REVELATIONS
Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Sumakay ako ng tricycle papunta kina Emman. Habang umaandar ang tricycle, hindi ko maisip kung papano ko sasabihin ang bad news sa kanya. Natatakot kasi ako sa magiging reaction niya.
Pero sa loob-loob ko, kelangan niyang malaman ang nangyari. Kaibigan niya ako. Wala akong dapat itago sa kanya, lalo na ang mga bagay na importante sa kanya.
Balisang-balisa ako noon.
Bumaba ako ng tricycle sa tapat ng pamilyar na waiting shed. Nilakad ko ang pamilyar na pilapil sa gitna ng bukid.
"Lolo, nagugutom ako!" bigla kong narinig na sigaw. Boses ni Emman iyon. Sa tono niya, kahit pasigaw, parang nagbibiro lang siya.
Natawa ako dahil doon. Naramdaman ko rin ang emotion niya. Masaya siya.
Nalimutan ko tuloy ang tungkol sa bad news na dala ko.
"Lolo, ayoko ng palitaw!" sigaw niya ulit. "Gusto ko, spaghetti!"
Napailing na lang ako, natatawa pa rin. Nahawa man ako sa kanya o naapektuhan ako ng powers nya, gusto ko ang nararamdaman ko noon.
Ilang hakbang pa at nasa tapat na ako ng pinto ng bahay.
"Lolo, ang tagal naman!" narinig ko na naman si Emman.
Narinig ko ring tumatawa si Lolo Max.
"Sino yan?!" biglang tanong ni Emman. Obviously, hindi si Lolo Max ang tinatanong niya. Naramdaman niya siguro na nandoon ako.
Noon ko naalala ang sadya ko doon. Pero nagdadalawang-isip ako. Parang ayoko nang sabihin sa kanya yung nangyari kay Sam. Parang ayokong masira ang araw niya. Gusto ko siyang nakikitang masaya. Baka naman kasi pwedeng hindi na lang niya malaman ang nangyari.
Biglang bumukas ang pinto. Isang nakangiting Emman ang tumambad sa akin. "Serena!" bati niya.
Pinilit kong ngumiti. "Hi, Emman," bati ko rin sa kanya.
Biglang nawala ang ngiti niya. Biglang naging curious ang mga mata niya. Tumaas pa ang kilay niya. "May sasabihin ka sa kin pero kinakabahan ka," sabi niya.
Hindi ako agad nakaimik. Napalingon ako sa gawing likuran niya. Nandoon si Lolo Max, nakatitig din sa akin, parang nagtataka rin.
Naramdaman ko, nawala na ang saya ni Emman. Napalitan na iyon ng pagtataka at kaba.
"Emman..." Hindi ko talaga masabi sa kanya.
"Sabihin mo na," seryosong utos niya. "Anong napakaimportanteng bagay ang kelangan mong sabihin pero natatakot ka sa magiging reaksyon ko?"
Wala na akong choice kundi umamin. Ramdam niya naman kasi kung anong nararamdaman ko.
Huminga ako nang malalim. Yumuko ako para umiwas sa mga mata niya. Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo nang nakatingin sa mga mata niya. "S-Si Sam kasi..." simula ko.
Sa pagbanggit ko sa pangalan ni Sam, biglang lumakas ang kabang nararamdaman ko mula sa kanya. At hindi na iyon basta kaba. May pag-aalala na doon. May takot din. "Anong nangyari kay Sam? Bakit may alam ka tungkol sa kanya?"
"Emman, papasukin mo nga muna si Serena," utos ni Lolo Max sa kanya. "Mahiya ka naman sa bisita mo."
Pero hindi pinansin ni Emman ang lolo niya. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat at inulit ang tanong niya. "Anong nangyari kay Sam?"
BINABASA MO ANG
EMPATH
Fiksi RemajaA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.