A Guy Friend
Limang taon na kaming magkakilala. Limang taon na din kaming nagtatrabaho sa iisang kompanya. Long story short, sa trabaho ko siya nakilala.
Ako si Mariano, in short, Mino, and I am Kinsley's Guy Friend.
Kami yuong tipo ng mga empleyado na laging nababansagan na Office Couple o Lovebirds. Pero ang totoo nyan, kami nga talaga. Hindi namin ito pinapaalam sa iba, we are like a "sad secret love story" na pilit na sinisekreto ang pagmamahalan na pilit ding pinaghihiwalay ng tadhana.
Hindi naman ganun kalungkot ang relasyon namin, napagkasunduan lang namin na huwag sabihin dahil sa....uhm.. Personal reasons?
But then again, it does sounds somehow cool, diba?
Heto nga pala ang araw na nagpabago sa buhay namin.
7:00 ng umaga, nakatayo na ako sa harap ng kompanya, hinintay si Kinsley at palihim na sinundan siya papasok.
Dahil sa magkaiba naming department, tuwing magtitimpla lamang kami ng kape nagkikita.
"How's your day, Kinkin?" bulong ko, habang nagtitimpla ng kape. Mapapangiti siya at aasog ng kaunti palapit sakin. Inilapit pa ng slight ang ulo at binulong sakin, "My day has been as handsome as you, Minmin."
Kikiligin na lang ang buo kong sistema ng pasikreto at ngingiti ng bahagya. Habang nagkakape ay pakunwari akong kumuha ng biskwit sa tabi niya para lang maakbayan ko siya. "Sweet mo naman, Minmin." bulong niya, na tuwang tuwa naman sa pinaggagagawa ko. Pero mas sweet ang labi niyang puno ng foam ng kape, I wanna lick it off as wild as I can, but I need to lay low, we're at work, so...
After ko naman iassist ang mga seniors ko ay dinaanan ko ang office nila Kinsley. I low key glanced at her working at mapapangiti na lang ako.
Though, there's this one guy na umaaligid sa Kinkin ko, not in a sweet way, but in a freakishly annoying one. Tinatabunan niya ng paperworks si Kinsley, kahit na siya dapat ang gagawa nun.
But let's not forget na mas mataas ang ranko ko sa kompanyang ito kaysa sakanila. So, I waited outside their office, hanggang sa lumabas ang ungas na yun. Binigyan ko siya ng flash drive na may importanteng file, crucial para sa isang empleyado na gustong mapromote.
Pero bakit ko ibibigay ng ganun lang kadali, diba? Since lagi niyang ginagawa sa Kinkin ko ang kagaguhan niya, ang flash drive na yun ang ganti ko.
Ibinigay ko sakanya ang file na kailangan para sa event ng CEO ng kompanya, that is needed to be done after 24 hours. What's even more thrilling, I put 26 folders named A-Z, within those folders are another set of folders named 1-10, and another set and another set and another..
Hindi kasi pwedeng si Kinsley ko lang ang nahihirapan. It's live or die for him now.
Then at lunchtime, sa cafeteria kami lahat kumakain. I'll skip mine, and so will she. Pareho kaming may dahilan, though magkaiba, pero isa lang ang pupuntahan. Nauna ako sa restaurant. Nagpareserve na din ako ng upuan, kung sakali man maubusan kami ng table.
Umalis ako sa restaurant at naghintay sa ilalim ng puno. Tatlumpong minuto din ang tinagal bago ko siya nakita papunta sa restaurant. Nagkunwari akong papunta pa lang din ako. Nagkita kami sa harap ng restaurant.
"Sorry, Minmin, napatagal ako. Si Team Leader kasi. She keeps on insisting me to eat with them." sabi niya. Hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos ito, "Don't worry, Kinkin, I didn't wait long, in fact I also just got here."
Pumasok na kami at kumain. "Waiter! Can I have a glass of water please." tawag ni Kinsley.
Nung lumapit ang waiter ay agad nito nilagyan ng tubig ang baso ni Kin. Nginitian siya ni Kin, dahilan naman ng pagkatulala nito. Ayan nanaman kami, isang waiter nanaman ang naakit sa ganda ng Kinkin ko. Kinatok ko ang lamesa, "Hey, waiter, the water's spilling." I said, while glaring at him.