Chapter Eight.

1.2K 44 0
                                    

Rhea's POV

Kinagabihan ay nagising ako dahil sa pagbukas ng pinto. Nagtataka ako kung sino yun dahil wala naman akong inaasahang bibisita dahil pumunta na sila Selene kanina. Napaayos ako ng upo at nilapitan na ako ng bagong dating. It was Prince Helios.

"How are you?" Tanong niya sakin.

"I should be the one to ask you about that." Nakayuko kong sabi. "I'm sorry about earlier."

"It's okay, Alam kong hindi mo iyon sinasadya. I should be the one to apologize, ako kasi ang dahilan kung bakit tayo nasaktan. It's a normal reaction of barrier, umatras ka na kanina pero nagpumilit akong lumapit sayo. Anyway kalimutan nalang natin yun, atleast okay na tayo pareho."

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. I don't easily trust people around me lalo na kapag kakakilala ko palang. But with him, it feels like I know him for a long time. I feel something strange in my body pero it was just a brief moment kaya hindi ko na pinansin yun.

"I guess we can formally introduce ourselves now. I'm really curious about you. Lagi kang kinukwento ni Frost at Selene. I'm Prince Helios by the way, the twin of the missing Princess. I am the God of the Sun."

"I'm Rhea, Alam kong alam mong bago lang ako dito tama? Kung nakwento man sayo nila Frost."

"Yeah. But curious ako sa power mo. I know you used Barrier , but Barrier is just an ability. What kind of barrier ba ang nagagawa mo?"

Napaisip ako sa tanong niya. What kind of barrier nga ba? Di ko rin alam. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko siyang bumungisngis.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"I guess you don't know kung saan nga ba gawa yung barrier mo." Nagulat ako ng sabihin niya yun. Am I too obvious?

"Huh? How did you know it?"

"I can read your mind. I'm a mind reader." Nakangiting sagot niya. Napatitig ako sa kanya ng seryoso.

"Kung nababasa mo yung isip ko, why the other royalties can't? Sabi ni Selene hindi niya mabasa iniisip ko."

"Sarado kasi isipan mo, even your mind has a Barrier too. Hindi nila mababasa yun dahil pangkaraniwang mind reader lang sila. I'm different from them."

Okay, so he is different from them. Pero ganun rin sabi ni Zeus, He is different from the other Royalties but why can't he read my mind?

"So your different too." maya-mayang dugtong niya. Napalingon ulit ako sa kanya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko

"Zeus should be able to read your mind. Hindi magkalayo ang kapangyarihan namin. If I can then he should be. Or he is up to something kaya sinabi niyang hindi niya nababasa isip mo. Imposible naman na hindi niya mabasa isip mo dahil isa siyang mind reader. Zeus, you are starting to change. What does this mean." Bulong niya sa huling mga sinabi niya hindi ko na masyadong naintindihan.

"I don't know." Naguguluhang sabi ko.

"I would like to test you." Maya-mayang sabi niya.

" In what——" Di na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong binato ng light Shuriken. Agad na lumabas ang barrier ko bago pa ako matamaan nun. "Yaaa! What was the at for? " Iritang tanong ko sa kanya. "Mukhang hindi nga kayo magkalayo ni Zeus. Pareho kayong umaatake ng walang pasabi."

"So, your barrier is made of Ice." Sabi niya habang hinahawakan yung barrier na nakapaligid sakin na hindi man lang pinansin yung reklamo ko sa kanya. "Hindi kaagad mapapansin na gawa siya sa Yelo dahil manipis lang at transparent lang siya." Napatingin naman ako sa barrier ko. "So kung gawa ito sa yelo then Pwede kang makagawa ng kahit na anong armas gamit ang power mo."

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon