Chapter Twenty Seven

1.3K 38 0
                                        

Hygea's POV

Napabalikwas nanaman ako ng bangon ng dahil sa napanaginipan ko. Mukhang hinding hindi ako masasanay sa ganito.

Nabalot ako ng takot ng maalala ang panaginip ko. Ito yung mangyayari kay Helios at Rhea sa panahong malaman na ni Rhea ang tungkol sa kanya. Pero may mali sa napanaginipan ko. Nagbago ang nakatakdang mangyari.

Dapat ay magagalit lang si Rhea kay Helios. Sisigawan at kasusuklaman ang sariling kapatid pero iba ang napanaginipan ko ngayon. Sobrang galit ni Rhea ay nagamit niya ang kapangyarihan niya kay Helios. Sa tindi ng galit niya ay nagliparan ang mga dahon at iba pang bagay paikot sa amin. Sinakal niya si Helios pa angat na para bang hindi na niya ito kinikilala. Maya maya pa ay napalibutan kami ng apoy. Apoy nagawa rin ni Rhea na halos ika-sunog ng buong gubat na kinaroroonan namin.

Nagbago ang dapat na nakatakdang mangyari. Dahil ba sinabi ko kay Helios ang mangyayari? Pero alam na niya ang tungkol dun?. Dapat ba hindi ko nalang sinabi? Parehong kaligtasan ni Helios at Rhea ngayon ang nakasalalay. Anong dapat kong gawin?

Rhea's POV

Nang magising ako ay wala sa loob ng bahay ang Sorcerer na si Evergreen. Sinabi ng mga kasama ko na nagpaalam naman ito at babalik mamaya bago mag gabi.

Sa pagtayo ko kanina ay napansin kong hindi na sumasakit ang balikat ko. Agad naman akong napalapit sa isang malaking salamin sa loob ng kwartong tinuluyan ko at pinagmasdan ang sugat ko.

Wala na ni kahit anong bakas ng pagkasunog at pagkasugat. Tipong parang wala lang nangyari sa balikat ko. Muli akong napatitig sa marka na nasa balikat ko. Pumasok nanaman sa alala ko yung nangyari ng makaharap ko ang isa sa mga Darks.

"Come with us, at malalaman mo kung sino ka talaga?"  Napailing ako sa isipang iyon. Naalala ko nanaman kasi ang mukha ni Helios ng huling nag usap kami. Nabalot nanaman ako ng lungkot.

Naisipan kong lumabas ng kwarto ko at napadpad ako sa hardin ng bahay na'to. Sa pag-ikot ikot ko ay nakita ko si Hygea na nilalaro ang Halaman gamit ang kapangyarihan niya.

Kilala ko na si Hygea. Hygea is a goddess of Nature na kaya niyang manipulahin ang mga halaman sa paligid maliban lang sa kaharian dahil ang tanging nakakapagpasunod dun ay ang Prinsesa. Air user din si Hygea dahil ang ama niya ay isang Air Elementalist. Namana niya ang kapangyarihang iyon mula sa papa niya.

Napansin kong parang wala sa sarili si Hygea. Para siyang aligaga na hindi malaman kung anong gagawin.

Naisipan kong lapitan siya at nagulat pa siya ng Hawakan ko ang balikat niya.

"Pasensya na, hindi ko sinasadyang gulatin ka." Paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

"W-wala yun, masyado lang akong maraming iniisip na hindi ko napansin ang pagdating mo."

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Ayos lang ako. Tulad nga ng sabi ko May iniisip lang ako." Sagot niya sakin.

"Ano bang bumabagabag sayo?" Puno ng pag-aalalang tanong ko.

"Wala yun, hindi naman importante yun. Wag mo nalang akong alalahanin." Sagot niya sakin na halos hindi ko paniwalaan. Taliwas kasi ito sa pinapakita ng mata niya. Halata sa mata niya ang takot at pag aalala kaya hindi ko maiwasang isipin na nagsisinungaling siya.

Saglit siyang natigilan habang nakatitig sa likuran ko. Napalingon naman ako sa tinitigan niya. Paglingon ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Helios na kasama ni Selene ngayon. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa nakita kong lungkot sa mata niya. Hindi ko kayang tignan ng ganyan si Helios. Naapektuhan ako sa kanya.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon