Chapter Thirty One

1.2K 30 0
                                        


Hera's POV

Busy ang lahat para sa nalalapit na selebrasyon ng kaarawan namin ni Helios. Sa susunod na Linggo na kasi yun. Sinukatan na kaming pareho ni Helios ng damit na gagamitin namin sa araw na iyon at naipamigay na rin ang lahat ng invitation letter sa lahat ng inimbitahan.

Ngayon ay nasa life garden ako. Nandito pa rin ako sa paborito kong tambayan. Ang tree of life. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung pano ko mapuputol ang love bond samin ni Zues.

Base kasi sa nabasa kong libro. Mapuputol lang yun kung ang pareho tao ay sumang-ayon sa pagpuputol nito. Kung ako naman ang papapiliin ayoko sanang putulin ito. I know I like Zeus, di man ako sure kung dahil yun sa kami ay Mates o sadyang gusto ko na siya dati pa. I wanted to stay as his mate kung pwede lang, pero I don't wanted to be selfish.

Hindi lahat ng bagay ay dapat para sakin. Tulad nga nang gusto kong mangyari, gusto kong malayang makapili ng mamahalin si Zeus. Gusto kong makahanap siya ng babaeng mananatili sa tabi niya at alam kong hindi ako yun. Alam ko kasing May nakatakdang mangyari sakin at ayokong dahil sa bond na yun ay madamay pa siya.

Napailing ako sa isiping iyon. Napabuntong hininga na para bang pagod na pagod na sa mga nangyayari.

Nagulat ako ng maramdaman ang parang pag uga ng lupa. Kasabay nun ay ang paglapit sa pwesto ko ng medyo May kalakihan na bato. I know it was a trolls.

Tumigil sa harap ko ang mga trolls at maya maya ay pinakita na nito ang totoong anyo nito. Saglit nila akong tinitigan at nagsumiksik sa tabi ko. Natawa ako sa ginawa nila.  Ano kayang nakita nila sakin bakit gustong gusto nila na nasa tabi ko?

Naglabas ako ng kapangyarihan at pinaglalaruan ito sa harap ng mga trolls. Gumawa ako ng maliit na parang ulap ng snow at pinaulanan sila nun. Natuwa sila sa ginawa na tipong sinasalo nila lahat ng snow na bumabagsak. Now I know what they want from me.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad lakad sa garden. Sumunod sakin yung mga trolls at nakisabay sa paglakad. Natigilan ako ng May isang napakabilis na bagay ang dumaan sakin at nadaplisan niyo ang braso.

Pagkatingin ko run ay medyo may kalaliman ang sugat na nagawa nun. Umagos ang dugo mula doon. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang may gawa nun. Hindi ko kasi naramdaman ang kahit anong presensya maliban sa mga fairies at trolls na nandito.

Nagulat ako ng may humila sakin. Pagkalingon ko ay nakita ko ang di inaasahang tao. Ang taong pilit kong iniiwasan para makawala sa bond.

"Z-Zeus." Alinlangan kong tawag sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus hinila niya yung braso ko nama'y sugat. Napansin ko rin ang braso niya na may bahid ng dugo and I feel guilty about it. Alam kong nasugatan siya dahil may sugat ako. And this is why I hate having a mate. Tama si sir Felix, having a mate is dangerous and fatal. Ayokong nadadamay si Zeus sa mga nangyayari sakin.

Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at ako naman ang tumingin sa braso niya. Ginamot ko iyon at unti unti na ring nag hilom ang sugat sa braso ko. I just realized na noong nalaman kong mate ko siya, madalang nalang gumana ang ability ko na magself heal.

"Ayos ka lang ba?" Maya mayang tanong niya  na siyang nagpa-angat ng tingin ko sa kanya. Tumango lang ako sa kanya. Binitawan ko na ang braso niya at balak na sanang umalis ng biglang hawakan niya yung kamay ko. "Bakit iniiwasan mo ko? Matagal ko na itong napapansin. May nagawa ba ako sayo?"

Lumingon ulit ako sa kanya para sagutin siya.

"You didn't do anything Zeus, at hindi kita iniiwasan."

"I'm not fool Hera, alam kong iniiwasan mo ko. Bakit? Bakit Hera, your being unfair here. Iniiwasan mo ko ng hindi ko alam ang rason?" Napatitig ako sa mata niya.

"Zeus, I'm not being unfair here. Hindi kita iniiwasan. I'm just thinking on how can I cut the bond between us. Alam kong ikaw ang bond mate ko." Nabalot kami pareho ng katahimikan. "Zeus hindi ko gustong putulin ang bond lalo na at maraming madidismaya pag nalaman nilang hindi matutuloy ang pinakahihintay nilang kasal—"

"Then don't, Don't cut it kung ayaw mo naman talaga."

"Zeus, I don't wanted to be selfish. Kapakanan mo rin ang nakasalalay dito. Just look at now. Nagkasugat ka dahil sakin. What if something worst happens to me? Maapektuhan ka rin nun Zeus." Maluha luhang sabi ko sa kanya

"Then stay safe, Hera. I will protect you if I have too." Puno ng pag susumamo na sabi niya. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko yung sinasabi ng mga mata niya.

Ang sarap sanang pakinggan. Kung sana totoo lahat ng yan. Kung sana may nararamdaman rin siya para sakin.

"Zeus, do you even like me? Do you even feel anything towards me without that love bond that connects us? " Tanong ko sa kanya na hindi niya nasagot. "Kasi ako naguguluhan rin sa nararamdaman ko. I don't know if I like you for who you are or I'm just like you, nararamdaman ko lang to dahil mate kita. I don't wanted to be loved forcedly Zeus, At ayoko ring kuhaan ka ng karapatang magmahal. You should love freely, mahalin mo yung babaeng tinitibok ng puso mo."

"Then what do you want me to do?"

"Let's cut the bond Zeus, it's for the both of us."

"Then let's do it, gawin natin yan kung yan talaga ang gusto mo." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya sakin at lumabas na ng garden.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun. But I saw the sadness and hurt in his eyes. I don't know if it was because of me or him that I felt that slight sting in my chest. Parang nasaktan siya sa huling sinabi ko.

I'm sorry, alam kong hindi rin kasi ako magtatagal dito sa mundong ito. Don't love me Zeus, masasaktan ka lang pag nawala ako. Ayokong mahihirapan ka lalo na pag wala ako sa tabi mo.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon