Chapter Nineteen

1.1K 35 0
                                    

Hygea POV

Kahapon ay buong araw naming hindi nakita si Rhea. Hindi siya lumabas man lang ng kanyang Dorm.  Nag aalala ang reyna sa kanya kahit si Helios ay ganun din. Kinausap ako ng reyna kung maaari ko bang dalhin si Rhea sa kanya kinabukasan ng umaga. Alam niyang ako lang daw ang talagang malapit kay Rhea maliban kay Helios.

       Gabi na ngayon at nakatunghay lang ako sa labas. Pinagmamasdan ang langit bituin at buwan. Iniisip na sana matapos na ang mga nangyayari. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Para akong naglabas ng napakalakas na enerhiya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Kinabahan na di alam kung para kanino at para saan. Napabuntong hininga ako at sinara na ang bintana at pumasok na sa kwarto para matulog.

Hindi pa man ako nagtatagal sa pagkatulog ay napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal sa sobrang takot.

Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?  Hindi ko pwedeng pabayaan si Rhea. 

Tumayo ako sa higaan at agad na lumapit sa lababo. Naghilamos ng malamig na tubig para maalis ang alaala ng panaginip na iyon. Napatitig ako sa salamin. Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang panaginip na iyon.

Flashback: Panaginip

Napanaginipan kong napatay si Rhea sa harap namin mismo. Nasa palasyo kami nun at ang lahat ay nagkakagulo. Maraming mga Darks ang nakapalibot sa amin at inaatake kaming lahat. Tinawag kami ng hari at sinabing siguraduhin  daw namin  ang kaligtasan ni Rhea. Agad kaming tumango at bumalik sa pakikipaglaban.

     Hinatak ako ni Zeus at sinabing hindi niya makita si Rhea kahit saan. Narinig kami ni Helios kaya agad siyang umalis at nagteleport kung saan para hanapin si Rhea. Napatigil kaming lahat ng makarinig ng pagsabog. Napalingon kaming lahat doon at nakita si Rhea na kaharap ang haring Hades. Biglang Umilaw ang Paligid  ng dahil iyon kay Rhea, Naglabas siya ng kapangyarihan  ng sobrang lakas at naglaho ang mga Darks. Sabay na pinalabas ni Rhea ang kanyang kapangyarihang apoy at  yelo. Isang malakas na kuryente ang nanggaling kay Rhea at pinangatake iyon sa haring Hades. Kitang kita namin ang kinahantungan ng HariBumagsak si haring Hades , isang pahiwatig na wala na siyang buhay. Ayos na sana ang lahat ng biglang nanghina si Rhea. Nahulog siya sa lupa dahil sa sobrang pagod.

"Rhea !" Sigaw ni Zeus na siyang kinalingon naming lahat. Rhea got stabbed directly to the heart. Nasaksak siya sa mismong harapan ni Zeus. Unti unting nanghihina ang katawan ni Rhea at tuluyan ng bumagsak sa harap ni Zeus. Walang tigil ang pagtulo sa lupa ng kanyang dugo." No! No! Rhea! Please don't close your eyes. Please." Umiiyak na pagsusumamo ni Zeus. Pero tuluyan ng pumikit si Rhea.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon