Hygea's POV
"Helios Bakit? Bakit nagawa mong maglihim sakin?" Puno ng galit na sabi ni Rhea kay Helios na siyang kinatakot at kina-lungkot ko. Mangyayari na, mangyayari na ang nakatakdang mangyari.
"Helios, Bakit? Bakit sa dinami-dami ikaw pa ang naglihim sakin. Alam mo na ang lahat matagal na pero bakit hindi mo sinabi sakin! You know how much I suffered because of that illusion that the Darks used to me. Alam mong matagal ko nang gustong makilala ang pamilya ko! I trusted you Helios! I trusted You!" Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Helios. I feel sorry for him. Wala siyang magawa dahil ito ang nakatakdang mangyari.
"S-sorry" umiiyak na sabi ni Helios.
"Sorry? Sorry Helios? Mapapawi ba ng sorry mo ang sakit ng naramdaman ko nung mga oras na kinainggitan ko ang prinsesa? Mawawala ba ng sorry mo ang mga sinayang na panahon na hindi ko kayo nakasama. You know it all along, Alam mong ako ang Kambal mo pero nanahimik ka lang. Madali lang para sayo na sabihin sakin na don't get attached with that illusion dahil nandito kayo na pamilya ko sa totoong mundo. I should have known na may double meaning yun! You should have said it there. Dun palang sana pinaalam mo na na ikaw ang kambal ko nang hindi na ako umabot sa ganito Helios! Hindi sana ako magagalit sayo ng Ganito! I HATE YOU HELIOS! I HATE YOU HELIOS!.
Pagkasigaw niya nun ay umihip ang malakas na hangin. Nagbago ang kulay ng mata niya at pinaikutan kami ng hanggin na yun. Napatitig ako kay Sorcerer Evergreen.
"You can't do anything Hygea." Malungkot na sabi niya. Nataranta ang iba naming kasama ng iangat ni Rhea si Helios gamit ang kapangyarihan niya.
"Rhea! Calm down. Pag usapan niyo to." Puno ng pag aalala na sigaw ni Selene na halos lumuluha na.
"Rhea! Calm down."
"Rhea! Please! " Sigaw rin ng kambal. Lahat halos kami ay hindi na niya nakikilala. Hindi siya nakikinig sa mga sigaw at pag tawag namin sa kanya.
Napaatras kami ng umapoy ang buong paligid namin. Lahat kami ay gumawa ng paraan para maapula ang apoy na gawa ni Rhea. Pero walang saysay yun dahil hindi iyon namamatay dala ng galit nga ang mag ari ng kapangyarihan.
Hindi namin inaasahan ang sumunod na ginawa ni Zeus. Walang alinlangan siyang lumapit kay Rhea kahit na patuloy siyang natutulak paatras ng kapangyarihan ni Rhea.
"Zeus, what are you doing? Hindi kontrolado ni Rhea ang sarili niya ngayon. What if something happens to you?" Nag aalalang pigil ko sa kanya. Hindi siya sumagot sakin at patuloy parin niyang pinipilit na makalapit kay Rhea.
Kahit sugat sugat na ang katawan ni Zeus, gawa ng kapangyarihan ni Rhea ay hindi nito napigilang makalapit si Zeus kay Rhea. From behind of Rhea, Zeus hug her and tried to talk to her to calm down.
"Rhea, calm down. Hindi ikaw to. Hindi ito ang Rhea na kilala ko. Bumalik ka na." Napalingon sa kanya si Rhea at tinitigan siyang mabuti. Hinarap niya si Rhea sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at muling kinausap. "Tama na Rhea, tama na, nasasaktan ka na. Huminahon ka na." Sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unti namang bumalik ang dating kulay ng mata ni Rhea kasabay ng unti unting pag apula ng apoy.
Parang bigla siyang natauhan at napatitig sa sariling kamay dahil sa pagsakal kay Helios. Napuno ng takot ang kanyang mata para sa sarili. Nang tuluyan nang bumalik ang kulay ng mata ni Rhea ay napatitig siya kay Zeus, para siyang nagsusumbong dito sa bagay na nagawa niya, unti unti ay ang kaninang puno ng galit na mata niya ay nabalot ng lungkot kasabay ng pagtulo ng luha.
Napabagsak siya sa lupa. Agad siyang dinaluhan ni Zeus.
"Shhh, magiging maaayos rin ang lahat. Okay na, okay na, wala ka nang dapat pang ipag alala." Pagpapa-tahan sa kanya ni Zeus habang hinahaplos ang buhok niya. Parang batang napakapit si Rhea sa magkabilang dulo ng damit ni Zeus at sumubsob sa dibdib nito at doon na siya umiyak ng umiyak.
Napalingon ako kay Sorcerer Evergreen ng maglakad na siya papasok sa bahay niya.
"Sorcerer Evergreen." Pagtatawag ko sa kanya
"Hayaan niyo na muna silang dalawa diyan. Mukhang mas makakabuti kung hahayaan muna natin silang mapag isa. Mas kailangan ng prinsipe na magamot at makapagpahinga dahil sa pinsalang natamo niya."
Lahat ng kasama ko ay napalingon sa kanya. Tama naman siya, kailangan ni Helios na makapagpahinga.
"Wag kayong mag alala. Huhupa rin ang galit ni Rhea. Lahat ng bagay ay napandalian lang at tanging isa lang ang nananatili. Pag ibig, pag ibig na siyang mag aayos sa kanilang dalawa." Makahulugang sabi niya. Lahat naman ng tingin namin ngayon ay nalipat kay Rhea at Zeus na nasa lapag parin bago tuluyang pumasok sa loob .
Zeus POV
Hinayaan ko lang na umiyak ng umiyak si Rhea hanggang sa mapagod. Dahil sa kakaiyak niya ay nakatulog siya habang yakap ako. Dinala ko siya sa kwartong tinutuluyan niya at doon inihiga ng makatulog siya ng maayos.
Nakatitig lang ako sa kanya ngayon. Hanggang ngayon ay napapaisip sa nangyayari. I'm so thankful na dahil sakin ay nagawa kong mapakalma si Rhea but I'm still thinking, why did my body move on it's own to make Rhea calm? Bakit ganun siya mag react pagdating sakin? Not just her but me also. Nalulungkot ako sa tuwing nalulungkot siya, Nanghihina ako sa tuwing nanghihina siya, masaya ako sa tuwing masaya siya at nahihirapan ako sa tuwing nahihirapan siya . I can feel what she's feeling. There's so many questions that I needed an answer, but who am I gonna ask?
Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Rhea. Pumasok mula doon ang Sorcerer na si Evergreen. Saglit siyang napatitig kay Rhea at maya maya ay lumipat ang tingin sakin.
"I know you're thinking right now. You're thinking why does Rhea or should I say Princess Hera react that way she does like a while ago when it comes to you?" Makahulugang sabi niya sakin na tipong nabasa niya ang nasa isip ko. " Alam kong matagal mo nang napapansin na sa tuwing May nangyayari sa kanya ay naapektuhan ka, sa bawat kilos niyo ay para bang konektado kayong dalawa. You know what does she feel at ganun rin siya sayo. She become your weakness right? And you become her weakness too."
Kahit naguguluhan ay wala akong nagawa , nakinig lang ako sa kanya since I wanted to know everything.
"Lately you've been feeling that you wanted to be with her always, lalong lalo na sa tuwing nalulungkot siya at nanghihina. Nakakaramdam ka ng parang pangungulila sa tuwing hindi mo siya nakikita, and you feel hurt when you unexpectedly and unpurposely hurt her. Tama ba?"
" Just get straight to the point. I just wanted to know kung bakit ko naramdaman to ."
"It's just simple Zeus, it because you are Mates "
Sa pagkasabi niya nun ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi makapaniwala sa mga narinig.
"You are both sharing body and soul. Once na masaktan siya ay masasaktan ka rin. And I advised you to protect her, for you to protect yourself."
Napatulala ako kay Rhea na mahimbing na natutulog ngayon. Nag aalala ako, nag aalala ako na baka pag nasaktan ako ay masaktan ko siya. She suffered too much already, ayoko nang madagdagan yun. Napalingon ulit ako kay Sorcerer Evergreen ng magsalita siya.
"And one last advised. Don't kiss her, kahit na anong mangyari habang nananatili kayong Mates. Once you did you will only make things worst. Don't ever try it, Kung ayaw mong mahirapan kayong dalawa."
Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya.
Third persons point of view.
On the other side, Princess Hera is holding back her tears because of what she just found out. She heard everything that Sorcerer Evergreen and Zeus just talked about. Dalawang bagay ang nalaman niya sa gabing ito, she finally knew that she's the Princess and Zeus doesn't really have a feeling for her. It was the bond after all, ang bond ang dahilan kung bakit ginagawa ni Zeus ang mga bagay na nagustuhan niya dito.
When she heard that the door is closed, a sign that Zeus finally leaved the room. She let her tears and her sobs to escape from her mouth.
BINABASA MO ANG
The Missing Princess
FantasyA garden that was hold by a princess life. Once the Princess Die, the Whole Kingdom will die as well. But what if the Princess went Missing? what will happened to the kingdom?
