Hygea's POVLahat kami ay naghihintay sa gate. Tanging si Rhea at si Professor Felix nalang ang hinihintay namin. Hindi namin alam kung sasama ba si Rhea o hindi lalo na't hindi namin alam ang kinalabasan ng pag-uusap nila ng Reyna.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Sir Felix kasunod si Rhea. Nang makalapit na sila sa amin ay nagbilin muna sila ng reyna kung ano ang mga dapat naming gawin.
"Sa paglabas niyo ng palasyo ay walang kasiguraduhan ang kaligtasan. Kung maaari ay iwasan niyo ang laban. Hindi magiging madali ang inyong paglalakbay, at kailangan niyong siguraduhin ang inyong kaligtasan." Pag papaalala samin ni Professor Felix . Lumingon siya kay Rhea at muling nagsalita.
"Siguraduhin niyo ang inyong kaligtasan lalo na ikaw Rhea." Napalingon naman sa kanya si Rhea. "Ikaw ang pinupuntirya nila dahil alam nila na hindi pangkaraniwan ang iyong lakas. Kung maaari ay wag kang masasaktan lalo na't ang pagkawala mo ang siyang pagbagsak ng iba." Makahulugang sabi nito kay Rhea. Halatang maging si Rhea ay naguguluhan sa sinasabi ni Sir Felix. Muli siyang tumingin samin at pinaghanda na kami.
Naglabas ng kapangyarihan si Sir Felix at nakagawa ng isang portal. Pinaisa isa niya kaming pinapasok dun.
"Mag-iingat kayo." Paalala samin ng reyna bago kami pumasok sa portal. Tumingin siya kay Rhea at ngumiti ng bahagya. "Nais kong sa iyong pagbabalik ay kilala mo na ang sarili mo." Yumuko lang si Rhea at tipid na ngumiti sa Reyna. Nangtatlo nalang kami nila Zeus at Rhea na hindi pumasok sa portal ay muli kaming tinawag ni Sir Felix.
"Ingatan niyo si Rhea." Pagkasabi niya nun ay pumasok na kami sa portal a ng pinakahuling pumasok ay si Rhea.
Pagpasok ko sa portal ay nakaramdam ako ng hilo. Parang umiikot ang paligid at parang patulak akong nakalabas ng portal. Mabuti nalang ay may sumalo sakin kaya hindi ako nasubsob sa lupa.
"Ang swerte niyo may taga salo kayo paglabas ng portal. Samantalang kanina sakin nasubsob ako sa lupa." Reklamo ni Frost na nasa likuran namin ni Ashton na siyang sumalo sa akin. Siya kasi ang unang pumasok sa portal kaya wala talagang sasalo sa kanya. Hindi naman namin alam na ganito pala ang paggamit ng portal.
"Thanks," pagpapasalamat ko kay Ashton ng binaba niya ako. Maya maya lang ay sumunod na lumabas sa portal ay si Zeus na siyang sinalo ni Frost ng kapangyarihan niya. Hindi nagtagal ay sumunod si Rhea na sinalo naman ni Zeus dahil siya ang pinakamalapit sa portal. Saglit kaming huminto muna para magpawala ng hilo bago magsimula ang paglalakbay namin.
Rhea's POV
Naglakad na kami papasok sa isang gubat. Dito kasi kami dinala ng portal. Kung pwede lang sanang deretso agad sa bahay ng Sorcerer ang punta ng portal edi sana ay madali matapos ang misyon namin. But sabi nga ni Sir Felix ay may limit Ang paggamit ng portal. Nasa mystic forest kami ngayon base sa mapa.
"Mukhang mahaba habang lakaran to." Maya mayang reklamo ni Frost.
"Kakasimula palang nating maglakad nagrereklamo ka agad." Kontra sa kanya ni Hygea. Si Zeus at Helios ang nasa unahan namin. Sila ang nagmimistulang guide namin. Nasa likuran nila si Iris at Selene kasunod naman ay si Frost, Ashton at Hygea. Ako ang nasa pinakadulo nila.
Maganda ang mystic forest. Sa labas kasi ng palasyo ay may mga kulay ang halaman. I just found it weird dahil halos lahat ng halaman dito sa forest ay green kahit ang bulaklak at puno ay kulay green. Halos tatlong oras na kaming naglalakad sa gubat na to. Mukhang hindi pa naman pagod yung mga kasama ko dahil hindi pa sila tumitigil sa paglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong hindi lang kami ang nasa gubat.
"Teka!" Pagpapahinto ko sa kanila. Lahat sila ay lumingon sakin.
"What is it Rhea?" Tanong sakin ni Hygea.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasíaA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?