Chapter Twenty Nine

1.1K 31 2
                                    


Hygea's POV

Pabalik na kami ngayon sa palasyo. Hanggang ngayon ay naiilang parin si Rhea kay Helios. Si Helios naman ay Hindi maiwasang mag alala kay Rhea. I just realized how lucky Rhea I mean Hera is. Kahit na halos mapatay na ni Hera si Helios ay Hindi parin nito maiwasang mag alala.  Mas nangingibabaw ang pag ibig ni Helios bilang kapatid para kay Rhea keysa galit.

Nasa kalagitnaan kami ngayon ng paglalakbay. Tinuro samin ni Sorcerer Evergreen ang ibang daan kung saan wala kaming makakasalubong na halimaw.

Napansin kong wala sa sarili si Rhea ngayon. Masyado siyang tahimik at parang walang gana. Napansin ko ring na para bang iniiwasan niya si Zeus. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila para mag-iwasan.

Kinagabihan ay tumigil muna kami sa gitna ng gubat para makapag pahinga. Tulad ng dati ay naghanda sila ng mahihigaan at pagkain. Sa gitna namin may Apoy na nagsisilbing ilaw at nagpapainit samin. Nasa tabi ko ngayon si Rhea na nakatulala lang sa apoy sa tapat namin. Napalingon siya sa pwesto ko ng hatiran ako ng pagkain ni Ashton at matamang inasikaso. Nang makaalis si Ashton sa harap ko ay lumingon ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin yung tanong ko ay tinanong niya rin ako.

"Hygea how do you see Ashton?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"What do you mean?"

"Anong tingin mo kay Ashton? Sa mga ginagawa niya sayo? Sa mga pag aasikaso niya sayo? How do you see that? I mean what's your interpretation of it?" Kahit naguguluhan ako sa tanong niya ay sinagot ko ang mga tanong niya.

" Ashton is my childhood bestfriend. Simula pagka bata ay malapit na kami sa isa't isa. He's caring, protective, and a person who is always there for me. He protect me from others kahit pa sa kambal niya na madalas kong kaaway. Mas kakampihan niya ako sa tuwing nag aaway kami ni Frost, handa siyang makipag away sa kambal niya para lang sakin. He care for me like I am his little sister." Saglit akong tumigil para malaman ang reaksyon niya.

"But how about you Hygea, how do you see him?"maya mayang tanong niya. Napangiti ako ng mapait.

" To tell you honestly I see him as a man not just a best friend. I don't see him as a best friend nor a brother because I see him as a man I wanted to marry and have a family someday. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman yun o kailan nagbago ang pananaw ko sa kanya is just that I feel it. I woke up na Hindi ko na siya kinikilala bilang bestfriend kasi gusto ko na siya.  I see him the way he didn't see's me."

"Sa tingin mo pano ka ba niya tignan?" Tanong niya pa

"I think he only see me as a best friend, a little sister maybe. His gestures for me is just nothing for him I think. Ako lang naman tong naglalagay ng malisya sa bawat kilos niya." Saglit siyang natigilan at napatulala ulit. "Bakit mo naman natanong sakin yan Rhea?" Napalingon naman siya sakin ulit.

"Hygea pano kung yung akala mo gusto mo siya pero malalaman mo may bagay pala na nagkokonekta sa inyo kung kaya ganun nalang ang nararamdaman niyo sa isa't isa? Pano yung akala mong gusto mo siya kasi he care for you, he is always there for you, he always protects you ay mali pala? Mali pala kasi May isang bagay nga na nagtutulak o pumipilit sayo para maramdaman yun." Saglit siyang tumigil kaya napaisip ako sa sinabi niya. I don't know what she's talking about pero pakiramdam ko tungkol ito sa kanya.

"Hygea, I wanted to fall in love not because I was forced to, but because I just feel it without any reason. Gusto Kong magmahal ng walang rason. Just like how you feel for Ashton.. Ayokong magmahal o mahalin ng pilit ng dahil lang sa love bond. Gusto ko yung kusa niya akong minahal at kusa ko rin siyang minahal. " Saglit ulit siyang tumigil at napabuntong hininga. Maya-maya ay nagpatuloy ulit.

" Ngayon tuloy hindi ko alam ang tunay kong nararamdaman. Mahal ko ba siya o mahal ko lang siya kasi iyon ang nakatakdang mangyari." Saglit ulit siyang tumigil at maya maya ay ngumiti ng puno ng lungkot sa akin kasabay ng pagtayo niya. "I want to cut the bond. Not just because about me being loved forcedly but because I don't want my mate to get hurt because of me. Ayokong mandamay sa sakit na sasapitin ko. I rather die on my own than dying with someone who also die just because of me. I will cut the bond, This is for the both of us. Para ito sa kapakanan naming pareho." Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang umalis sa tabi ko. Naglakad papasok sa gubat at di ko alam kung san niya balak tumungo.

Unti unti na nagsi-sink in sa utak ko kung anong ibig niyang sabihin. It was about her for having a bond mate. Nalilito siya kung mahal niya ba yung lalaking tinutukoy niya o minamahal niya ito kasi iyon ang dapat na maramdaman niya. I know she's talking about Zeus. Mukhang hindi pa tapos ang paghihirap na dinadanas ni Hera. Kakatapos lang ng isang problema may bago nanaman siya hinaharap.

Saglit akong natigilan ng maramdaman kong may tao sa tabi ko. Paglingon ko ay nakita ko si Helios na nakatingin rin sa dinaanan ni Rhea.

"Go on, follow her. Kailangan niya ng taong makakausap at makakasama ngayon. She needs a brother who care for her." Utos ko sa kanya na siyang kinangiti niya. Tinapik niya ako sa balikat at sinundan na si Rhea.

Helios POV

Nag-aalangan akong lumapit kay Rhea ngayon. Nakaupo siya sa isang nakatumbang puno habang nakatitig sa mga bituin. Pinipilit kong alisin ang Alinlangang ko at lumapit na kay Rhea. Saglit siyang napalingon sakin ng maramdaman niyang tumabi ako sa kanya pero wala siyang ginawa para umalis ako.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makausap na siya.

"Rhea." Pag tatawag ko sa kanya.

"Hmm." Natuwa ako ng tumugon siya.

"Rhea, ayos ka lang?" Hindi siya nagsalita pero umiling siya bilang sagot. "Sorry."

Sa pagsabi ko nun ay napalingon siya sakin.

"Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo ang lahat. Sorry kasi kinailangan mong pagdaanan ang lahat ng paghihirap na yun ng wala kami sa tabi mo. Sorry kasi wala akong nagawa nung mga panahong nahirapan ka. Sorry kasi hanggang ngayon wala parin akong magawa kapag may problema ka." Maya-maya ay tuluyan ng bumagsak ang luha niya.

"Helios." Pagtatawag niya sakin at bigla akong yinakap at dun siya umiyak ng umiyak.

"Pasensya na Rhea. Ngayon lang ako lumapit sayo. Sorry rin kasi hanggang ngayon wala parin akong magawa heto't nasasaktan ka ngayon. Sorry kasi hindi ko alam ang pinagdadaanan mo. Sorry na kasi ngayon lang ako naging sandalan mo. Pangako, simula ngayon babawi ako. Wag ka nang magalit sakin ha? Patawarin mo na ako." Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang pag-tango niya sa balikat ko. Patuloy parin ang pag iyak niya habang hinahagud ko ang likod niya para mapatahan siya.

Pagbalik namin kung nasan ang iba pa naming kasama ay sinalubong kami ni Hygea at Selene ng ngiti. Kahit ako ay di maiwasang mapangiti rin. At last natapos rin ang pasanin ko. Nakahinga na ako ng maluwag dahil alam ko na wala na akong tinatago. Saglit akong lumingon kay Rhea at ngumiti sa kanya, nginitian niya rin ako bago tumabi siya kay Hygea para matulog.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon