Chapter Five

1.3K 43 0
                                    

Rhea's POV

Pagkatapos ng klase ay lumabas na agad ako ng room. Imbis na dumeretso sa dorm ay naglibot libot muna ako sa kung saan. Napunta ako sa isang garden na may isang napakalaking puno sa gitna. Maganda sana ito kung may kulay. Kaso puro itim yun. Hindi siya creepy tignan pero parang normal lang.

Napag-isipan kong tumambay muna doon. Umakyat ako doon at umupo sa isang sanga. Nilibot ko ang aking paningin. Napaisip ako bigla kung ano kaya ang hitsura ng kingdom kung may kulay ang bawat tanim? Napasandal ako puno at di namalayang nakatulog.

Nagising ako ng medyo magdidilim na. Agad akong umalis na doon at bumalik na sa dorm ko. Hinagis ko ang bag ko sa kama at pabagsak na nahiga doon. Hindi parin maalis sa isip ko yung napanaginipan ko.

Flashback: Dream

Nagising ako sa gitna ng gubat. Ito yung gubat na tinulungan ko. Pero parang May mali. Naramdaman kong hindi lang ako Yung tao sa loob.

Bumaba ako sa puno at nagsimulang maglakad. Maya-maya ay May narinig akong parang kumakanta. It was a voice of a girl. Sinundan ko yung pinanggagalingan nun hanggang sa makarating ako sa isang malaking Water Fountain. May babae dung nakaupo at  magiliw  na kumakanta.

She has a  Golden long hair with a flower crown on it, wearing a white long dress. Para siyang isang diwata . I can't  see her Face since natatakpan ito ng buhok niya. Nakita kong bumaba siya sa fountain at nag lakad papunta sa likod nito sinundan ko naman siya at nakita ko siyang tumigil sa harap ng isang bulaklak.

Hinawakan niya ito at nagsimulang magkaroon ng kulay ang buong paligid. Napasinghap ako sa sobrang gulat. Napalingon siya sa pwesto ko pero bago ko pa makita ang mukha niya ay magising na ako.

It's already midnight pero gising parin ako. I'm still thinking:

Who is that girl?

Nagising parin ako ng maaga kahit na halos wala na akong tulog. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad na nagbihis at umalis ng dorm. Tulad kahapon ay may nakasabayan akong mga estudyante at nakatingin sa direksyon ko. Pero ang weird lang sa pakiramdam dahil ramdam kong may kakaiba sa titig nila ngayon keysa kahapon.  Dumeretso na ako sa room at tulad ng gawain ay umob-ob lang ako dun. Naramdaman kong may nakatitig sakin and I know it's not Frost, malayo ito sa presensya ni Frost. Agad akong Umangat ng tingin and I saw Zeus staring at me. Saglit muna akong natigilan at agad ding nakabawi.

"What?" Malamig kong tanong. Hindi siya sumagot. Napansin kong Hindi siya nakatingin sa mata ko. He's staring at my hair. Napatingin naman ako sa salamin ng bintana sa tabi ko at agad na natigilan. Wait !what the? Kailan pa ako nagka gold highlight sa buhok?

Agad akong naghahanap ng tali sa buhok at tinali ito ng pony tail para matago ang gold high light neto. Wala na si Zues sa tabi ko ng maitali ko na ang buhok ko. Dumating na rin yung iba at maging si sir Felix ay dumating na. Mabuti nalang at hindi ginamit ni Frost yung invisibility Niya at maayos na pumasok ng room. Masasakal ko na talaga siya pag ginamit niya ulit iyon para mangulit.

Nagsimula na ang klase at di nanaman ako nakinig. Nakipag palit ako kay Frost ng upuan dahil mas gusto ko sa bandang bintana, pumayag naman siya. Natapos ang araw na yun ng napakaboring. Pero hindi mawala wala sa isip ko yung nangyari sa buhok ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nakita ko sa repleksyon ko.

Kinabukasan ay dumeretso ang lahat sa Training Room. Today our schedule is to train our ability and power. Okay lang sana kung physical fight lang, I can fight but this fight is using a magic. I can only make Barrier. Ang weird no? Ang bilis kong makapag adjust sa lugar na to. For the first time in my life kasi nakaramdam ako ng pagka belong sa mundong kinabibilangan ko ngayon, yung para bang dapat matagal na akong nandito.

Pumasok na ko sa training room at lahat ng atensyon ng tao ay napunta sakin . What did I do now? Nag lakad na ako papasok at umupo sa tabi ni Hygea. Lumipat naman ng upuan si Selene at umupo sa tabi ko .

"Excited kana ba kung sino makakalaban mo Rhea?" Masiglang tanong sakin ni Selene.  Do I look like I'm excited?  Sabi ko sa isip ko at tinitigan siya ng nababagot na titig." I guess your not, sinasabi na ng mukha mo. It's okay kaya mo yan." Nakangiting sabi niya. Seryoso! Hindi ba siya napapagod kakangiti. Sarap nilang pag untugin ni Frost . Sobrang daldal. mabuti pa yung tatlo tahimik, pano kaya sila nagkasundo sundo.

Nagsimula na ang training kaya napafocus nalang yung atensyon ko sa battle ground. Wag na nating pahabain ang kwento. Ashton vs. Hygea, obviously si Ashton yung nanalo. Selene vs. Frost , si Frost Yung nanalo. Kahit pala puro dada tong lalaking to ay magaling makipag laban. And of course me and Zeus. Freaking unfair since he is the strongest here in the Academy except Prince Helios tapos ako kakalabanin niya na walang kaalam-alam sa kapangyarihan.

Pumasok na kami sa battle ground. Hindi paman ako handa ay nagulat nalang ako ng atakihin niya ako ng light spike niya. Muntik na akong tamaan nun mabuti nalang at nakagawa agad ako ng Barrier. Jerk!
Sigaw ko sa utak ko. Hindi manlang ako hinayaang makapag handa.

"I can hear you."  Rinig kong sabi ng isang boses sa isip ko. Wait familiar sakin yung boses na yun. Napatingin ako sa kalaban ko. Is he using Telepathy?

"I'm not the one who used the Telepathy. I can't even read your mind."

"Then how?"

"Maybe you accidentally used your ability to me."

"'tss! Whatever!"

Nakita kong gumawa ulit siya ng Spikes at binato lahat sa akin iyon ng sabay sabay. Nakagawa ako ng maliit na barrier at tinira pabalik sa kanya yung Spike na ginawa niya. Dahil sa maliit lang ang nagawa kong barrier ay May mga Spike na napunta sakin at nasugatan ako sa braso at pisngi.  Nailagan niya naman yung mga Spike na bumalik sa kanya.

      Maya-maya ay nilabas niya yung latigong ginamit niya sakin nung una kaming magkita at pinapulupot niya sakin iyon. Bago niya ako mapuluputan ay umatras ako pero nahagip nito ang kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang tinadyakan sa tyan kaya tumilapon siya.

       Kinulong ko siya sa barrier ko at sinimulan itong paliitin para hindi siya makagalaw. Pero dahil masyado siyang malakas ay nasira niya iyon at tumilapon ako. Pinaulanan ako ng Spikes at ginaya yung barrier ko. Kinulong niya ako doon hanggang sa napaluhod ako .

And he win.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng battle ground. Marami akong sugat sa katawan pero di ko yun pinansin. Its so weird kasi hindi ko masyadong maramdaman yung sakit ng sugat ko. Nagulat nalang ako ng hilain ako paharap ni Zeus sa kanya.

"What now?" Tanong ko.

"So you can self heal." Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa braso ko. Unti unting sumasara yung sugat ko hanggang sa wala na itong bakas ng pagkasugat.

"I'm really curious. Sino ka ba talaga?"  He said using telepathy. Something skip on my heart, di ko alam kung it was because of nervous or something else. Pagkasabi niya nun iniwan niya akong nakatulala, umiikot sa isip ko yung katanungan niya.

Sino nga ba ako sa mundong ito?

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon