RAGE
"Here," sabi sa kin ni Don Manuel.
Nandoon kami noon sa office niya sa first floor ng mansion. Nakaupo siya sa likod ng desk niya. Nandoon ako sa harap, nakatayo lang. Nasa likod ko naman ang dalawang babaeng bantay ko, sina Sandra at Charice. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nakabantay pa sila sa akin samantalang pauwi na ako.
Gaya ng ibang bahagi ng mansyon, sosyal at pangmayaman ang office na yon. Mas maluwang yon kesa sa room na pinagkulungan sa kin, mas decorated pa. May dalawang mahahabang sofa doon, may tatlong bookshelves na punung-puno ng mga libro, dalawang computers, ilang paintings, at isang malaking LED screen TV na nakasabit sa dingding.
Pero hindi ko na pinansin ang mga yon. Nakatutok lang ako kay Don Manuel. Gusto ko na noong umuwi.
"Kunin mo, Serena," sabi niya, inaabot sa akin ang isang sobre.
Tinanggap ko iyon. Pero pagkuha ko sa sobre mula sa kamay niya, dumikit ang kamay niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente doon, empath powers niya--lust emotion.
Agad kong inatras ang kamay ko. Kinabahan na naman ako, pero mas nananaig noon ang galit ko sa kanya. Nandidiri ako sa kanya. Sinira niya ang pagkatao ni Emman. Sinira niya ang buhay ni Sam, ni Janella, at hindi ko lang alam kung ilan pang buhay ang sinira niya pero sigurado akong marami iyon. Manggagamit siya. Kriminal. Demonyo.
Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko na lang ang laman ng sobre.
Nagulat ako doon.
Pera. Maraming pera.
"Fifty thousand pesos," sabi ni Don Manuel sa akin. "My gift to you for making my son come home to me."
Napatingin ako sa kanya. Napakunot ako ng noo. Naisip ko, sa anong krimen kaya niya nakuha itong perang ito? Binabayaran ba niya ang lahat ng sama ng loob na ibinigay niya sa kin? Pera-pera lang ba yon?
Walang katumbas na halaga yon.
Inilapag ko ang sobre sa desk. Umiling ako. "Hindi ko kelangan yan," sabi ko. "Gusto ko nang umuwi."
Sumimangot siya. "Iha, tinatanggihan mo ang pera?"
Tumango ako. "Gusto ko nang umuwi."
Bumuntung-hininga siya na para bang nanghihinayang o naiinis. Tiningnan niya ang dalawang bantay ko. "Ladies, leave us please. Puntahan nyo si Dondon. Tell him to get the van ready. Ihahatid natin si Serena pauwi."
Napalingon ako sa dalawa.
Nakangiti agad sila kay Don Manuel. Parang tuwang-tuwa sila kapag kinakausap sila ng don. "Yes, Sir," sabay nilang sagot, pagkatapos ay lumabas na.
Napangiti ako. Sa loob-loob ko, makakauwi na ako.
"Why don't you sit down first, Iha," sabi ni Don Manuel sa kin. "Mga ten minutes pa siguro bago tayo makaalis."
Napabuntung-hininga lang ako. Sinunod ko siya. Umupo ako sa sofa na pinakamalapit sa akin. Ten minutes din kasing paghihintay iyon.
"Why don't you stay for another day?" dagdag niya, medyo mas malambing ang boses. "Hindi pa nga tayo masyadong nakakapag-usap. Ni hindi mo pa nga nae-enjoy itong bahay ko. Maraming facilities dito. We have a swimming pool, a spa, a music room..."
Sa loob-loob ko, nagbibiro ba siya? Papano ako mag-eenjoy sa bahay niya kung alam kong impyerno iyon? Na maraming krimen ang nangyayari doon?
Umiling lang ako.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.