Chapter Eighteen

1.1K 37 1
                                    

"Rhea's POV"

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nanghihinang umupo ako at mapagtatantong nasa Clinic ako. Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko inaakalang magagawa ko ang mga yun. Apoy, gumamit ako ng apoy kanina. Inangat ko ang aking kamay at tinitigan iyon.  Nung una yelo, sumunod hangin at ngayon naman apoy?  Maging ang sarili ko ay pinagdududahan ko na. Hindi ko na kilala ang sarili ko, Sino nga ba talaga ako? Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Hindi ka ba nagsasawa dito sa clinic at palagi ka nang nandito?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Z-Zeus," hindi ko napansing May kasama pala ako sa kwartong ito.  Masyado na ata akong nanghihina at hindi ko manlang  siya naramdaman.

"Kakagising mo palang kanina at bumalik ka na agad dito. Hindi ka ba natatakot sa mga pangyayari?" Napatitig ako sa kanya. Kung alam niya lang, napapagod na ako sa mga nangyayari, hindi ito ang mundong na kinasanayan ko. "Bakit sa lahat nangyayari ikaw palagi ang puntirya nito? Sino ka ba talaga?" Pagpapatuloy niya. Napayuko naman ako sa tanong niya.

"Kahit ako ay di ko kayang sagutin ang mga katanungan mo. Dahil kahit ako mismo hindi na kilala ang sarili ko. Napapagod na ako, natatakot, naguguluhan. Hindi ko hiniling ang mga bagay na ito pero kusa itong nangyayari. Wag mo sana akong sisisihin sa mga nangyayari, dahil ayoko rin naman nito." Umiwas na ako ng tingin sa kanya at tumayo ako sa pagkakahiga. Walang ano ano ay magteleport sa kung saan. Napadpad ako sa Life Garden. Napatitig lang ako sa puno at pabagsak na umupo. Napatingala ako sa langit, tinitigan ang buwan at bituin. Napakatahimik ng gabi, sana ganito nalang palagi. Napalingon ako sa paligid, nagulat ko ng makitang lahat ng iyon ay nagkaroon ng kulay. Nang makarinig ako ng kaluskos ay biglang bumalik ang lahat sa dati. Totoo ba ang lahat ng nakita ko o guniguni ko lang yun?

"Rhea." Agad akong lumingon sa nagsalita.

"Helios."

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Hindi ba dapat nagpapahinga ka lalo na't nanghihina ka pa?" Yumuko ako at umiwas ng tingin.

"Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin."

"May bumabagabag ba sayo? May nangyari ba sa clinic?" Bumuntong hininga lang ako bilang pagsagot. Muli siyang napatitig sakin.
" O May ginawa si Zeus sayo?" Tuluyan na akong nanahimik. Inangat ko ulit ang tingin ko sa buwan at ngumiti ng mapait. "Sabihin mo sakin, anong ginagawa ni Zeus sayo?" Pagtatanong niya ulit.

"Wala iyon. Gusto ko lang talagang lumabas, nakakainip rin manatili sa Clinic ng ilang araw."

"You're not a good liar."
Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko siya. Napayuko ako pinipilit na pigilan ang luha ko.

"I just realized, Simula nang dumating ako, lahat na dito nagkagulo. Hindi man ako direktang sinisisi pero alam ko lahat iyon ay totoo. Tama si Zeus, sa lahat ng pangyayari palagi nalang ako ang sangkot. Sa bawat pahamak ako ang may gawa. Sa tuwing nasasaktan kayo ay ako ang dahilan. Mukhang tama nga si Diana, isa akong halimaw." Pag kasabi ko nun ay tuluyan nang kumawala ang mga luha ko. "I never wanted anything of this to happened. Ayaw na ayaw ko ang nasasaktan ang iba ng dahil sakin. I never wish to be here. Sana di nalang ako napadpad dito. Sana —"

"Enough! Walang May gusto ng mga nangyayari. At hindi mo kasalanan yun. Napunta ka rito dahil this is where you truly belong." Pasigaw na pagpapatigil sakin ni Helios. Ngumiti lang ako sakanya.

"You don't have to defend me. Alam ko sa sarili ko kung ano ang pagkakamali ko." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Pagkatalikod ko ay May hindi ako inaasahang makikitang tao. It was Zeus. Umiwas lang ako ng tingin at umalis na ako gamit ang teleportation ko. Napunta ako sa dorm ko at doon nagkulong.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon