Hygea's POV
"Helios kailan pa? Kailan mo pa alam ang tungkol dito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Malayo kami ngayon sa iba. Busy sila kaka-asikaso ngayon kay Rhea na ginagamot ni Frost.
Tumitig siya sakin saglit sabay napabuntong hininga.
"Nung natalo niya si Zeus sa training room." Tipid niyang sagot.
"Pano? Pano mo nalamang siya si Hera?"
"Zeus remove her hair tie. Nung bumagsak ang buhok ni Rhea at malayang nalugay ang buhok niya ay nakita ko sa kanya si ina. Lalo na't nagiging gold narin ang kulay ng buhok ni Rhea. Mas lalo ko pang nakomperma nung nakita ko yung marka sa balikat niya. That explains everything kung bakit ganun yung nangyari samin nung unang beses naming magkita."
"Matagal mo na palang alam why didn't you tell us? Kahit sa ama't ina mo man lang. Alam mo kung pano sila nangulila sa kanya" Medyo inis na tanong ko.
"Hindi pwede, I have reason Hygea. Hindi ko pwedeng kalabanin ang tadhana."
"What do you mean?" Medyo naguguluhan na tanong ko.
"I already saw this in my dream. Lahat ng nangyari nakita ko na yun sa panaginip ko. Na darating ang araw ay makikilala din siya ni ama't ina . Wala pa ako sa posisyon para sabihin yun sa kanya."
"Pero alam mo kung anong pwedeng maging reaksyon ni Rhea pag nalaman niya to. You know how much she suffer from the envy she felt for the princess. Hindi niya alam na naiingit lang siya sa wala dahil siya ang prinsesa. Maaring magalit siya sayo." Nanghihinang sabi ko sa kanya.
"I know, and I'm already ready to face that."
Biglang naalala ko yung napanaginipan ko. Yung nagalit ng sobra si Rhea kay Helios, and I think I know now what's the reason behind that. Nalaman ni Rhea na matagal ng alam ni Helios ang tungkol sa kanya pero hindi nito sinabi sa kanya.
"Helios, I think I need to tell you this. Napanaginipan ko na ito. Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula pero i've been dreaming about Rhea. At sa tingin ko mangyayari na yung napanaginipan ko na magagalit siya sayo. At natatakot ako kung anong pwede niyang magawa sayo."
"I already know about that. At mangyayari yun mamaya na mismo." Nagulat ako ng sabihin niya yun. "Mangyayari yun sa oras na nakita na niya ang Sorcerer na so Evergreen. And I advised na wag na muna kayong lumapit samin sa mga oras na malaman na niya ang totoo."
"Pero Helios-."
"You don't have to worry, I trust Rhea, no I trust Hera, I trust my twin. Hinding hindi siya aabot sa puntong iyon"
Umalis na siya sa harap ko. Naiwan naman akong nakatulala. Pareho silang nasasaktan sa nangyari, sa mangyayari palang I know mas nasasaktan si Helios dahil wala siyang magawa para sa kambal niya.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakbay kaya nabalot ako ng lungkot at takot. I feel worried for Helios too. Minsan sobrang sakit maglaro ng tadhana. Yung tipong wala kang magawa kahit pa makasakit at masaktan ka pa kasi nakasulat na kung ano ang dapat mangyari.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang napakalaking lumang bahay na napapalibutan ng mataas na pader. Nasa harap kami ngayon ng napakalaking itim na gate. And I think this is the house of the Sorcerer Evergreen.
Bago kami pumasok sa gate ay saglit na lumingon sakin si Helios. And I feel hurt ng makita ang malungkot niyang mata kahit pa nakangiti siya. He know what will happened.
Tumigil kami sa harap ng malaking pinto. Kumatok si Helios at Zues dun, nagulat pa kami ng kusang bumukas yun. Pumasok nalang kami sa loob at tumigil sa sala.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?
