LOVE EMOTION
Nagising na naman ako midnight ng sumunod na gabi. Gaya ng dati, naiihi na naman ako. Gaya rin ng dati, pupungas-pungas akong nagpunta sa CR. Pagbalik ko, napansin ko na parang may mga nagliliparang kung ano sa labas ng bintana.
Kinabahan ako. Baka kasi kung ano na yon. Dahan-dahan akong nagpunta sa bintana at sumilip sa labas.
Nagulat ako sa nakita ko. Mga paniki pala yung nagliliparan. Paikot-ikot sila sa mga puno pero parang palagi silang lumilipad pabalik sa isang lugar sa labas ng bakod ng bahay namin.
Pagtingin ko sa labas ng bakod, kinilabutan ako.
Isang lalaking nakaitim ang nandoon. Nakaupo siya sa plant box sa harap ng katapat na bahay. Napapaligiran siya ng mga aso at pusa na parang tuwang-tuwa sa kanya. Lumilipad naman pabalik-balik sa kanya ang mga paniki. Napapaligiran din siya ng mga alitaptap.
Hala, aswang yata yon! sabi ko sa sarili ko.
Nagtago agad ako sa likod ng pader malapit sa bintana ko. Hindi ko alam noon kung anong gagawin ko. Kung sisigaw kasi ako, baka puntahan pa ko nung aswang.
Pero naisip ko, napapaligiran siya ng mga hayop? Kaya ba ng mga empath na kumontrol ng mga hayop? Hindi kaya empath yon?
Naalala ko, nakita ko nga pala si Emman doon noong isang gabi. Pero di ba, panaginip lang yon?
Sumilip ako ulit. Nabawasan na ang takot ko.
Si Emman ba yon? tanong ko sa sarili ko. Pero parang hindi. Malaki ang katawan noon, hindi na teenager.
Kung hindi siya yon, sino yon?
Baka yung isang empath yon!
Kinabahan na naman ako.
Biglang lumingon ang lalaki sa akin. Dahil maliwanag ang buwan, naaninag ko ang mukha niya.
Si Lolo Max.
Anong ginagawa niya dito?
Empath din ba si Lolo Max?
Biglang nawala ang kaba at pagtataka ko. Biglang nagkaroon ng peace ang buong pagkatao ko. Parang wala akong gustong gawin noon kundi ang humiga at matulog.
Kaya agad akong bumalik sa bed ko at agad naman akong dinalaw ulit ng antok.
"Kumusta si Lolo Max?" tanong ko kay Emman kinabukasan. Recess namin noon. Magkasama na naman kaming kumain ng snack under the mango tree.
Gaya kasi noong nakaraang araw, nagising na naman ako na may naaalala sa nakaraang gabi. Hindi ko kasi malimutan na parang nakita ko si Lolo Max sa dis-oras ng gabi na napapaligiran ng mga hayop.
Totoo ba yon o panaginip lang? walang tigil sa pagtatanong ang isip ko.
Kung totoo yun, bakit napapaligiran si Lolo Max ng mga hayop? Nakokontrol ba niya yung mga hayop? Kaya bang kumontrol ng hayop yung mga empath?
Naalala ko yung tatlong aso nina Emman noong una akong pumunta doon.
Naalala ko rin yung puting kotse na mabilis na umalis pagkatapos ng away nina Emman at Robert. Hinabol yon ng maraming aso.
Empath din ba si Lolo Max?
"Okey lang siya," sagot naman ni Emman sa akin.
"Maayos ba yung tulog niya kagabi?" tanong ko pa.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.