"Two years later"
Zeus POV
Nakatitig ako ngayon sa kalangitan. Nasa lugar ako kung saan ko siya unang nakita. Hinihintay ang kanyang pagbabalik gaya ng pinangako niya.
Ngayon ang ikaw dalawampung kaarawan ng kambal na si Helios at Hera. Ngayon rin ang iniisip nilang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay niya. Nabalot ako ng lungkot sa isiping iyon.
Nang mawala siya ay napakaraming nag bago. Hanggang ngayon ay ramdam parin ang hinagpis ng mga tao dahil sa pagkawala niya.
Magdidilim na naman ang kalangitan hudyat na matatapos nanaman ang araw. Tumayo na ako para umalis sa Garden of Life. Pero pakiramdam ko ay gusto kong manatili.
Naglakad na ako papalabas at kusang tumigil sa harap ng malaking puno, ang Tree of life. Napatitig lang ako dun ng hindi malaman ang dahilan. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan.
Biglang umilaw ang paligid at napapikit ako sa pagkasilaw. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nagulat sa nasasaksihan.
Ang Tree of life, muling nagkakakulay. Napalingon ako sa paligid at ganun rin ang nangyari. Nabubuhay ang mga tanim sa garden.
May malamig na bagay ang dumampi sa balat ko. Sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi ko maiwasang mapangiti ako habang nakatitig sa mga butil ng yelo na bumabagsak sa balat ko.
Hygea's POV
"Nakabalik na siya." Wala sa sariling bigkas ko. Napalingon sakin sila Selene at iba ko pang kasama
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sakin ni Selene. Pero imbes na sagutin ay lumabas ako ng palasyo at sumunod din sila. Busy ang lahat doon kaya di nila kami napansing lumabas.
Natigilan silang lahat ng makita ang nagyayari sa paligid. Umuulan ng snow.
Napalingon ako kay Helios. Bakas sa mukha niya na masaya siya. Tumingin siya sakin at lumawak ang ngiti niya.
"Bumalik siya! Bumalik na siya!" Sigaw ni Helios at tumakbo sa kung saan.
"Halina kayo, paniguradong naghihintay na siya." Makahulugang sabi ko sa kanila. Ngumiti rin sila sakin at sumunod na kung saan man pumunta si Helios.
Zeus POV
Napabalik ulit ako ng tingin sa lugar kung saan ako galing. Maya maya ay umilaw ang lugar na iyon kasabay ng paglabas ng nagliliparan na mga paruparo. Isang malaking Asul na Bulaklak ang tumambad sakin. Gawa ito sa yelo.
Pinaikutan ito ng mga Fairies at mga paruparo at unti unting bumukas iyon. Nang tuluyan ng mabuksan iyon ay nakita ko na ang matagal kong hinihintay. Ang Mahal ko.
Nilibot niya ang kanyang paningin at huminto ito sa akin. Unti unting kumurba ang kanyang labi na nagpapahiwatig ng kanyang ngiti.
"Maligayang pagbabalik mahal ko." Nakangiting bati ko sa kanya. Sabay kaming napalingon sa likod ko ng makarinig ng kaluskos na hudyat na may paparating.
"HERA! Bumalik Ka." Sabay sabay na sigaw ng mga kakarating lang na kaibigan namin . Halata ang saya sa boses nila. Lumapit sila sa kinaroroonan namin at agad na yinakap si Hera.
"Di mo ba ako yayakapin?" Tanong ni Hera sa kambal niya na nanatili lang sa tabi ko.
Ngumiti ito at patakbong yinakap siya.
"Namiss kita sobra." Maiyak iyak na sabi ni Helios.
"Namiss rin kita, namiss ko kayong lahat."
"May naghihintay sayo sa palasyo? Gusto mo bang surpresahin sila?" Makahulugang sabi ni Helios. Lumawak ang ngiti niya at agad na tumango.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?
