Chapter Twenty Three

1.1K 35 1
                                    


Hygea's POV

Napabalikwas nanaman ako ng bangon sa kalagitnaan ng pagtulog. Puno ng pawis at hingal na hingal na naghahabol ng hininga. Napanaginipan ko nanaman yung masamang panaginip tungkol kay Rhea. Agad na hinanap ng mata ko si Rhea. I saw her sleeping peacefully beside Selene.  Bakit ko ba nakikita ang bagay na yun? And why is it, the Darks are so eager to kill Rhea that much? Ano bang meron siya na naging banta para sa mga Darks?

"Hygea? Ayos ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita. It was Ashton. Nagising ata siya sa bigla kong pagbangon.

"Ayos lang ako." Nakita kong saglit siyang tumayo at kumuha ng tubig. Lumapit siya sakin at binigay iyon sakin. "T-thanks."

"Had Bad Dream?" Napalingon ako sa kanya. Maya-maya ay tumango ako bilang sagot sabay sulyap kay Rhea.

"Napapansin ko, madalas kang aligaga. Puno ng pag-aalala at Takot yang mga mata mo." Dugtong niya pa

"Don't worry, ayos lang talaga ako." Hindi naman na niya ako kinulit pa ng tanong.

"You should prepare yourself now. Ilang minuto nalang aalis na tayo. Malayo pa ang lalakarin natin." Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Naghanda na kami ng mga gamit namin at isa isa na ring nagigising ang mga kasama namin. Bago kami tuluyang umalis ng kweba ay nag almusal muna kami.

Nagsimula na ulit kaming maglakbay. Palabas na kami ngayon ng mystic forest. Nasa unahan namin sila Zeus at Helios na pinagigitnaan si Rhea. Ayaw na naming mawala sa tingin si Rhea at baka mamaya ay ano nanaman ang mangyayari sa kanya.

Napatigil kami sa paglalakad ng makita ang daraanan namin. May mga tambak ng May medyo kalakihang bilog na mga bato na nakaharang doon.

"Pano tayo makakalabas niyan?" Maya mayang tanong ni Frost. Kumumpas ng kamay si Zeus na balak sanang gamitin ang kapangyarihan niya para hawiin yung mga bato ng pigilan siya ni Rhea.

"Sandali."

"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Zeus.  Bigla kaming nakaramdam ng pag uga sa lupa na para bang lumilindol. Nagsigalawan Ang mga bato at pinaikutan sila Zeus at Rhea. Nahiwalay si Helios sa kanila dahil napaatras ito ng gumalaw yung mga bato.

"Rhea! Zeus! " Nag aalalang sigaw namin sa kanila. Biglang tumigil ang pag-ikot ng mga iyon at nakita namin ang totoong anyo nito.

"Trolls?" Sabay sabay naming sigaw na nagtataka . "Anong ginagawa ng mga trolls dito?" Naguguluhang tanong ko.

Nagulat kami ng tumalon kay Rhea ang dalawang maliit na trolls na siyang kinatumba niya. Nag aalalang napatitig kami sa kanya. Balak sana siyang lapitan ni Zeus para tulungan siya pero agad siyang nagsalita.

"Don't worry I'm okay." Napatitig nalang kami sa kanya. Mukhang wala namang balak na saktan ng mga trolls si Rhea kaya hinayaan nalang namin ito.

Lahat kami ay nagulat ng marinig naming tumawa si Rhea. Lahat kami ay halos sa kanya ay tulala. Tumatawa siya dahil pilit na nagsusumiksik sa kanya yung mga maliliit na trolls.

Kahit si Zeus ay hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Rhea was known for being a cold person. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita at narinig namin siyang tumawa.

Mas lalo pa siyang tumawa ng tumalon ang isang maliit na trolls kay Zeus na siya ring kinatumba nito. Halos lahat kami ay nahawa sa kanya. We can't stop ourselves from smiling while watching her. Kahit si Zeus ay nakuhang ngumiti.

Natigilan ako ng mag flash sa utak ko yung masamang panaginip ko. I saw the smile of Rhea. Her last smile before her last breath was gone. Her last smile before she finally close her eyes. Napasinghap ako ng bumalik ako sa realidad. Lahat sila ay napalingon sakin.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon