THE CLASSMATE
"Serena, sumabay ka na sa kin."
Si Tita Gretchen yon. Nasa sala siya nang bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Papasok na sana ako noon sa school. Nandoon pa pala siya.
"Tita naman," sagot ko. "Nakakahiya. Principal, kasabay student." Ayoko kasing isipin ng ibang estudyante na principal's pet ako.
Pabiro niya akong sinimangutan. "Sus, ano namang nakakahiya doon?" tanong niya. "Saka tulungan mo naman ako. Dadalhin natin ito sa school." Itinuro niya ang dalawang malalaking bag sa isang gilid ng sala.
Nagtaka ako. Malalaki kasi yung mga bag. Mga travelling bags niya iyon kapag nagse-seminar siya sa malalayong lugar. "Ano po bang mga laman niyan?" tanong ko.
"Mga lumang damit. May project kasi yung faculty natin. Magdo-donate kami ng mga old clothes para sa mga nasalanta ng bagyo sa Mindanao."
Naalala ko yung news noong nakaraang gabi. Third day na nga pala ng grabeng baha sa isang bahagi ng Mindanao. Maraming bahay ang lumubog dahil sa flash floods. Yung mga tao, wala halos naisalbang gamit. May mga namatay pa.
Nakaramdam ako ng lungkot. "Ang dami naman niyan, Tita," sabi ko na lang.
Nagkibit-balikat lang si Tita. "Marami talaga akong lumang damit. Hindi ko na naman naisusuot. Sige na, tulungan mo ko. Tig-isa tayong bag."
"Sige, Tita," sagot ko. Nilapitan ko ang mga bag at binitbit ko ang isa.
"Serena, magsabi ka nga sa kin ng totoo," sabi ni Tita Gretchen habang nakasakay kami ng tricycle papunta sa school.
Nagtaka ako kung bakit niya sinabi iyon. "Ano pong totoo, Tita?" tanong ko.
Huminga siya nang malalim. "Anong meron sa inyo ni Emman?"
Napasimangot ako sa tanong niya. "Po? Wala po. Bakit po?"
"E bakit natsitsismis sa school na kayo na. At nag-away daw kayo last week?"
Naalala ko yung mga tsismis. Noong una, kesyo sinaktan daw ako ni Emman. Tapos, naging ganon na, may L.Q. daw kami.
"Wala po talaga, Tita," sagot ko na lang kay Tita. "Si Emman pa. Ang sungit kaya nun."
Napangiti si Tita. "Sabagay, masungit nga yun. Pero bakit sabi ng lola mo, pinuntahan mo raw si Emman sa bahay nila noong Sabado?"
Napasimangot na naman ako. Buking, sabi ko sa sarili ko. Pero siyempre, may lusot ako doon. "Eh kasi po, marami po kaming assignments last Friday. Absent naman po siya last Friday. In-inform ko lang po siya tungkol doon sa mga assignments namin."
"Bakit pinuntahan mo pa? Concerned ka sa kanya?"
Tumawa ako kunwari. "Tita! Hello po. Classmate ko po siya. Di ba ikaw ang nagsabi noong student orientation na dapat maging solid yung bawat class? Na dapat maging sensitive and concerned kami sa isa't isa?"
Napaisip naman si Tita. "Sinabi ko ba yon?"
"Tita, denial ba yan o tumatanda ka na?" biro ko.
Bigla siyang natawa. "Okay, okay," sabi niya. "Tumatanda na nga yata ako."
Natawa na lang din ako.
Buti na lang, bumenta yung palusot ko.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.