Hostage
Ransom for a child. Ransom for a family. Ransom for a Political Body. Dito ako kumukuha ng sweldo.
Hindi ko plinano gumawa ng krimen, pero dahil sa daloy ng buhay ko, nakagagawa ako ang hindi ko nais gawin.
Lumaki ako na may pinag-aralan. Nakapagtapos din ako ng kolehiyo, naranasang magtrabaho at kumita sa paraang marangal.
I learned how to negotiate while speaking in english. Learned three more languages and even experience life on other countries.
Lagi nalang ako napapaisip kung saang gawi ng buhay ko ako nagkamali. I was flying with the birds, but after I got a hold of myself, I realized I was crawling with the worms.
Heto ako ngayon, nakatayo sa loob ng isang bangko. May hawak hawak na babae sa aking kanan at baril sa kaliwa.
"Ibaba mo ang baril. Napaliligiran ka na namin!" sigaw ng pulis.
Napaslow-mo ang paligid ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. "Ilabas mo ang pera!" sigaw ko sa manager ng bangko.
Isa lang ako at sobrang daming tao sa loob ng bangko. Hindi ko ginusto ang manghostage ng ganitong kadami, but for my survival, I have no choice.
"Kuhanin mo lahat ng pera, kundi papatayin ko 'tong babaeng 'to."
May babae sa labas ng bangko na nakapukaw sa mga mata ko, isa ata siya sa mga pulis.
"Mr. Zamilla, pwede natin ito pag-usapan. Ibaba mo ang baril, at humanap tayo ng mas maayos na solusyon para sa sitwasyon na ito."
Nagboluntaryo siya na pumasok sa loob para lamang kausapin ang isang masagwang magnanakaw na katulad ko. Siguro pati siya napilitan lang sa trabaho.
Pagpasok niya ng bangko ay ibinaba niya ang kanyang baril at vest. "Heto, wala na akong hawak. Ibaba mo na rin ang iyo at mag-usap muna tayo."
She kept on persuading me like I'm an uneducated shit. Woah, now I see people who look down on me. Isa na siya doon para sa akin.
"Ano gagawin mo kung hindi ko ibaba?" Tanong ko. "Mas maganda kung una palang ibigay niyo na ang pera sa safe."
Lalo ko pang dinuro ang baril sa ulo ng babae.
"Oh, oh, oh. Stop. Kalma ka lang Mr. Zamilla. Pwede natin 'to gawan ng solusyon." sabi niya.
"Una,.." matagal siyang napahinto. "Sige, una, bitawan mo ang babae, ako nalang ang gawin mong hostage."
Kontento ako sa sinabi niya kaya naman pinalapit ko siya at binitawan ko ang babae.
Matapos ko siya hawakan, itinaas niya ang kamay niya at humarap sa bintana. Kinaway niya ang kanyang mga kamay, na nagsesenyas na ibaba ang baril ng mga pulis.
Hindi nagtagal ay nagsibabaan sila ng baril, pwera nalang siguro sa mga pulis na wala sa paningin ko.
"Ayan, Mr. Zamilla, ngayon ano pa ba ang gusto mong mangyari." bulong niya sakin. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong, "Pera.. pera ang kailangan ko. Maibibigay mo ba sa akin yoon?"
Napalingon siya ng bahagya sa akin. "Kung pera lang ang gusto mo, hindi naman kailangan ng hostage, lalo na't ganitong kadaming tao pa ang nasa loob."
Tama ang sinabi niya, hindi ko nga kailangan ng ganitong kadaming hostage, hindi naman din sa ginusto ko ang ganitong kadaming hawak na tao. "Pinatakas ko na sana sila, kung kaya ko. Pero hindi ako binigyan ng oras ng mga pulis maghanda." Sabi ko, na dahilan naman ng bigla niyang pagtawa, "Ganun ba? Ano masasabi mo sa serbisyo namin?"
Napailing ako, kabaligtaran naman ng sagot ko, "Kumpara nga sa dati, mas mabilis na ang dating niyo ngayon." sabi ko na nasundan ng tawa ko. "So, bago ka ba sa serbisyo? How did you enter? Hard work or by connections?" Tanong ko na para bang nanghuhusga sa isang mandaraya.
"Connections? Dahil ba doon kaya ka naging magnanakaw?" tanong niya. "Alam kong may pinag-aralan ka. Alam ko ding biglaan kang nawalan ng pwesto sa trabahong pinapasukan mo."
Nanghina ang kamay ko at napatawa na lamang. "Gawain ba ng mayayaman na itaboy kami, kahit mas may kakayahan kaming magtrabaho? Ibang klase." sabi ko. Mas lalo niya nilingon ang kanyang ulo sa akin, "That's why I volunteered to be your hostage. Because I know how it feels." sagot niya. "Let me help you get out of here. Sumuko ka at pagbayaran mo ang mga nagawa mong krimen, at paglabas mo ng kulungan, tutulungan kita magsimulang muli. Hindi ba't mas magandang magtrabaho ng tama?"
Ang mga salitang iyon ang muling nagbigay liwanag sa mga mata ko at nagpakita ng pag-asa sa aking puso.
"Promise you'll help me? I've been in the deepest bottom of my life, I've dug deeper than most people. You still want to help?" Tinanong ko.
"Oo naman, alam mo bang sobrang sayang mag-aral, lalo na pag Law School. I'll help you get into one." sagot niya ng nakangiti, pero kita parin sa mga mata niya ang kaba.
Dahil sa kanyang sinabi ay sa wakas huminahon na rin ang aking isip. Binitawan ko siya at pinalayo sa akin.
Ngunit isang maling galaw ko ang naging dahilan ng pagtaliwas ng mga pangyayari.
Naaksidente kong naibaril ang hawak kong kasadong baril. Naging dahilan ito ng pagiging alerto ng mga pulis sa labas, na kung saan isa sa mga ito ang bumaril ng sniper.
Tinamaan ako sa braso ng balang tumagos naman sa puso ng babaeng pulis. Dahil sa nangyari ay napatulala na lamang ako.
Sumugod ang mga pulis sa loob at niligtas ang mga hostage, sinubsob ako ng ilang pulis sa lapag at pinosasan.
Isang pulis ang sumigaw, "Inspector Fontanilla! Gising, Inspector!" Nakatingin lang ako sa nakapikit na mga mata ng babaeng pulis.
Fontanilla raw ang pangalan, yoon ng dinig ko galing sa sigaw ng isang pulis.
Natauhan ako, napagtanto ko na simula't sapol, wala na ko sa tamang landas. Para kay Inspector Fontanilla na nagpamukha sakin ng katotohanan, pangako ko na tatapusin ko ang kung gaano mang kahabang pagkakakulong, at sisikapin kong maging disenteng tao. Hanggang sa magkita tayong muli.
....
10 years later.
"Mr. Sevia, ihinto mo ang kahit anong balak mong gawin, napaliligiran ka na ng pulis!" Sigaw ng isang pulis.
And who's that? Prosecutor Alejo Zamilla. I, myself, am taking down hostage taking criminals.
After my shift, nagpunta ako sa puntod ni Inspector Fontanilla. Seven years ago, after I got out of prison, I finally got to know her full name. It's a beautiful "Lyzza Linsel Fontanilla". There, at her tomb, I put a bouquet. I left a letter, though I know won't be read, saying:
I'm finally living the life you have advised me to live after seven years of the education you have boasted about. I wish you well, wherever you are in this world. I'll keep living like this until we meet again.
![](https://img.wattpad.com/cover/209509834-288-k689774.jpg)