Hygea's POV
Pagkababa ni Zeus ay karga niya si Rhea na walang malay. Bigla akong napaatras ng makalapit sila sakin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, pero bigla lumakas ang presensya ni Zeus. Kung kanina ay sobrang hina nito, pero nung nagkalapit sila nila ni Rhea naman ay lumakas ito. Hindi lang ang sa kanya maging ang kay Rhea din.
"Kailangan nating makahanap ng lugar na pwedeng mapagpahingahan. Hindi tayo pwedeng magpatuloy sa paglalakbay ng nanghihina. Di natin alam kung ano ang pwede nating makaharap." Maya mayang sabi ni Zeus. Lahat kami ay sumang-ayon at naghanap ng pwedeng masilungan.
Nakahanap agad sila Frost ng isang kweba na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin. Agad kaming pumunta doon. Sinigurado nilang walang kahit ano mang ibang halimaw sa kweba. Wala na kaming lakas para lumaban.
Marahang nilapag ni Zeus si Rhea. Inayos niya ito ng higa at tumayo. Nakatitig lang ako sa kanila ng naguguluhan, iniisip parin kung anong nangyayari sa kanila, bakit parang konektado sila sa isa't isa. Isama mo pa si Helios sa kanila. Sino ba talaga si Rhea sa buhay ng dalawang lalaking ito? O sino nga ba sila sa buhay ni Rhea?
"Hygea." Napapitlag ako ng tawagin ako ni Ashton. "Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya.
"A-ayos lang ako."
"Sigurado ka bang ayos ka lang? Hindi mo ba nararamdaman ang sugat mo? Medyo malalim ang sugat mo." Napalingon naman ako sa tinuturo niyang sugat. Dun ko lang naramdaman yung sakit at hapdi. Masyado ata akong nagulat sa nangyari kaya di ko namalayan yung sugat ko.
"Wag kang mag alala, ipapagamot ko to kay Frost kapag nakapag pahinga na siya." Tumango lang siya.
"Magpahinga muna kayo, maghahanap lang kami ng makakain sa gubat." Pagpapaalam ni Ashton kasama si Zeus.
"Ako ng bahala kay Rhea, nandito naman sila Helios, Selene at Iris." Lumabas na sila ng kweba naiwan kami nila Helios. Makalipas ang ilang minuto ay nag heal na si Frost. Inisa Isa na niya rin kaming gamutin at ang pinaka huli niyang ginamot ay si Helios. May malaking sugat kasi si Helios sa likod kaya kailangan niya pang tanggalin ang damit niya para magamot ito.
"Helios ano yang nasa balikat mo?" Tanong ni Selene na nakapagpalingon sakin. Napatingin rin ako sa balikat niya nama'y parang "H" na hugis na peklat.
"A-ah, eto ba? Birthmark yan. Pareho kami ni Hera na may ganyan. Tanda ng pagiging kambal namin." Agad na sagot niya.
"Ganun ba parang familiar kasi sakin yan. Para bang nakita ko nayan, anyway, akala ko ay kung napano ka." Ngumiti lang si Helios sa kanya at muli ng nagsuot ng damit pagkatapos magamot ni Frost.
Napalingon ako sa paligid, nakaramdam ako ng kakaiba. Napansin kong nawala si Iris sa loob ng kweba. Nagtataka ako kung saan siya napunta.
"Nasaan si Iris?" Tanong ko sa mga kasama ko. Agad rin silang napatingin sa paligid at mapag alamang wala nga si Iris.
"Baka lumabas lang saglit." Sagot naman ni Frost. Nagkibit balikat nalang ako. Bigla akong natigilan ng maramdaman kong sobrang hina ng presensya ni Rhea. Agad kong naisipan na lumapit kay Rhea.
Nanlaki ang mata ko ng may makitang kung ano sa leeg ni Rhea. Not laterally sa leeg pero sa loob ng lalamunan niya. Kailan pa ako nakakakita ng mga bagay inside the body of someone? Mukhang napansin ni Helios ang pagkagulat ko kaya napalapit siya sa akin.
"What happened?" Tanong niya sakin. Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatingin sa leeg ni Rhea. Mukhang napansin niya kung saan ako nakatingin. Agad siyang napamura ng parang may nakitang kung ano."Shit!" Agad siyang gumamit ng kapangyarihan at pilit na inilalabas kung ano man ang nasa loob ni Rhea. Maging sila Frost at Selene ay napalapit sa amin. Unti unti ng hinugot ni Helios yung bagay nayon mula kay Rhea.
"What's that?" Naguguluhan at natatarantang tanong ni Selene .
"It's a slime. Mukhang nakapasok ang ibang parte ng slime sa loob ng katawan ni Rhea." Agad na sagot ni Helios. Agad na tumulong si Selene para mailabas yung slime sa katawan ni Rhea. Nang makalabas ito ay muntik pa itong makatakas mabuti na lang ay nakulong agad siya ni Helios sa barrier nito . Unti unti itong nanghina at parang natuyong dahon at naging abo.
Rhea's POV
Napabalikwas ako ng bangon habang ubo ng ubo. Pakiramdam ko para akong nalunod at ngayon lang naka ahon sa tubig. Hingal na hingal na akala mo hinabol ng sampung kabayo. Naramdaman kong may lumapit sakin. Agad akong yinakap ni Helios at puno ng pag aalala na tinitigan ako.
"Ayos ka lang ba? Wala na bang masakit sayo." Tumango lang ako , patuloy ko namang pinapakalma ang sarili dahil kinakapos parin ako sa hangin. "Kasalanan ko to, hindi ko agad napansin na may mali pala sa katawan mo. Kung hindi ka pa linapitan ni Hygea , ay baka n-nawala ka na sa amin." Puno ng pagsisisi at hinanakit na sabi ni Helios. Linapitan agad siya ni Selene at pilit na pinapakalma. Hinawakan ko siya sa balikat at matamang kinausap.
"Helios, wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo, ayos na ako. Wala ka ng dapat ipangamba pa." Unti unti naman siyang kumalma.
"Akala kasi namin mawawala ka na sa amin. Sobrang hina na ng presensya mo kanina. Nag aalala lang kami sayo. Akala namin ayos ka lang kanina ng mailabas ka namin sa loob ng slime. Hindi namin aakalaing may nakapasok pala sa katawan mo." Maya-mayang sabi naman sakin ni Selene. Biglang tumayo si Helios at Lumabas ng kweba. Tinawag namin siya pero hindi siya lumingon.
"Pagpasensyahan mo na, masyado lang siyang nag aalala. Natatakot na kasi siyang mawalan ulit lalo na't dala-dala niya pa rin ang hinanakit ng nawala ang kambal niyang prinsesa." Mahinahong sabi naman ni Hygea sakin. Naiintindihan ko naman iyon. Muli akong napatingin sa dinaanan ni Helios at mayamayang napayuko.
Biglang nag-flash sa utak ko yung nangyari bago ako mawalan ng malay. Agad kong naalala si Iris.
"Si Iris!" Wala sa sariling bigkas ko.
"Bakit? Anong meron kay Iris?" Nag aalalang tanong ni Hygea. Napalingon ako sa kanila at ngayon lang napansin na wala pala sila Iris , Ashton at Zues sa loob ng kweba.
"Asan sila Iris , Ashton at Zues?" Agad na tanong ko.
"Lumabas muna sila Ashton at Zues para maghanap ng pagkain habang si Iris ay hindi namin alam kung nasaan. Bigla nalang siyang nawala, baka nasa labas lang." Sagot naman ni Frost sakin.
Bigla akong nanghinala kay Iris. Bakit wala siya rito? At yung kanina, Bakit hinayaan niya lang ako sa loob ng Slime. Nakita niya ako pero hindi niya ako tinulungan. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kasama ko pag sinabi ko yung nangyari kanina? Papaniwalaan kaya nila ako?
"Bakit mo hinahanap sila Iris?" Maya mayang tanong sakin ni Hygea. Nag alinlangan akong sabihin sa kanila yung nangyari kaya mas pinili ko nalang magsinungaling. Di rin naman ako sigurado sa nakita ko. Lalo na't nanlalabo na ang paningin ko ng makita ko siya
"A-ah, nagtataka l-lang ako kasi wala sila dito." Tumango lang sila kaya umiwas na ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
ФэнтезиA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?