Rhea's POV
Magga-gabi na ng makabalik sila Zues at Ashton. Kasabay na nilang pumasok ng kweba si Helios. Hindi na muna namin itutuloy ang paglalakbay dahil madilim na ang aming dadaanan. Hindi kami sigurado kung ano ang pwede naming makaharap. May dala silang mga prutas at pangsiga na kahoy. Marahil ay dito na muna kami magpapalipas ng gabi.
Saglit na lumabas si Frost ng kweba at pagbalik nito ay May dala na itong tubig at huling isda.
"San mo nakuha yan?" Agad na tanong ni Hygea sa kanya.
"Minagic ko." Pamimilosopo sa kanya ni Frost na siyang kinangiti ko.
"Hindi ka talaga makausap ng matino." Iritang sabi ni Hygea sa kanya.
"Syempre, kinuha ko to sa ilog. May malapit na ilog sa labas."
"Pwede mo naman pala akong sagutin ng matino, namimilosopo ka pa." Sasagot pa sana si Frost ng sawayin siya ni Ashton.
"Tumigil ka na Frost. Mamaya paliparin ka niyan palabas ng kweba." Medyo may halong asar na saway ni Ashton.
"Baka lunurin ko siya ng tubig na hawak ko." Agad naman na banat ni Frost.
"Tama na yan, akin na yang mga isda na yan ng maihaw na natin ng makain na yan." Awat naman ni Zeus. Hindi na sila kumibo at nagsimula ng kumilos para maghanda ng pagkain.
Nagsiga na si Ashton ng Apoy. Nasa gitna namin iyon para mainitan kami. Inihaw nila yung isda doon. At pinakuluan yung tubig para pwedeng mainom. Halos abala silang lahat ng maya-maya ay napatigil kami sa ginagawa ng dumating si Iris.
"Oh Iris!" Tawag ni Selene sa kanya.
"San ka galing?" Agad na tanong ni Hygea.
"Dyan lang sa labas. Nagpahangin." Sagot niya naman.
"Bigla ka nalang kasing nawala kanina." Dugtong ni Frost
"Lumabas lang ako. Hindi na ako nagpaalam dahil diyan lang naman ako."
"Ganun ba."
"Mamaya na yang tanungan na yan, kumain muna tayo para makapagpahinga. Maaga pa tayo bukas" Awat ulit ni Ashton. Saglit na lumingon sakin si Iris at agad ring umiwas ng tingin. Nilampasan niya ako at doon umupo sa tabi ni Selene. Lumakas lalo tuloy ang kutob ko. Sana nagkakamali lang ako ng hinala.
Nagsimula na kaming kumain. Ang dala nilang prutas ay Saging, mansanas, ubas at bayabas. Tanging Mansanas at ubas lang yung kinain ko. Sila naman ang kumain ng iba pang prutas kasabay yung isdang nahuli ni Frost.
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako. Nang makita ko kasi yung liwanag sa labas ay gusto kong pagmasdan ito . Balak ko ng lumabas ng tawagin ako ni Helios
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin. Lumingon rin yung iba sa direksyon ko at hinintay ang sagot ko.
"Sa labas lang. Saglit lang akong magpapahangin."
"Bumalik ka kaagad. Maaga pa tayo bukas. Kailangan mo ring magpahinga lalo na't medyo nanghihina ka pa." Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas.
Naglakad lakad ako sa gitna ng gubat. Kahit na gabi na ngayon ay maliwanag parin ang paligid. Nagmumula ang liwanag sa buwan. Nakarating ako sa isang malaking puno. May malalaki itong sanga na pwedeng pagtambayan. Umakyat ako doon at mas lalo akong nagandahan sa paligid. Kita kasi mula dito ang buong paligid. Maraming alitaptap ang nagliliparan sa bawat puno na siyang nakadagdag ng liwanag sa paligid. Umupo ako sa sanga at pinagmasdan ang langit na puno ng bituin.
Halos kalahating oras akong nakatambay doon ng maya-maya ay naramdaman ko ang presensya ni Zeus sa hindi kalayuan. Papunta siya sa direksyon ko. Ilang saglit lang ay kita ko na siya. Tanaw ko siya dito sa taas. Hindi ko alam kung saan talaga ang pakay niyang puntahan. Imposibleng papunta siya sakin dahil hindi niya naman alam kung saan ako pumunta.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?