Chapter Ten

1.2K 45 1
                                    

Rhea's POV

Kinabukasan ay maaga halos kaming lahat na dumating sa room. Something is strange about Helios. Everytime na mag kasama kami ay hindi niya iniiwas ang tingin niya sakin. I can see through his eyes na puno siya ng pag aalala. He even become over protective in me. Hindi ko masyadong inalala yun at hinayaan lamang ito.

Halos lumipas ang buong maghapon na konti lang ang ginawa namin. Kaya ng uwian na ay ako ang pinakaunang nag paalam sa kanila na mauuna. I was about to leave the room when someone called me. Lumingon ako sa kanya at nagulat ng bumagsak at malayang nakalugay ang buhok ko na kanina ay nakatali lang. Nalaglag sa simento yung tali ko na bakas ng pagkaputol nun.

Pinagtitinginan ako ng kaklase ko. It wasn't offending pero nakaka-concious dahil halata ang paghanga sa mga mata nila. Lumingon ako sa likod ko. I saw a light Shuriken na nakabaon sa pader.  kaagad kong tinitignan ng masama yung mokong na lalaking nag putol ng tali ko. Isa lang naman ang alam kong ayaw ng nakatali ang buhok ko. Ngumiti lang siya at inis na umalis nalang ako sa classroom at umuwi na sa dorm ko.

Lumipas ang mga araw ay mas lalo kaming nagiging malapit sa isa't isa. I don't feel like I'm not part of them.

Walang pasok ngayon kaya pumunta lang ako sa Garden na madalas kong puntahan. Same spot ay humiga lang ako doon at pinagmasdan ang langit. It's almost perfect here. Kung may kulay lang ang mga halaman dito this will be a perfect paradise.  Nakatulog ulit ako dun at hapon na ng magising. 

I have a strange dream again, but this time di na ito tulad ng dati.

I was walking on an icy place.  Para akong naglalakad sa kawalan dahil wala kang ibang makikita kundi puro yelo at snow. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang kakaibang bagay dun. It was like a flower bud. A very Huge flower bud. It was a blue flower bud covered with ice. "What is this thing?" Di ko maiwasang tanong sa sarili. Nilibot ko ang bulaklak na yun at napansing may crack yun.

"Is there someone outside?" Rinig ko mula sa loob ng bulaklak. It was a female voice. "If someone is out there, sumagot ka please." Tuluyan na akong napahinto sa paglalakad.

" Y-yeah, there's someone is here. But who are you?" Tanong ko na nag aalinlangan.

"I don't know.  Di ko alam kung sino ako. I wanted to know who am I. Help me please, help me get out of here."

Get her out of there? But how? I don't even know kung anong klaseng tao siya. What if she trick me? It would be dangerous for me.

"Please help me, I just wanted to get out of here." Rinig kong dugtong niya. Halatang umiiyak na siya.

"Okay I'll try."

I was about to help her when everything went black.

"Noooo!" Pareho naming sigaw at nagising na ako.

I don't know why but I feel sorry for that girl. Even if it's just a dream , I know she really wanted to get out of there. Naglakad na ako pabalik sa dorm.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dumaan ako sa canteen para mag agahan at dumeretso na sa Room pagkatapos. Umupo na ako sa upuan ko at hinintay na mag simula na ang klase.  Our topic is about the missing Princess. Napatingin ako kay Helios na nakatingin lang sa harap, he seems so sad, halata iyon sa mga mata niya. Maingay at makulit siya sa labas but he's fragile inside.

"Few more  months from now on , our Prince Helios and princess Hera will turn 18. It is not just an ordinary event dahil it was the day when all the power of the twins will show. Even when the Princess is not yet here, the king and queen decided already that we are all going to celebrate her birthday."

Nakita kong namangha ang mga kaklase ko sa kwento tungkol sa prinsesa. Lalo na sa darating na selebrasyon ng kaarawan ng kambal.

"Princess Hera will be the Goddess of all goddess. She will rule the kingdom next to the queen with her brother but also with their other half. We already knew who will become the other half of princess Hera, everyone knows it already since you were young." Ngumiti si sir Felix at tumingin kay Zeus. " And it's you Prince Zeus the Gods of all God's."

Natahimik ako, As in blanko. I don't know why, pero nasaktan ako sa nalaman ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga, parang  pinipiga yung puso ko. Uminit ang gilid ng mata ko at alam kong naluluha ako. Why do I feel like I'm jealous? Why am I feeling this way?

So, The Princess already have her other half even though she's not here. Napatingin ako kay Helios, he seems to be excited now. Kung kanina nalulungkot siya ngayon ay mukhang gusto na nitong makita ang kambal nito. I look around me, and they seems to idolized the princess. "And I envy her for that."

"A family, friends, love ones and people around here loves her that much. She has everything that everyone wanted to have. I, I wish I was her."

Napa-iwas ako ng tingin sa kanila at tinuon nalang ang pansin sa labas. Hindi na ulit ako nakinig sa discussion. Hinintay na matapos ang klase at mabilis na umalis. I went to the garden, garden that seems to be my new place. Umupo ako doon at napatitig sa kalangitan. It's so peaceful here.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko na kanina lang ay pilit kong pinipigilan.  It started to continuously fall down into my cheeks.

I never felt this lonely before. I live my life for almost 17 years alone but I never felt so weak and helpless like this. Did I rely on my friends that much?  I never cried for useless thing like this. Why does I feel jealous? Why does I feel envy towards her? "

Umiyak lang ako ng umiyak. Umiyak hanggang sa mapagod at makatulog. I saw that dream again. The girl inside a frozen flower. The flower has already  alot of cracks. Lumapit ako doon narinig ko ulit ang boses ng babae.

"You're back!" Maririnig mong masaya ito. "Are you going to help me now? Please help me, I just wanted to get out of here."

Hindi ako sumagot at tumitig lang doon.

"I know your still here, I know you're kind. I trust you, you will help me get out of here."

"No! Don't trust me!" Sigaw ko sa kanya. " I'm not good as you think. I think I can't help you."

"No! Don't say that."

"I'm sorry, but I hate it when I give my trust to others and broke me when a time will come. Im sorry but I can't help you. Good bye."

"Nooooo!!!!!" Rinig kong sigaw niya. Nakita kong unti unting nawawala ang cracks sa flower at unti unti itong nabubuo. I turned my back and walk away from there.

Nagising ako ng malalim na ang gabi. Tumayo na ako at naglakad pabalik na sa dorm ko. I stay up all night habang tulala. Nang umaga ay nag ayos agad ako ng sarili at dumeretso sa room. Tulad ng dati kong gawain ay umob-ob ako sa lamesa. I'm going back to the way I used to be. "The silent one."

Hygea POV.

Mula sa labas ng pintuan ng room ay ramdam ko na ang isang mabigat na presensya, at alam ko kung kanino galing yun.

It's from Rhea.

Bumalik ang dating presensya niya. The strong presence around her that will make everyone step back from her. Nakita kong nakatitig lang si Zeus kay Rhea. Mukhang hindi nararamdaman ni Rhea ang presensya namin. Nagsidatingan  narin sila Frost at ang iba pa. Tulad namin ni Zeus ay nakatulala lang sila kay Rhea.

"What do you think happened to her?" Tanong ni Selene kay Helios.

"I don't know. Hindi ako makapasok sa isip niya. She made a strong barrier around her." Sagot naman ni Helios. Lahat kami ngayon ay nalipat ang tingin kay Zeus, he looked worried.

The Missing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon