Chapter Seventeen

1.2K 41 0
                                    


Hygea POV

Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyaring iyon. Hindi parin nagkakaroon ng malay si Rhea maging si Zeus. Ligtas na nakabalik si Helios kasama si Rhea. Wala na ang mga sugat niya sa katawan dahil dumating na ang Healer na pinatawag ng Reyna. May mga sugat rin si Helios Pero hindi naman ito malala. Nalaman naming si Diana pala ang nag manipulate kay Rhea. Hindi namin alam na isa pala siyang Darks. We know her as a fire Elementalist pero mukhang kulang ang impormasyong nakuha namin tungkol sa kanya.

Napalingon kaming lahat ng mga kasama ko sa pinto ng pumasok ang Hari at Reyna. Agad kaming tumayo bilang pagbati.

"Magandang umaga po mahal na Reyna at Hari." Sabay sabay naming bati ng kasama ko. Tumango sila sa amin at agad na nilapitan ang Healer na kasama namin.

"Kumusta na si Rhea?" Tanong ng reyna sa nurse na nagbabantay sa kanya kasama namin.

"Paumanhin mahal na reyna ngunit may natitira pang bahid ng mind manipulation at illusion sa utak ni Rhea. Hindi na po ito kaya ng kapangyarihan ng isang simpleng mind Reader at healer tulad namin. Mukhang hindi lang si Daiana ang nag manipulate sa kanya, mukhang ang Prinsipe ng kadiliman ang May gawa nito sa kanya base sa enerhiyang nanggagaling sa kanya." Medyo nagulat kami sa balitang iyon. Wala na kaming balita sa Prinsipe at hari ng Kadiliman matapos ng digmaan 17 years ago.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagaalalang tanong ng hari .

"May itim parin na kapangyarihan na natitira sa utak niya at tanging kapangyarihan na tulad lang ng sa reyna ang makakapag alis nun. Ngunit maaari po kayong mapahamak dahil sarado rin ang isip ni Rhea at hindi agad ito mapapasok ng sino man."

"Ganun ba, wag kayong mag-alala ako ng bahala." Mahinahong sagot ng Reyna. Lahat kami ay lumayo ng saglit kay Rhea upang malayang magamit ng Reyna ang kapangyarihan niya. Tinapat ng reyna ang kamay niya kay Rhea at sinimulang pasukin ang isipan ni Rhea.

Nakikita namin ang laman ng isip ni Rhea. Iyon yung illusion na ginamit sa kanya para manghina siya. Napayuko ako sa nakita ko. Si Rhea, natatakot siyang mawala kami sa tabi niya. Natatakot siyang saktan kami. Nakita namin siyang umiyak. Ang Rhea na walang ka emo-emosyon ay umiyak ng dahil sa illusion na nakita niyang nasaktan kami ng dahil sa kanya. Lahat kami ay napasinghap ng makita ang sumunod na ipinakita.

Ang prinsesa, nakita na niya ang prinsesa. Ang prinsesa ang pinaka nakasakit sa kanya. Natatakot siyang kalimutan namin siya pag bumalik na ang prinsesa. Biglang nawala ang mga larawan na nagmumula sa isipan ni Rhea. Muntik nang matumba ang reyna mabuti nalang at naalalayan agad siya ng Hari.

"Mahal na Reyna ayos lang ba kayo?" Nagaalalang tanong namin sa kanya. Pumatak ang mga luha ng reyna na siyang kinabahala namin.

"Ang Prinsesa, ang anak ko. Nakita ni Rhea si Hera." May bahid ng pag aalala at konting saya mula sa boses ng reyna.

"Inang reyna." Napalingon kami kay Helios na nasa pinto ng kwarto na kinaroroonan namin. "Ayos lang ba kayo? Anong nangyari?"

"Helios anak, ang kambal mo." Napatigil saglit si Helios at tumingin kay Rhea na nakahiga lang at wala paring malay. Hindi ko alam pero May nakita akong kislap sa bandang balikat ni Helios. Hindi ako sigurado dun kaya sinawalang bahala ko nalang iyon.

"Bakit anong meron? Anong nangyari?" Maya mayang tanong ni Helios. Inalis na nito ang tingin kay Rhea at tumingin sa Reyna.

"Si Rhea, nakita niya na si Hera."

"Anong ibig niyong sabihin?" Nakakunot ang noong tanong ni Helios

"Nakita ko sa mga alaala ni Rhea mula nung na manipulate siya."

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon