Hygea's POVNapabalikwas nanaman ako ng bangon dahil sa panaginip ko. That's why I really hate going to sleep. Napalingon ako ng may humawak sa balikat ko. It was Ashton, katabi ko siya ngayon.
Hinila niya ako papalapit sa kanya. Maya-maya ay pinasandal niya ako sa dibdib niya. Unti unti akong kumalma ng haplusin niya yung buhok ko. Hinayaan niya akong nakasandal doon hanggang sa makahinga ako ng maluwag. We remained silent. This time hindi siya nagtanong sakin kung anong nangyari. I look around at saglit na nagpalipat lipat ang tingin kay Rhea at Helios.
Muling bumalik sa isip ko yung nangyari sa panaginip ko. Rhea become so angry with Helios. Hindi ko alam ang rason kung bakit siya nagkaganun. Alam kong they are not in good terms ngayon pero wala akong maisip na rason para umabot sila sa puntong yun. Rhea and Helios are so closed with each other. Kahit na kami ang una niyang nakilala ay mas naunang napalapit ang loob niya kay Helios.
Natakot ako sa nakita ko sa panaginip. Rhea is so angry na tipong halos pati kami ay hindi na niya kinikilala. This is what I'm talking about with Selene. That Rhea's emotions is dangerous.
"Go back to sleep, masyado pang maaga ." Maya mayang sabi ni Ashton na nagpabalik sakin sa realidad. Lumingon ako sa kanya na para bang nagsusumbong na ayokong matulog dahil sa napanaginipan ko. "Don't worry, nandito lang ako sa tabi mo." Sagot niya ng mabasa ang iniisip ko. Wala akong nagawa kaya sinunod ko nalang siya. Pinahiga niya ako sa hita niya at matamang sinuklay suklay yung buhok ko hanggang sa makatulog ako.
Nagising na ako ng pasikat na ang araw. Tulog parin si Ashton na nakasandal sa puno. Tumayo ako at napatingin kay Rhea. Gising na siya habang nakatitig lang kay Helios. Wala na rin si Zeus sa tabi niya.
Napapaisip tuloy ako ngayon. Naalala ko nanaman yung panaginip ko. Masyado kasi yung malinaw kaya kapanipaniwala. Base sa lugar kung saan nangyari yun ay nasa gubat kami kaya nag aalala ako na baka ano mang oras mangyari yun.
Kung totoo man na mangyayari yung napanaginipan ko, ano ang rason nun? Sa nakikita ko Imposibleng mangyari yun dahil ngayon palang nanghihina na na si Rhea na hindi nakakausap si Helios.
Napalingon sakin si Rhea. Ngumiti ako sa kanya at naisipan na lumapit sa kanya. Tumabi ako sa inuupuan niya. Tumingin siya sa mata ko at tipid na ngumiti. Walang ka sigla sigla yung mata niya.
"Ayos ka lang?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya. Umiling siya, natuwa ako sa naging tugon niya. Hindi niya tinago ang totoong nararamdaman niya. It only means that she trust me. "Is it Helios?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. "What really happened?" Saglit siyang napabuntong hininga.
"It just that, I can't stand it when Helios is not talking to me. Hindi ko alam kung may nasabi ba ako sa kanya na hindi niya nagustuhan pero nasaktan ako ng nakita kong nasasaktan siya." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Don't worry hindi ka kayang tiisin ni Helios." Ngumiti siya sakin ng tipid. Saglit akong natigilan ng maalala yung panaginip ko. "Rhea" pagtatawag ko sa kanya.
"Hmm." Sagot niya sakin.
"Hindi ka kayang tiisin ni Helios, kaya sana kung may hindi man kayo pagkakaintindihan o may nagawa man siyang hindi mo inaasahan na nakasakit sayo. Sana hindi ka umabot sa puntong kasuklaman mo siya." Saglit siyang natigilan sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong.
"Hindi ko rin alam, pakiramdam ko lang kailangan kong sabihin sayo yun."
Kahit gulong gulo siya sa sinabi ko ay hindi na siya komontra. Maya maya ay napalingon ulit siya sa pwesto ni Helios at nakita niya itong nakatitig sa kanya. Ilang sandali lang ay umiwas na ito ng tingin. Ngumiti ako sa kanya para iassure sa kanya na hindi magtatagal ay magkakaayos din sila ni Helios.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?