Hera's POV
Matapos naming putulin ang bond between the two of us ay naramdaman kong iniiwasan na ako ni Zeus. I should be happy kasi ganun naman ang gusto ko, ang hindi siya mapalapit sakin itong nalalabi nalang ang araw ko.
But I just realized, nasasaktan ako . Nasasaktan akong sa tuwing magkaharap kami ay wala akong emosyon na nakikita sa kanya, nasasaktan ako kasi madalas ang pag iwas niya. Pormal lang siya makipag usap sakin habang ako pilit na nilalabanan yung sarili ko na huwag masaktan. Now I know what I truly feel for him. Mahal ko siya hindi lang dahil sa love bond na nagkokonekta samin. Kundi mahal ko siya dahil iyon ang tinitibok ng aking damdamin.
Zeus is still my escort for my upcoming birthday. Ang hari at reyna ang pumili sa kanya. Kahit na pakiramdam ko ay awkward yun saming dalawa ay wala akong nagawa. I will enjoy myself nalang na kasama siya. Kasama sa aking huling araw.
Today is the day.
Habang ang lahat ay busy sa pag aayos ng palasyo ay mag isa ako ngayon sa kwarto habang hawak ang isang libro. Naka ayos na ako ngayon. Nakasuot ng Sky Blue na gown at nilagyan ng konting kulorete sa mukha. Nakasuot ng kulay asul rin na sandals at May kwintas sa leeg nama'y pendant na puso. Ang simbolo ko, ang puso ng Kingdom. (Picture Sa taas)
Ilang beses ko pang binuklat ang librong hawak ko. Binabasa ang storya kung saan ako ang bida. Binabasa ko ngayon ang libro ng propesiya.
Huling pahina ay nabasa ko ang wakas. Sinara ko ang librong iyon at muling tumingin sa malaking salamin sa harap. Marahang napangiti sa nakitang repleksyon ko.
Tumayo na ako nang marinig na ang hudyat na kailangan ko nang lumabas ng kwarto. Naglakad papalapit sa pinto at saglit na naghintay para sa pag bukas niyo. Ilang sandali lang ang bumukas na ang pinto. Sinalubong agad ako ng masayang tugtugin at palakpakan na nagmumula sa bisita. Bumungad sakin si Zeus na Nasa dulo ng hagdan. Agad akong ngumiti ng ubod ng tamis sa kanya. Ngayong araw ay magpapakatotoo ako sa sarili ko.
Ngumiti rin siya sakin at nilapitan ako. Saglit akong napalingon sa kabilang pinto na pinanggalingan ko. Nakita ko dun ang kambal ko na nakangiti rin sakin ng ubod ng tamis. Sa harap niya ay naroon si Selene na siyang kapareha niya ngayon. Nag magkatabi tabi kami ay sabay kaming bumaba ng hagdan papunta sa harap ng maraming tao.
Nahagip ng aking mata si Hygea. Malungkot siyang nakatitig sakin. Alam niya kung anong mangyari sakin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sakin na halata na ito'y pilit.
Hygea's POV
Hindi ko maiwasang malungkot. Sa Dinami dami ng araw ay bakit ngayon pa? Ngayon pa mawawala samin si Hera. Nakita kong napatitig siya sakin maya-maya ay ngumiti siya sakin. Ginantihan ko rin siya ng ngiti pero sigurado akong halatang ito'y pilit.
Nasa gitna sila ngayon para sa kanilang sayaw. Ang mga bisita naman ay nagagalak sa nakikita. Pumailanlang ang isang musika at nagsimula na silang Sumayaw. Habang nakatitig ako sa kanila ay May nakita ako. Umilaw sila Zeus at Rhea sa mata ko. Nakita ko ang dalawang pulang lubid na nagmumula sa dalawa na halatang iisa iyon pero pinutol lang.
Sinabi sakin ni Hera na pinutol nila ang love bond nila. Pero nagtataka ako kung bakit buhay parin ang pulang lubid sa kanila. Sa pagkakaalam ko ay kapag pinutol na ito ay kusa itong maglalaho ng parang bula. Sumasabay sa galaw nila ang tali. Gumagalaw ito ng parang gustong magdugtong.
Saglit akong natigilan ng makakita ng isang nakakasilaw na ilaw mula sa kanila. Napapikit ako ng dahil doon. Sa pagmulat ng aking mata ay May hindi ako inaasahang nakita.
Si Zeus at Hera ay masayang nagtatawanan habang pinagmamasdan ang isang munting prinsesa sa harap nila. Isang prinsesa na kamukhang kamukha ni Hera. Hindi maari? Nagbago ba ang propesiya? Nakita ko , nakita ko na nagkaroon ng anak si Hera at Zeus.
Hera's POV
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw ngayon. Nakatitig kaming pareho sa aming mga mata. Maya-maya ay tumikhim siya at nagsalita.
"Hera, gusto kong sagutin ang huli mong tanong sakin." Napakunot ang noo ko ng magsalita siya. Hindi ko maalala kung ano man ang huling tinanong ko sa kanya.
"Tinanong mo ako kung May nararamdaman ba ako sayo kahit wala ang love bond na kumokonekta sa ating dalawa. Nahanap ko na ang sagot dun. Nakomperma ko na ang nararamdaman ko. And I love you Hera." Nagulat ako ng sabihin niya yun. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niyang yun. "Narealize ko na kahit tinanggal na natin ang lovebond na kumokonekta satin, I still feel the same way. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka, nalulungkot ako sa tuwing nalulungkot ka, nahihirapan ako sa tuwing nahihirapan ka. Masaya ako sa tuwing masaya ka, hinahanap hanap parin kita pag di kita nakikita. Ikaw parin Hera, ikaw parin at walang iba, and I know you feel the same way too diba?"
Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kanya.
You're right Zeus, I still feel the same way. Hinahanap hanap parin kita pag wala, I still want you by my side kahit wala na ang love bond na kumokonekta sating dalawa. You are still the reason why I smile dahil mahal kita, mahal kita kahit na wala ang dikta ng iba.
Sinabi ko lahat iyon sa isip ko lang. Napuno ako ng pagkalito ng maya-maya ay napangiti si Zeus. Bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at nagulat ng bigla niya akong hinalikan. Hinalikan sa labi. People around us was filled with surprise.
Naramdaman ko nalang ng bigla kaming umilaw at maya maya ay pinalibutan kami ng napakaraming asul na butterflies. Namangha ang mga tao sa nasasaksihan nila.
Wala na akong pakelam sa paligid. It's just that I feel so happy right now. Wala akong pakelam sa paligid basta gusto ko tong nararamdaman ko ngayon. Being loved by the person I loved and being kissed with full of passion.
Saglit akong masilaw sa liwanag na nagmumula sa amin. I closed my eyes because of it. Sa pagmulat ko ng aking mata ay napunta ako sa hindi ko inaasahang lugar. Ito yung lugar sa panaginip ko. The icy place where there is this girl who was trapped inside a large ice flower.
Nasa tapat ako ngayon ng bulaklak. Unti unti itong nagcrack at dahan dahan gumuho. Sa pagkaguho nun ay tuluyan ng nakalabas ang babaeng nasa loob nun. And I saw her, her that is me. Ako ang nasa loob ng bulaklak na iyon. Ngumiti siya sakin at unti unting naglaho. And now I just realized what does she mean when she said that I am her emotions. Siya ang emosyon ko. And dating lugar na nababalot ng yelo ay ngayon ay unti unting nagiging makulay na paraiso. A paradise with full of colorful butterflies and flowers.
Napapikit ako saglit at pag mulat ko ng mata ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko. Zeus smiling at me while holding me both cheeks.
"Live for me Hera, Live for us. Kung ano man ang rason mo nung una kung bakit ayaw mong mahalin kita let's fight it together. Lalaban tayo para sating dalawa."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobrang saya ko ngayon. Gumanti ako ng ngiti sa kanya at muli siyang niyakap.
"Yes Zeus, I will fight. I will fight even against the death. I promise, mabubuhay ako. Mabubuhay ako para sating dalawa."
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?