Hygea's POV
Malapit na kami ngayon sa palasyo. Tanaw na namin mula sa kinaroroonan namin ang malaking Gate ng Life Kingdom. Sa wakas ay nagawa ring magkabati ng mag kambal. Ngayon ay makakauwi na kami ng may dalang magandang balita. Na ang prinsesa ng kaharian ay nakabalik na.
Nang makapasok na kami sa Kingdom ay natigilan kaming lahat ng hindi sumunod si Rhea samin.
"Mauna na kayo, May dadaanan lang ako. May kailangan lang akong gawin. Pangako babalik ako." Pagpapaalam niya samin . Kahit nag aalinlangan ay napatango kami. We trust her, at alam naming babalik talaga siya.
Pumasok na kami ng tuluyan sa kingdom at dumeretso sa Academy. Agad kaming sinalubong ng mga tao dun na tila ba hinihintay ang aming pagbabalik.
"Maligayang pagbabalik sa Life Kingdom Royalties." Masiglang bati samin ng Hari at Reyna. Pero saglit ring natigilan ng mapansin na kulang kami.
"Nasaan si Rhea?" Nagtatakang tanong ng Reyna. Lahat kami ay natahimik sa tanong niya. "Bakit hindi niyo kasama si Rhea? May nangyari ba?" Nang walang marinig na sagot samin ay nabalot siya ng lungkot.
Maya maya ay sabay sabay kaming napalingon sa isang napakalakas na liwanag na nag mumula sa Life Garden. Parang mga alitaptap na kumalat ang mga bagay na kulay asul sa loob ng buong Kingdom. Maya maya ay para itong snow na bumagsak sa paligid kasabay ng pagkakaroon ng kulay ng bawat halaman sa paligid.
Lahat kaming magkakaibigan ay nagkatinginan at nakuhang ngumiti. Alam na namin ngayon kung saan pumunta si Rhea.
"Sumama po kayo samin mahal na reyna at hari. May nais po kaming ipakilala sa inyo na tiyak na magugustuhan niyo." Nakangiting sabi ko sa kanila. Kahit nalilito at hindi pa makapaniwala sa mga nangyayari ay sumunod sila samin. Nagkatinginan kami ni Helios at nagpalitan ng ngiti.
Rhea's POV ( Hera )
Sa pag iwan sakin ng ibang Royalties ay dumeretso ako sa life Garden. Kung saan nagsimula ang lahat. Sa lugar kung saan ako nawala at kung saan rin ako nakabalik.
Binalikan ko ang lumang gusali kung saan ako unang nakita ng mga Royalties. Umakyat ako doon at naramdaman nanaman ang kakaibang enerhiya mula doon. Muli akong umilaw ng dahil doon at napapikit at napasigaw ng malakas ng para bang may Lumabas na napakalakas na kapangyarihan sakin.
Sa pagmulat ng aking mata ay nakita ko ang buong paligid na napapalibutan ng maliliit na kulay asul na butil na kumikinang. Maya maya ay para itong tubig ulan na bumagsak sa halaman sa paligid na siyang naging sanhi ng pagkakaroon ng kulay ng Halaman sa buong Kingdom.
Napangiti ako sa nakita ko. Finally I saw the whole Kingdom lively. Ang dating kingdom na ini-imagine ko lang ang kulay ngayon ay May kulay na. Nagkaroon din ng kulay ang mga bulaklak na ngayon ay kakasibol lang. Nagsi-labasan rin ang mga faries at butterflies na siyang nakadagdag sa kulay ng garden.
Nagulat ako ng palibutan ako ng napakaraming asul na butterflies. Napaikot ako sa tuwa ng sumusunod sila sa bawat kilos ko. Bumagsak ng tuluyan ang buhok ko at malayang nakalugay. Wala na itong ibang kulay kundi ginto. Napahinto ako sa pag-ikot ng makarinig ng tumawag sakin.
"Rhea?" Medyo hindi pa siguradong tawag nito. Unti unting umalis sa paligid ko ang mga butterflies at nilantad sa harap ko ang Royalties kasama ang Hari at Reyna. Halata sa mata ng Reyna ang pagtataka at pagkalito ganun rin sa Hari. Napangiti ako sa kanilang pareho.
"Hera, mahal na Hari at Reyna. Hera ang pangalan ko. Hera, The goddess of all goddess." Makahulugang sabi ko sa kanila. Bakas sa mukha nila ang gulat at tuwa, Patakbo akong yinakap ng Reyna.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?
