Chapter Three

1.8K 46 2
                                        

Rhea's POV

Nung gabing ring yun ay may sumundo sakin sa kwartong iyon. Nasa school clinic pala ako. There this girl na naghatid sakin sa isang dormitory room. Sabi niya yun daw ang magiging room ko, di ko na kailangang mamoblema sa damit at gamit dahil kompleto ang lahat dun.

Agad siyang nagpaalam ng mahatid niya ako hanggang sa pinto. Pagpasok ko sa loob ay malaki naman yung kwartong iyon, mas malaki pa sa kwartong tinutuluyan ko kung san man ako galing. Agad akong nag ayos ng sarili ko at naisipan nalang matulog pagkatapos.

Nagising ako kinabukasan dahil sa katok mula sa aking pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko pagbuksan kung sino yung nasa pinto.

"Pasensya na sa istorbo pero napag-utusan lang kasi ako." Sabi ng babaeng napagbuksan ko. Siya rin yung babae na naghatid sakin kagabi. "Pinapatawag ka ng Reyna, gusto ka daw makausap." Tumango lang ako bilang tugon. Sumunod ako sa kanya na naglalakad kami patungong kung saan.

"Nga pala, ako si Hygea. Kung may kailangan ka pwede mo kong lapitan." Ngiting pakilala niya.

"Rhea nga pala."

"Nice meeting you." Ngiting sagot niya. Napansin kong papasok kami sa loob ng Academy, May mga estudyante sa paligid na napatingin sa direksyon ko. Tulad ng nakasanayan ay hindi ko na iyon pinansin.

Tumigil kami sa isang napakalaking pintuan. Nagulat pa ako ng bumukas iyon at niluwa ang limang tao.

"Oh, Rhea ikaw pala." Masiglang bati ni Selene. Tumango lang ako bilang pagbati sa kanya. Tumuloy na sila sa paglalakad at tulad ng nangyari nung nakaraang araw at kahapon sumakit ang dibdib ko ng mapadaan sa tabi ko si Zeus.

Damn it! Kailan ba titigil to? Napabalik ako sa katinuan ng magsalita si Hygea sa tabi ko.

"Rhea, naghihintay na ang Reyna sayo."

"Ah, okay salamat." Pag kasabi ko nun ay pumasok na ako sa loob. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

Namangha ako sa laki ng silid na yun. Naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa isang mahabang lamesa. May babaeng siguro mas matanda lang sakin ng mga dalawangpung taon, nakaupo lang siya.May kulay ginto siyang buhok. I guess Hindi ako naiiba dito. Halos lahat ng tao dito ay iba iba ang kanilang kulay ng buhok. Umangat ang ulo ng babae sa harap ko kaya nagtama ang mata namin. Shit! Those eyes again. Biglang sumakit ulit ang ulo ko kaya napa-ungol ako sa sakit na nagawa nun.

Why the hell this is happening to me? Naramdaman kong tumayo yung babae at lumapit sa akin. Balak niya sana akong hawakan ng biglang May kung anong enerhiya ang tumulak sa kamay niya papalayo sa akin.

"AHHHHHHHHHH!" sabay naming sigaw ng tumilapon kami ng hindi kalayuan sa isa't isa.

"I guess I can't approach you." May kung anong ilaw ang bumalot sa kanya at dahan dahan na siyang tumayo. "Sorry, I didn't meant to scare you. Let's sit there, we need to talk about you." Sabi niya sa akin at bumalik na siya sa inuupuan niya kanina. Ako naman tinulungan niyang tumayo gamit ang kapangyarihan niya  at umupo narin ako sa kabilang dulo ng lamesa.

"Ako nga pala si Hemera. I know bago kalang dito gaya ng sabi ng dalawang prinsesa at tatlong prinsipe. Ako ang Reyna ng Life Kingdom at ako rin ang namamahala sa Academy. Rhea tama?" Pagpapakilala ng babaeng kaharap ko. Tumango ako bilang tugon."Alam kong marami kang tanong tungkol sa amin at maging tungkol sa iyong sarili. Pero sa pagkakataong ito ay hindi namin masasagot ang tanong mo kung hindi mo alam kung sino ka nga ba sa mundong ito. Sigurado akong May kapangyarihan ka dahil hindi hindi ka makakapasok dito kung wala ka. Naalala mo ba kung pano ka napunta dito?"

Napaisip ako saglit at napatitig sakanya.

"I Remember nasa  school ako nun, naglakad-lakad ako sa school namin hanggang sa makarating ako sa isang gubat."

"Gubat kamo na nakita mo sa likod ng school?" Tumango ako . "Anong hitsura ng gubat?" Tanong niya na parang may kung anong bumabagabag sa kanya.

"A beautiful Garden with full of flowers and butterfly." Sagot ko.

"May nakita ka bang parang sirang gusali doon?" Napakunot ang noo ko. Pano niya nalaman na may lumang gusali doon?  Sinagot ko nalang ang tanong niya.

"Yes" tipid kong sagot. Medyo nagulat ako ng pagbiglang pagbago ng ekspresyon niya. Para siyang naguguluhan na natataranta.

"Hindi maari. Imposible iyon."  Agad niyang sagot sakin.

"What do you mean?" Mas lalo akong nalilito dahil sa sinasabi niya. Huminga siya ng malalim at napatitig sakin ng matagal. Maya maya ay para siyang sumuko sa pagtititigan namin at umiwas ng tingin.

"I guess yan lang muna ang masasabi ko sayo. We still need to talk to each other for more update. Hindi ka namin maibabalik sa mundo niyo and I guess you need to stay here for good."

"What?! No way!" Gulat kong reklamo.

"I'm sorry but we have to keep you here. Hindi ka pangkaraniwang tao at maging pangkaraniwang may-kapangyarihan. We can feel your strong presence that's why we need to keep you."

Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. Napalingon ulit ako sa kanya ng magsalita siya

"Starting Tomorrow you will be an official student here in Life Academy. Wag kang mag alala you don't need to pay anything here. Hygea will tour you around the school at sasamahan ka rin niya kung saan mo makukuha yung set of uniforms mo. You can go now, if you need anything just ask Hygea or me."

I guess Wala na akong magagawa. Tumango lang ako at lumabas na. Nakita ko si Hygea na naghihintay lang sa labas. Nakangiting sinalubong niya ako at sumabay sa lakad ko.

"So let's go?" Tanong niya. Tumango lang ako at naglakad na kami.

Nagulat ako ng makita yung paligid. Ganun ba ako kawalang pakelam sa paligid at hindi ko agad napansin yung lugar na to? Every plants are all black. Hindi ito patay pero kulay itim ang lahat. Napansin ako ni Hygea na napatigil kaya tumigil din siya sa paglalakad.

"Mukhang ngayon mo lang napansin yung paligid. Naging ganyan Nayan simula 17 years ago. Yun yung panahon na nawala ang mahal na prinsesa." Napatitig lang ako sa kanya. Maya-maya ay nagpatuloy ulit siya sa pagkwento habang nagsimula ulit kaming maglakad. " Life Kingdom is known to be the life of Princess. Which mean, ang buhay ng Kingdom ay nakasalalay sa buhay ng Prinsesa. Once the Princess Die the kingdom Die as well."

"So you mean patay na ang prinsesa kaya ganyan na ang paligid?" Naguguluhang tanong ko.

"No, hindi pa siya patay but she's been missing for about 17 years. Nung una akala namin patay na siya, but since we're still breathing and the kingdom is still here and standing , it only means that buhay ang Prinsesa. Half of the Kingdom is also alive dahil nandito ang kambal niya."

"May kambal siya?" Teka kailan pa ako naging interesado sa mga bagay bagay.

"Oo, ang mahal na Prinsipe na si Prince Helios. Prince Helios is the God of Sun. He is the light of Kingdom."

"Teka, if nandito ang kambal ng Prinsesa bakit ganito ang kingdom?"

"Tulad ng sabi ko kanina, buhay ng Prinsesa ang buhay ng Kingdom. Kahit na sinong earth elementalist at nature manipulator Ang sumubok na mabuhay ang Kingdom ay hindi nito magagawa."

"Weird " yan lang ang masasabi ko.

"Anyway kung naguguluhan ka, here's the library pwede kang magbasa basa ng libro tungkol sa Kingdom. Dumeretso ka lang sa Hallway Nayan ay nandun ang magiging room mo para bukas. At sa second floor the very first room, dun mo makukuha yung set ng uniform mo. May gusto ka pa bang puntahan?"

"Wala na, thanks anyway."

" I guess this is all for today. Mauna na ako sayo May gagawin pa kasi ako."

"It's okay, bye I guess."

Naglakad na siya pabalik sa room kung saan kami galing kaya umakyat narin ako sa second floor kung saan niya tinuro kung saan ko makukuha yung uniform ko. Pagkatapos ay agad rin akong bumalik sa kwarto ko.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon