22: The Demon's Lair

948 48 1
                                        

THE DEMON'S LAIR

Nagising ako sa isang hindi familiar na room. Maluwang, maganda, pangmayaman, sosyal ang dating, classic ang interior decoration, at mukhang mamahalin ang mga furnitures. Kahit yung bed, napaka-comfortable ng pakiramdam sa likod ko. Mas comfortable pa kesa sa mga bed na nahigaan ko.

Pero naalala ko ang mga nangyari. Nasa Loyola Memorial Park kami ni Emman. Sinugod kami ng mga lalaki. Binugbog nila si Emman. Nakaharap ni Emman ang empath na kinakatakutan ko. Natalo si Emman. 

Nag-panic ako. Anong nangyari noong wala akong malay? tanong ko sa sarili ko. May ginawa ba sila sa akin? Nasaan ako? Papano ako napunta dito? Kidnapping ba ito? At nasaan si Emman?

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalaking huli kong nakita noong nasa memorial park pa kami ni Emman. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang empath na nakalaban ni Emman. Siya ang nagpatulog sa akin.

Kinabahan ako.

"Good evening," sabi niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti.

Kasabay ng ngiti na iyon, gumaang ang pakiramdam ko. Napawi ang kaba at pagpapanic ko. Napatitig ako sa kanya.

May edad na siya, halos magkasing-edad sila ni Daddy, pero guwapo siya. Parang napakaamo rin ng mukha niya.

Hindi, saway ko sa sarili ko. Empath siya. Siya ang nakalaban ni Emman. Siya rin ang nanggulo sa school namin dati. Ginagamitan niya lang ako ng powers niya kaya magaang ang pakiramdam ko sa kanya.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Inisip ko yung 'good evening' niya, na gabi na. Inisip ko kung anong oras ang huli kong natatandaan, noong nasa memorial park pa kami ni Emman. Wala pang tanghali noon.

Naisip ko si Emman. Naalala ko kung papano siya binugbog ng mga lalaking sumugod sa amin.

Noon nawala ang gaang ng pakiramdam ko sa lalaking kaharap ko. Natambunan iyon ng pag-aalala ko kay Emman, grabeng pag-aalala.

"Sino ka? Nasan ako? Nasan si Emman? Anong kelangan mo sa min?" Sunud-sunod ang mga tanong ko.

"Tsk, tsk, tsk." Umiling-iling siya. "Mukhang naturuan ka nila kung papano lumaban." Pagkatapos ay tumawa siya nang malakas.

Kinilabutan ako sa pagtawa niya.

Bigla siyang tumigil. "But that's pathetic, Iha," dagdag niya, nakangisi sa akin. 

Bigla kong naramdaman ang matinding empath powers niya--lust emotion--kagaya ng ipinaramdam niya noon sa akin sa school, pero mas matindi.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-init ang pakiramdam ng katawan ko. Parang gustong lumabas ang pinakatatagong pagkababae ko. Parang gusto kong ibigay iyon sa kanya.

Hindi, saway ko ulit sa sarili ko. Labanan mo yan, Serena!

Ginamit ko ang isip ko. Nag-isip ako ng kung anu-anong lessons namin sa Science at Math. Inisip ko lahat ng masusungit naming teachers.

Pero nandoon pa rin ang emotion. Bumibigay pa rin ako sa kanya.

Ayoko! sigaw ng isip ko. Hindi pwede!

At nang wala na akong maisip na iba, inisip ko si Emman. Inisip ko kung anong itsura niya matapos siyang bugbugin ng mga lalaking sumugod sa amin. Inisip ko kung gaano kasakit ang naramdaman niya.

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon