Next Time
Pauwi na kami ng mga kabarkada ko noong bigla ko na lang naalala ang nangyari nitong tanghali.
Pinakiusapan ako ng kaibigan turned M.U. ko na si Faye na sasama siyang umuwi sa akin, since magkamukha lang kami ng daan pauwi.
The thing is, masyado na akong nahihiya sa mga kaibigan ko. Lagi na lang silang aadjust para sakin, because I cause so much traffic tuwing uwian, ako iyon laging kailangan hintayin. Now that we can go home earlier, si Faye naman ang naging dahilan ko para magtagal.
This is too awkward, nakatayo lang kami sa harap ng gate. How will I tell my friends? Should I just stall some time?
Wala sana magsuggest na sumakay ng tricycle.
"Tara, bili ng isaw, guys." sabi ko, tapos hinila ko ang isa sakanila. "Hoy, ano ba? Ikaw nalang." sabi niya.
Bigla nagpabida ang isa sa mga barkada ko. "Yow guys, may nakalimutan ako sa room, kunin ko lang." Yes! Sa wakas may dahilan na para magtagal kami dito.
Nakakaubos na din ng pasensya ang paghihintay, pati ako, gusto ko na din sumakay, but yet another surge of patience came running to me, might be the power of love. I took my phone, waved at Faye in the chat pero hindi niya naseen.
Nakabalik na ang barkada kong bumalik ng room. How much more can I stall time?
"Oy, guys, look, si Maam Math yoon diba?" tanong ko sakanila habang nakaturo sa third floor ng school. Nagbigay iyon ng ilang minuto ng libang.
Uminit lumilim sa kinatatayuan namin, wala parin nagsusuggest sumakay ng tricycle.
Nasaan na ba siya, nakakahiya na din talaga sa mga kabarkada ko.
More time. I need to stall more time. Tinignan ko ulit ang chat namin, hindi parin siya nagsiseen. Nagsend ulit ako ng wave.
"Tara na guys, uwi na tayo." biglang sabi ng kabarkada ko. Isa isa silang nagsimulang maglakad.
"Ay wait, yung baunan ko nasa room pa pala." sabi ko.
"Dimwit. Ayan ah, hawak mo." sabi naman ng isa.
Napangisi na lamang ako habang slight na kinakabahan. Faye, nasan ka na ba kasi?
Sunod sunod silang nagreklamo sa init. Sunod sunod ding nagpaypay ng kanya kanyang mga kamay.
"Tara na, ang init." sabi ng isa.
"Tara, tara." sunod sunod nilang aya.
"Saglit, may hinihintay ako." biglaan kong nasabi.
Did I just say that too loud? Kinakausap ko lang ang sarili ko buhat ng kaba at irita.
"Sino?" eka naman ng isa. Ahay, paktay na. Napuwersa tuloy ako sabihing, "Ah? Ah, wala, wala."
Dahil sa awkwardness, natawa na lang kami. Pinagtawanan nila ang kaweirduhan ko, at nakisakay na lang ako.
Ahh, is this a dead end. Sayang ang chance, gusto ko makasama si Faye umuwi.
Sayang....
....
Later that night. Nagseen na si Faye sa wakas.
"Halaaa, sorry Paulo, nakalimutan ko. Kanina pa ako nakauwi, sorry talagaaa."
"Hindi ayos lang. Nakalimutan ko din naman na sabay tayo uuwi. Hehe."
"Sorry talaga. Next time na lang, sorry."
"Ayos lang. Hindi ko rin talaga naalala 'yung usapan natin. Ah, kaya pala parang mayroon akong isang bagay na parang nakalimutan ko."
"Hehe, kaharsh naman. Anyway, sorry talaga. At least, dapat nagchat ako."
"No need for sorry, believe me, ichachat na sana kita na hindi na kita mahihintay, I guess I forgot that, too. Thankgoodness naka-uwi ka na pala."
"Hahaha, thanks parin sa thought moo. Pero sorry padin."
"Ayos lang talaga, hahaha, no need to worry. Next time sunduin na lang kita sa kwarto niyo para hindi natin makalimutan."
"Hahaha, pwede den. Sige."
....