A Piece Of Your Mind
"Bro, hindi ko na talaga kaya. Kailangan ngayong araw ko sabihin sakanya 'tong nararamdaman ko." sabi ng aking homie na si Jonathan. Si Ella nga pala. Ang babaeng matagal na niyang iniirog (pwahahaha, iniirog, I mean, minamahal, basta yon). Magkakakilala kami, pero hindi gaano ka-close. At itong si Jonathan, walong taon nang tanga para kay Ella.
Dahil heto ako, isang alcoholic, pero controlled, isa niyang matalik na kaibigan, wala ako ibang magagawa kundi ioffer sakanya ang impluwensya ng alak.
"Bro, alak gusto mo? Sabi kasi ng iba, nagsasabi daw ng totoo ang isang tao pag lasing. Napapakita daw ng alak ang tunay na katauhan ng isang tao. Itesting mo, malay mo, baka mas malakas ang loob ng tunay mong pagkatao."
"Ganon ba bro? Sige nga, tagayan mo nga ako."
"But be warned, Bro. Pag kakausapin mo siya, make sure na kasama mo ako, tulungan kita mag-da-moves."
At noong gabing yon, nag-inuman kami, hanggang sa pareho kaming bumagsak.
Umiinom pa siya noong naiglip ako ng saglit, at nung nagising ako, bagsak na siya.
Dahil mataas ang tolerance ko, nakatulog lang talaga ako dahil sa pagod, char; basta, dahil mataas ang tolerance ko, nung gabi pa lang, sober na ako. Si Jonathan, until morning, wasted.
So ako na ang nag-uwi sakanya, since nasa isang apartment lang naman kaming dalawa. And FYI, magkatrabaho din kami, both engineers in the making. Nasabi ko lang, baka sakaling may gustong makaalam. Haha ako na ata ang lasing sa kung ano anong sinasabi ko mag-isa.
So ayon, kinabukasan, sa apartment niya ako unang nagtungo after ko magising. Napansin kong may isang kaldero ng soup sa harap ng pintuan ni Jonathan, with a letter from Ella saying "Stay healthy. Reduce your alcohol intake." Pumasok ako sa apartment ni Jonathan dala dala ang soup na iniwan ni Ella. I wonder why she left soup in front of Jonathan's door, I mean, how did she know?
"Jo! Tara, bangon na. Eto soup, para sa hang over mo."
"Ahhbwoo, woodwoorii~" patamad pa niyang sinabi. Itong taong 'to oo, sawang sawa na ata sa presence ko.
Pwes, sawa na din ako sayo. Mahaba lang pasensya ko.
"Bro, tayo na. Lalamig pa 'tong soup. Ah, galing nga pala 'to kay Ella." ani ko.
Pagkatapos kong sabihin yon ay dali daling tumakbo si Jonathan papuntang lamesa. Muntik na akong hanginin palabas dahil sa lakas ng impact niya.
"Tara Bro, kain!" eka sakin habang naglalagay ng soup sa mangkok. Aba, parang kanina lang hindi ka makabasag pinggan sa boses mo ah, tapos ngayon, daig mo pa nagpapafeeding.
"Pero, Bro, maiba nga. Bakit may dalang soup si Ella dito? Ano meron?" tanong ko. Kasi first of all, hindi sila ang tipo ng magkakilala na nagbibigayan ng soup pag lasing ang isa, but strange enough, may dalang soup si Ella para kay Jonathan. Did I miscalculate? Misinterpret? Misunderstood? Was I left out? Left in the dark? Put aside? Betrayed? Uninformed? Unknown? Unfriended? Huhu~ what chills. I need to stop overthinking.
Anyway, after that, nakatulog si Jonathan sa lamesa. Tapos, tumunog ang cellphone niya. At first, hindi ko dapat kukunin eh, kaya lang tunog ng tunog, wala ako magagawa, my damned curiosity kicked in.
What the actual fuck!?? Si Ella yung nagte-text? Like how? Since when? What sorcery is this?
[Ella: Nakain mo na ang soup?
Ella: Matulog ka na muna after mo kumain.
Ella: Thanks nga pala sa time mo kagabi.
Ella: Na-appreciate ko na ako ang napili mong kausapin over so many friends of yours.
Ella: Na-appreciate ko din na ako ang naisip mo, kahit na lasing ka.
Ella: I'm grateful about the fact that I at least have a piece of your mind.
Ella: I was really needy of someone to talk to. Sa susunod ulit.]What the fuck is the meaning of this!?
Hindi ko mapigil na hiyaw ang lumabas sa bibig ko, "BRO! ANO PINAG-USAPAN NIYO NI ELLA!?"
Itinaas niya ang kanyang kamay at winagayway, tumatawa siya habang nakadukdok ang mukha sa lamesa.
....
At ngayon, heto ako, nagiiscroll sa messages ni Jonathan at Ella. Thank my damned curiosity for that.
Read at your own risk
[Jonathan: Hi.
Ella: Ah? Hi?
Jonathan: Hello. hihi
Ella: uh?
Jonathan: May sasabihin ako sayo.
Ella: Ok, ano un?
Jonathan: crush kita <3
Ella: huh?
Ella: haha thank you.
Jonathan: Thank you lang? Walang 'crush din kita'?
Ella: Ah, wala.
Jonathan: Aray naman </3. Hindi ba tayo close? Kasi para sakin, close ng heart ko ang heart mo.
Ella: Hahaha, kahappy mo naman.
Jonathan: Syempre, kausap kita ih. hihi
Ella: hmm, ano ginagawa mo ngayon?
Jonathan: Heto, umiinom.
Ella: Mag-isa?
Jonathan: Hindi. Kasama ko ang homie ko.
Ella: Sino?
Jonathan: Curious ka?
Ella: Pwede din namang hindi ko na malaman, kung ayaw mo sabihin.
Jonathan: Ah, eto na, eto na. Sasabihin na po ma'am.
Jonathan: Si Evan kasama ko. Kilala mo un?
Ella: Ahh.
Ella: Oo kilala ko siya. Pareho ba kayong lasing?
Jonathan: Hindi. Siya lang lasing. hihi
Ella: Haha. Totoo ba yan? Baka ikaw nga lang ang lasing.
Jonathan: I would never tell a lie.
Ella: Really?
Jonathan: For you, dear <3
Ella: Haha. Nakakatawa ka talaga
Jonatahan: Pwede na maging clown?
Ella: Siguro, kung papalarin ka.
Jonathan: Mas gusto kong palarin na makasama ka <3
Ella: Haha. Lasing ka na, humuhugot ka pa. Kaeffort mo naman.
Jonathan: Syempre, just for you. <3
Ella: Hmm. Saan ka na nga ulit nakatira?
Jonathan: Bakit? Aakyat ka ng ligaw sakin? hihi
Ella: Hindi ah. Magluluto ako ng soup, kasi obvious na lasing ka.
Jonathan: Hindi nga kako ako lasing eh.
Ella: Ano? Sasabihin mo ba address mo o hindi?
Jonathan: Heto na po, maam ganda. Maliwanag Subdivision, Building 04, Room 08. Pero mas gusto ko pong tumira sa puso niyo po, maam <3
Ella: Haha. Sige, next time.
Ella: Umuwi na kayo, para makatulog at magising na kayo ng maaga. Baka lumamig pa ang lulutuin kong soup para sa inyo.
Jonathan: Yes maam.
Ella: Haha, sige. Good night.
Jonathan: Good night. Haha
Ella: Good night.
Jonathan: Night night. <3
Ella: Sige na, good night.
Jonathan: Good night.
Ella: Last na 'to, good night na.
Jonathan: opo, good night po. <3
Jonathan: <3<3<3<3<3]Bwuaha, ako lang ba o sadyang nakakasuka itong si Jonathan?
At kailan naman niya naging katext si Ella? How sly of you, Jo. I've been played.