Chapter Thirty Four : FINALE

1K 35 0
                                    

Hygea's POV

Lahat ay nabalot ng lungkot ng tuluyan ng isara ang mata ni Hera. Halos lahat ay umiiyak sa harap ni Hera.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Napalingon ako sa kanya. Hindi maiwasan na mabalot ng lungkot

"Sorcerer Evergreen bakit? Bakit nangyari ito?" Umiiyak na tanong ko. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti ng mapait.

"Nakatakdang mangyari ang lahat Hygea."

"Pero Sorcerer Evergreen, nakita ko. Nakita ko ang hinaharap ni Hera. Pero bakit nawala parin siya samin."

"Nakatakdang mangyari ang dapat na mangyari, yan palagi ang tatandaan mo. Sa ngayon, tapusin niyo ang sinumang may gawa kay Hera nito." Bigla siyang nawala sa tabi ko. Naguguluhang hinanap siya ng aking paningin. Nakita ko rin siya sa bandang gubat ng palasyo. Sinundan ko siya doon hanggang sa napatigil ako ng may makitang ibang tao dun.

Bigla akong napaiyak sa nakita ko. Siya, siya ang may gawa nun kay Hera.

"I-iris Bakit? Bakit mo nagawa yun?"

Napalingon siya sakin at tinutok sakin ang hawak niyang Dagger na gawa sa bato.

"Iris bakit mo nagawa yun? Bakit mo nagawa kay Hera yun?"

"Bakit? Bakit ko nagawa yun?"  Napatawa siya ng malakas na para bang hindi makapaniwala sa tanong ko. "Wala kayong alam sakin dahil puro nalang kayo Hera! Hera! Hera! Simula ng bumalik siya ay kinuha na niya ang lahat sakin. Kayo, ang atensyon niyo, ang atensyon ng kaibigan kong si Selene at pati na rin si Zues. Kahit ba naman patay na siya Hera parin ang bukambibig niyo!"

"Iris ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganito."

"Hindi niyo ako kilala simula palang ng una! Kaya wala kang karapatan na husgahan ako."

"Walang inagaw si Hera sayo. Walang kinuha si Hera sayo. Pero bakit mo nagawa to?"

"Wala siyang inagaw? Sigurado ka ba? O para sayo wala siyang inagaw dahil nasa kanya lang ang atensyon mo!"

"Hindi Iris. Tinuring ka niyang kaibigan—"

"Tinuring Kaibigan? Pinatay niya ang mama ko! Tapos sasabihin mong tinuring niya akong kaibigan!" Sigaw niya sakin ng puno ng galit. Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hygea, si mama nalang ang meron ako pero kinuha niya pa. Si mama nalang ang meron ako tapos pinatay niya pa!" Tuluyan nang tumulo ang luha niya. "Hygea, isang Darks ang mama ko! Pero wala siyang ginawa kontra sa kingdom pero pinatay niya! Pinatay niya ang nanay ko." Napasinghap ako sa gulat.

"I'm sorry Iris, I'm sorry."

"Sorry? Maibabalik ba nang sorry mo ang buhay nang nanay ko! Dapat sa inyo ay mamamatay nalang!" Sigaw niya sakin kasabay ng paghagis niya ng patalim na hawak niya papunta sakin.

Pero hindi umabot sakin yun dahil may pumigil nun. Napalingon ako sa pumigil nun at nakita si Ashton. Agad siyang lumapit sakin at tinago ako sa likuran niya.

"Iris ano bang nangyayari sayo?" Galit na sigaw sa kanya ni Ashton.

"Wala kang pake! Magsama sama kayo!" Sigaw niya samin at naglabas ng kapangyarihan at pinayanig ang lupa. Agad akong inangat ni Ashton at nilipat ng kinakatayuan. Gumawa ulit ng dagger si Iris at binato ito samin. Sinangga ito ni Ashton at lumipat ulit kami ng kinalalagyan.

"Tumigil ka na Iris! Sa tingin mo ba matutuwa ang mama mo kapag nakikita ka niyang nagkakaganyan?" Galit na sigaw ulit ni Ashton pero tumawa lang siya ng malakas.

"Wala na ang nanay ko dahil sa inyo!  Kaya wala na akong pakelam!"

"Hindi kami ang may kasalanan kung bakit nawala ang nanay mo Iris alam mo yan. Ikaw Iris, Ikaw ang naging sanhi ng katapusan ng mama mo. Pinagbayaran niya ang mga kataksilang ginawa mo sa Palasyo at maging sa Prinsesa. Ikaw ang tumapos sa kanya Iris walang iba kundi ikaw." Sagot ni Ashton na ikinagulat ko sa nalaman ko.

"Tumahimik ka!" Inis na sigaw ni Iris na mas lalong nag paalab ng galit niya.

Muli niya kaming inatake ng napakaraming Dagger. Maya-maya ay nagbago ang kulay ng mata niya at umihip ang napakalakas na hangin. Ginamit niya para paikutin ang mga bato sa paligid at bumuo ng napakalaking bato at ginamit iyon para pang atake samin.

Agad kaming umilag at maiwasan ang atake niya. Nainis siya samin at lumabas na ang totoong anyo niya. Nag change shift siya bilang isang malaking Ahas. Ginamit niya ang buntot niya para atakihin kami. Dahil sa malaki siya ay hindi namin nagawang umilag. Natamaan kami at nabalibag sa mga puno sa paligid.

Hinawakan ni Ashton ang buntot niya at sinindihan ng apoy. Unti unti itong kumakalat sa katawan niya kaya nagwala siya. Linakasan ni Ashton ang apoy kaya unti unti bumalik si Iris sa anyong tao niya. Sa huling pagkakataon ay nakita namin siya bilang si Iris.

"Patawad. Hindi na ikaw ang Iris na nakilala namin. Paalam aming kaibigan ." Huling sabi ni Ashton bago tuluyang itarak sa dibdib niya ang isang Dagger na gawa sa apoy.

Dahan dahan siyang bumagsak sa lupa at unti unting naglalaho na parang abo. Nang tuluyan na siyang naglaho ay tuluyan na akong napaiyak. Agad akong linapitan ni Ashton at yinakap para mapatahan.

"Magiging maayos rin ang lahat." Sabi niya pa sakin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Wala na siya Ash, wala na si Iris." Humahagolhol na sabi ko. Kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin.

"Kailangan na nating bumalik." Maya mayang sabi niya, alinlangang tumango ako sa kanya at naramdaman nalang na nagteleport kami pabalik kung nasaan sila Zues at ang iba pa.

Pagdating namin dun ay maraming nagliliparan na mga asul na Butterflies. Pinalibutan nito si Hera na Hawak ngayon ni Zues. Unti unting umilaw ang katawan ni Hera at kasabay ng pag alis ng mga paruparo ay wala na sa harap namin ang katawan ni Hera.

Ilang sandali lang ay ang dating makulay na paligid ay tuluyan nang nawalan ng kulay. Namatay ang mga halaman kasabay ng pagdilim ng langit. Umalingawngaw sa buong palasyo ang iyak ng Reyna.

Lahat ng tao sa palasyo ay makikita ang pagdadalamhati. Wala na, tuluyan ng nawala si Hera samin. Saglit pa lang namin siyang nakasama pero kinuha na agad siya ng tadhana.

Tadhana nga naman. Napakasakit kung maglaro. Kukunin sayo yung taong nagpapasaya sayo.

Paalam Hera, Paalam mahal na Prinsesa.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon