18: Phone Calls

1K 49 2
                                    

PHONE CALLS

Thursday nang gabi.

Gaya ng nakasanayan ko, matapos ang dinner namin nina Lola at Tita, gumagawa ako ng assignments sa room ko.

Bigla ko namang narinig ang pagtawag sa akin ni Lola mula sa ibaba. "Serena, may tawag ka!"

Napaisip ako. Sino kaya yun? "Nandiyan na po!"

Agad akong lumabas ng room ko. Iniisip ko pa rin kung sino ang tumatawag.

Nasalubong ko si Tita habang pababa ako ng hagdan. Papunta na siya sa room niya.

"Tita, sino yung tumatawag?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Daddy mo," sagot niya.

Nagliwanag ang mga mata ko. Excited akong tumakbo papunta sa sala. Agad kong dinampot ang phone. "Hello, Dad?"

"Hello, Serena!" sagot ni Daddy sa kabilang linya.

Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang boses niya. Na-missed ko siya. Daddy's girl ako mula pa noong bata ako at lagi kaming nagkakasama.

Pero mula nang pumunta siya sa States, naging once a week na lang kami nagkakausap. Naiintindihan ko naman kung bakit. Sobrang busy kasi siya sa paghahanda sa magiging life namin sa States.

Nagkunwari akong nagtatampo. "May tampo ako sa yo, Dad," sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya agad, parang naalarma.

"You didn't call last week," sagot ko.

"I did! Last Saturday morning. Wala ka raw, sabi ng lola mo."

Napaisip ako. Nasaan ba ko last Saturday nang umaga? tanong ko sa sarili ko.

Napangiti ako nang maalala ko. Dinalaw ko nga pala si Emman sa kanila.

"Ah, may dinalaw kasi akong classmate, Dad," sabi ko. "Di naman sinabi ni Lola na tumawag ka. Saka bakit di ka tumawag ulit?"

"Tsk, tsk. Ang lola mo talaga, nagiging malilimutin na. Hindi na ako nakatawag ulit, kasi nag-o-overtime ako noon. And then the next day, may conference ako."

Nagdrama ulit ako. "Masyado ka namang busy. Hindi mo na ko naaalala."

Mukhang effective naman yung drama ko. "Serena baby, pasensya na," lambing niya sa akin. "Alam mo namang temporary lang ito, di ba? I'm working on partnerships kasi para maging stable na yung business natin dito sa States. Tapos, nilalakad ko pa yung papers mo. Pati na rin yung mga plans for your education here. And guess what, may nakita na akong magandang school para sa yo."

Napangiti ako. Sa loob-loob ko, ang daddy ko talaga, nakaplano ang lahat, advanced masyado kung mag-isip. At hindi nawawala sa isip niya yung future ko.

At dahil na-touched ako, naglambing na rin ako. "I love you, Dad," bulong ko.

"Ano?" tanong niya, parang nagbibiro. "I didn't get that, Serena."

Natawa ako. "Gusto mo lang ulitin ko eh!"

Natawa rin siya. "Siyempre. Ulitin mo na kasi. Please..."

"Sabi ko, I love you, Dad."

Sandali siyang natahimik. Narinig ko, bumuntung-hininga siya. "I love you too, Dear," mahina niyang sagot. Actually, parang nalungkot siya.

"Anong nangyari? Bakit parang di ka natuwa sa 'I love you' ko?"

"Wala," sagot niya, malungkot pa rin. "Na-miss ko lang mommy mo."

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon