EMPATH: Heartstealer
This book is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or people, living or dead, is entirely coincidental.
This book was not written to promote or degrade any concept, belief, religion, or scientific fact.
LHI PUBLISHING, a division of Laroza Holdings, Inc.
San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig City, Philippines
Copyright © 2013 by Miguel Laroza
All rights reserved.
____________________________________________________________
EMPATH
A person who has an acute or highly developed sense of empathy. In the paranormal and in some works of science fiction and fantasy, highly developed empathy is a paranormal or psychic ability to absorb the emotions of others. It is somehow related to telepathy or the ability to perceive the thoughts of others. Occasionally, empaths are also able to project their own emotions to the people around them, effectively manipulating people's feelings.
____________________________________________________________
PROLOGUE
"Lumayo kayo! May away!"
Nagulat kami ni Tita Gretchen sa sigaw na iyon. Nasa tindahan kami noon ng mga prutas malapit sa plaza ng Santo Nino. Kadarating lang namin galing sa Maynila.
Napalingon ako sa tinutukoy ng sumigaw.
Nakita ko, sa di kalayuan, isang binatang halos ka-edad ko lang, napapaligiran ng tatlong lalaki na halatang mas matanda sa kanya.
"Susmaryosep!" sabi ni Tita Gretchen. "Si Emman na naman!"
Napalingon ako sa kanya. Emman? gusto kong itanong. Bakit 'na naman'? Madalas bang makipag-away ang Emman na yon?
Tinitigan ko ang binatang tinawag ni Tita na Emman. May itsura siya kahit papano. Makinis ang mukha niya, matangos ang ilong, at medyo maputi. Pero matapang ang mga mata niya, walang bakas ng takot.
Pumorma ang tatlong kalaban niya. Matalim ang mga titig nila sa kanya.
Tatlo laban sa isa, naisip ko. Masyado namang agrabyado si Emman. Kawawa naman siya...
Akmang susugod na ang tatlo nang biglang nanlisik ang mga mata ni Emman.
Nakita ko, biglang natigilan ang tatlo. Ang isa sa kanila, biglang kumaripas ng takbo palayo. Ang natirang dalawa naman, parang nanginig sa takot.
Bakit yun tumakbo? tanong ko sa sarili ko. Bakit sila natakot?
Sumugod ang dalawa kahit halatang takot sila. Pero mabilis ang naging pagkilos ni Emman. Humakbang lang siya patagilid at naiwasan niya ang magkasabay na suntok. Sumuntok siya, sapol sa ilong ang isa, umikot at sumipa, at sapol sa pagitan ng mga hita ang pangalawa.
Sabay bumagsak ang dalawang kalaban. Ang isa, duguan ang ilong. Ang isa, namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang pagkalalaki niya.
Tapos agad ang laban.
Panalo agad si Emman.
Ang galing niya, sabi ko sa sarili ko. Titig na titig ako sa kanya.
Bigla siyang tumingin sa akin. Mabalasik ang mga mata niya.
Bigla akong nanginig sa takot. Sa hindi ko maintindihang dahilan, parang kinilabutan ang buong katawan ko. Parang takot na takot ako sa kanya.
Pero biglang naging maamo ang mga mata niya.
Bigla ring napawi ang takot ko. Bigla akong natulala habang nakatingin sa mga mata niya. Parang humahanga ako sa kanya, hindi lang sa galing niya sa pakikipaglaban, kundi sa mukha niya rin. Parang ang guwapo-guwapo niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naramdaman ko.
Biglang tumalikod si Emman at tumakbo palayo.
Bigla akong nahimasmasan. Nawala ang paghanga. Wala na rin ang takot.
Bakit ganon ang naramdaman ko? tanong ko sa sarili ko.
Anong nangyari sa akin?
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.