EMPATH GAMES
Oh my...
Ang lambot ng lips niya...
Ang sarap niyang humalik...
Oh, Emman...
"Hoy! Tulala ka na naman!"
Naputol ang daydreaming ko dahil sa sigaw na iyon. Napatingin ako kay Lorie na nandoon na pala at siya palang sumira sa napakagandang make-believe kissing scene ko.
Monday noon nang umaga, two days matapos makasama ko si Emman sa tabing ilog. Magulo ang naging ending ng magic moments namin last Saturday pero hindi na importante yon sa kin. Basta hindi mawala-wala sa isip ko yung halik niya. Kaya buong weekend, kinikilig ako.
"Nandiyan ka na pala," sabi ko kay Lorie.
"Yes, Madam. At mukhang wala kang kamalay-malay na dumating ako. Ano bang iniisip mo at mukhang spaced out ka na naman diyan?"
Naalala ko ulit yung halikan namin ni Emman. Napangiti ako. Parang gusto kong magkwento tungkol doon, pero syempre pigil-pigil muna ako.
"Aba, ang loka, ngumiti lang," puna ni Lorie. "Ano ba kasing happenings mo noong weekend at mukhang may sayad ka ngayon?"
Nakangiti lang ako. "Wala lang..."
"Wala lang? O sige, change question. Sino ang nagpapangiti sa yo nang ganyan, aber?"
Hindi sinasadya, napalingon ako sa desk ni Emman. Wala pa siya noon dahil maaga pa naman. Pero ewan ko ba kung bakit sa lakas yata ng imagination ko ay parang nakikita ko na siya doon.
Sinundan naman ni Lorie ang tingin ko. "Sinasabi ko na nga ba," sabi niya, nakangisi. "Don't tell me, kayo na ni Emman."
Napatingin ako sa kanya, nakangiti pa rin. "Hindi pa..."
Pabiro niyang kinurot ang braso ko. "Hindi pa? Anong ibig sabihin ng hindi pa?"
Kilig na kilig naman ako. "Basta hindi pa..."
"So may potential na maging kayo?"
"Hindi ko alam."
"Anong hindi mo alam?"
Sa pagkakataong iyon, biglang dumating si Emman. Nasa may pinto pa lang siya ng classroom ay nakita ko siya agad.
Tinitigan ko siya. Hinihintay ko siyang tumingin sa akin. Ewan ko, pero parang sigurado ako na naaalala niya rin yung nangyari noong Saturday sa tabing ilog.
Tumingin naman siya sa akin. Yun nga lang, sumimangot siya. Pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin. Naglakad na siya papunta sa desk niya nang hindi namamansin.
Pakiramdam ko noon, parang napahiya ako. Napayuko na lang ako.
Okey lang, sabi ko na lang sa sarili ko. Alam ko namang unforgetable yung nangyari sa amin. Suplado lang talaga itong lalaking ito. If I know, pinapakiramdaman niya ngayon yung emotions ko.
Bigla akong kinurot ulit ni Lorie. "Hoy, babae, sagutin mo tanong ko," sabi ni Lorie.
"Aray naman," angal ko sa kanya. Medyo napalakas kasi yung kurot niya.
"Ayan, nasaktan kita. Hindi ka kasi namamansin, palibhasa dumating na yung prince charming mo."
Pabiro ko siyang sinimangutan. "Ano ba kasi yung tinatanong mo?"
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.