How do I get over you?
Ah, I still remember all the pain you've caused me. Pero never kong itinanim ang mga yun bilang galit. Naiintindihan ko namang may pinagdanan ka din.
How do I put this into words. Siguro nga wala nang salita ang makakapagpaliwanag nito.
But at least let me tell you a story now.
At first, it's like this:
I'd always shout out your name, "Jowanne, sabay na tayong umuwi."
And I still remember hearing your answer as, "Yeah yeah, saglit lang." It's nothing special though, it just gives me butterflies.
Pero ang bigla na lang nanaksak sakin ay ang katotohanan na isinagot mo ang matamis na 'oo', na matagal ko nang marinig, sa iba.
But I'm a strong man, hindi ako magpapatalo sa ganun.
Another scar I remember getting from this one moment:
Remember when you put some distance between us? Kung hindi, ayos lang, kasi baka ako lang ang nakaramdam.
Basta naaalala ko, nandoon ka kasama ang lalaking sinagot mo. At ako nakatingin sa malayo, pabulong bulong, "Jowanne, heto lang ako sa gawing likuran mo, lingon ka naman kahit papaano."
Nawala sa isip ko kung gaano katagal ang pagtitig ko sainyo, ang saya mo kasi, kaya napangiti na lang din ako.
Alam mo ba kung gaano kong katagal hinintay na lumingon ka sakin, which never happened? Ayos lang din kung hindi mo alam, kasi pati ako hindi ko din alam kung gano katagal ang inabot para sumakit ang mata ko sa punto na kinailangan kong pumikit habang lumuluha ng dugo.
Ah ito bang sugat ko sa labi, na kay tagal nang nandito, hindi parin nawawala, alam mo kaya kung paano ko to nakuha?
Galing to sa isang malakas na bira. Sinugod ko lang naman kasi ang lalaking nagpaiyak sayo, pero hindi mo alam yun, syempre kasi hindi ko pinaalam, at umiiyak ka kasi noon.
Noong pumunta ako sa bahay nyo para kausapin ka, naaalala ko pang sinabi mo, "I'm fine, really. Siguro nagkulang lang ako sakanya. But I'm just fine, trust me." Hindi mo na siguro napansin na mukha kang iniwan ng sanggalon ng luha kakaiyak nung lumabas ka para kausapin ako.
Alam mo bang masyadong uminit ulo ko dahil doon?
Ang dami ko nang nagawa para lang sa pagmamahal na ninais kong maibigay mo, mabuti at masama, pero ano magagawa ko, dahil dito sa bulag kong puso, ibinuga ko na lahat nang aking makakaya, hininga, dugo, pati na apoy.
Eh itong mata ko na hanggang ngayon lumuluha, alam mo ba ang dahilan?
Sa panahong gusto mo nang kalimutan ang naging relasyon mo sa lalaking pinaasa ka lang, hindi ba't naglasing ka kahit hindi iyon nakabubuti sayo?
I would always say, "Jowanne, please stop hurting yourself. This will not get you anywhere." tapos iiling iling ka pa habang kinakalog ang bote ng alak, "Ah, Kenzo, kailan ka pa nandito. Halika dito, patagalan nga tayo sa pag-inom."
Sa lahat ng sinabi ko sayo na kailangan mong marinig, bakit yoon pang mga bagay na dapat mo talagang marinig ang hindi mo pinakinggan?
Ikaw kasi, ang tapang tapang mo. Kala mo kung sinong sundalo, ang galing mo naman mamrotekta, inilayo mo ang puso mo, pati na din sa mga taong mahal kang totoo.
Eh ito bang sakit sa puso ko, alam mo kung saan ko nakuha ito?
Siguro kahit ito lang, dapat alam mo.
Ito naman ang nakuha kong sakit noong bigla ka na lang nagpakalayo.
I keep wanting you, to the point that my heart would ache. Kahit anino mo, ninanais ko nang makita. Pero kailangan natin tumanda at matuto.
At ayon nga, natutunan ko na kailangan din nating kalimutan ang isa't isa para gumaling. Kailangan kong kalimutan kung gaano kita minahal.
Ang sakit diba?
Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?
Ito.
Itong ginagawa ko ngayon.
Kinakausap ka, ikaw na hindi ko na makikita.
Ang pinakahuling sugat na nakuha ko ay ang sugat na sinaksak mismo ng kaluluwa ko. Sugat na pinilit isaksak ng kaluluwa ko dahil sa sobrang kabobohan ko.
Pilit nitong sinaksak sakin ang katotohanang pinabayaan kita. Na hindi ko naisip ang posibilidad na 'to, na naging katotohanan na natin ngayon.
With all pieces here, I try to connect and glue them all, but to no avail. Daig pa nito ang sirang salamin. Nagdudugo na ang kamay ko, hindi ko parin malubayan. Itong sobrang hinang puso na nasa loob ng sistema ko, kahit kailan hindi ka kayang bitawan.
Hindi ko kayang bitawan ka, this lingering feelings I still have for you.
Noong mga oras na nagpakatanga ka, na kung ano ano ang ginawa mo para makalimutan mo ang mga nangyari sayo, nandun ako, nanonood. You didn't want me to intervene, there's nothing I can do but watch. When you died right before my eyes, I knew. I knew back then, I'll never get these scars cured.
You were the factor that made it impossible for me to recover. You are my biggest scar. Your existence is my scar, and I don't know how to get over you.
But still, wherever you are in this world, I wish you happiness. Whether you're watching me from up there or still clinging into something that's important to you, I still wish that you'd forget the bad memories you had in this world.
I'll stay alive, and try my best not to falter around. Since you're already resting somewhere, I, too, want to rest, I want to relieve myself from all these pain. I'll go on living and move on.