EMPATH
"Look into my eyes," sabi doon sa pinanonood ko.
Sabado noon. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Nagpapahinga sina Tita at Lola sa mga kuwarto nila. Ayoko namang humiga o matulog kaya nanonood na lang ako ng TV.
Isang English series ang pinapanood ko noon. Nagulat na lang ako nang sa episode na iyon ay may hypnotism scene. Isang matandang lalaki na may weirdo na suot ang kaharap ang isang magandang babae na hinihipnotismo nito.
"From now on, you will do what I say," dagdag ng matanda.
Tulala ang babae habang titig na titig sa mga mata ng matanda. Hindi ito kumikilos. Hindi ito nagsasalita.
"If you understand what I'm saying, blink three times..."
Kumurap naman ang babae nang tatlong beses.
"Now take off your clothes..."
"Ohmygosh! Ano bang palabas ito?!" react ko agad, sabay patay sa TV. Kadiri naman kasi ang susunod na scene. Mukhang rape scene iyon at hypnotism pa ang paraan ng matandang rapist para makuha ang babae.
Kasalanan mo yan, Serena, sumbat ko sa sarili ko. Tungkol kaya sa mga criminal at detectives yang pinapanood mo.
Pero hypnotism yun ah...
Napaisip ako. Naalala ko ang mga pagkakataon na nagkatitigan kami ni Emman at kung anu-anong emosyon ang naramdaman ko. Noong matalim ang titig niya, natakot ako. Noong maamo ang mga mata niya, humanga ako sa kanya. Noong malungkot naman ang mga mata niya, nalungkot din ako.
Naisip ko rin, bakit kapag may kaaway siya, tinititigan niya lang, natatakot na yung mga kaaway niya?
Hypnotism ba yun?
Napailing ako. Parang iba naman kasi. Ang alam ko sa hipnotismo, nakokontrol ang pag-iisip. Kay Emman kasi, hindi naman. Parang emosyon lang ang nakokontrol.
Napatingin ako sa book shelf sa sala. Napansin ko ang maraming volumes ng encyclopedia doon. Agad akong tumayo para puntahan iyon. Kinuha ko ang volume ng 'H' at bumalik ako sa sofa para magbasa.
Hypnotism - to induce an altered state of consciousness characterized by deep relaxation and heightened suggestibility. The term was originally coined in 1842 to describe a phenomenon previously known as animal magnetism or mesmerism. The hypnotic state is characterized by heightened suggestibility and represents an altered state of consciousness as recent research has shown electrical changes occur in brain activity when a person is hypnotized...
Halos isang oras din akong nag-research tungkol sa hypnotism. Wala naman akong nakitang malinaw na koneksyon ng hypnotism sa mga nangyayari sa akin kapag nagkakatitigan kami ni Emman.
Naisip ko, baka naman hindi yun hypnotism?
Pero ano?
Baka naman nag-iilusyon lang ako? Baka naman coincidence lang yung mga nararamdaman ko tuwing nagkakatitigan kami ni Emman?
Pero hindi lang naman ako. Kay Robert din, nangyari yun. Sa lahat din ng mga nakaaway ni Emman. Kahit nga sa buong klase namin, parang may nangyayaring ganon. Kapag malungkot si Emman, nagiging malungkot ang lahat. Kapag tumatawa siya, natatawa ang lahat.
Kung hindi hypnotism yun, ano yun?
"From what you described, Serena, hindi nga hypnotism ang sinasabi mo," sabi sa kin ni Tito Willie, ang uncle kong psychiatrist na tinawagan ko sa telepono. Kapatid na bunso siya ni Daddy at nagtatrabaho siya sa National Mental Hospital sa Mandaluyong.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.