. Mukha bang stalker itong itsura nato?" Sabi ko habang hinihimas ang baba ko. "Hindi ako stalker, at mas lalong hindi kita iniistalk. Crush kaya kita." dagdag ko nang nakangiti.

Napatikom ang bibig niya at namula ang mukha niya. Napatingin siya diretso sa mata ko. "Hoy, ano ba problema mo?" tanong niya.

Pagkatapos niyang magtanong ay napakunot ang noo niya, sabay pagtagilid ng ulo niya. Hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko at tinitigan ako ng matagal. Hinawi ang buhok ko sa kanan na para bang kaibigan ko lang siya.

"Ricci?" bigla niyang imik. Bakit naman alam niya ang nickname ko?

"Sabi na nga ba eh. Ikaw nga, Ricci. Ako to si Agnes, kababata mo sa probinsya." sabi niya.

Bakit hindi ko siya nakilala agad. "Oo ikaw nga, kaya pala tuwang tuwa si Mama habang nagluluto kanina. At kaya pala mukhang pamilyar ang napadaan sa kanto namin."

Huwaw, so nakababata ko ang crush ko? Imbes na ako ang mangsurprise, ako pa ang nasurprise.

"Hahaha just like old day, huh, Ricci?" patawa niyang sabi. "You have always been a stalker anyway." pabiro niyang sinabi.

Hindi naman ako stalker. Curious lang.

Napabuntong hininga siya at napangiti. "Hindi mo siguro maalala pero, dahil sa sinabi kong gusto kita noong mga bata pa tayo, lagi mo nalang ako tinitignan sa malayo. Nagmukha kang stalker ever since"

Nanatiling blanko ang isip ko. Hindi mo maisip na kababata ko siya. May kababata akong ganitong kaganda. "Naaalala ko pa yung mga oras na lagi kang nakasunod sa likod ko, mamalayo o malapit ka, nararamdaman kong nakabuntot ka. Alam mo ba kung gaano nakakatakot para sa isang bata iyon?"

Napatawa siya sabay hawak ng kamay sa tiyan. "But still.. Once my stalker, always my stalker."

One ShotsWhere stories live. Discover now