Epilogue

2.2K 102 105
                                    

EPILOGUE

Apat na araw akong namalagi sa ospital. Pagkatapos noon, nanatili ako sa bahay namin sa Santo Niño nang nagpapahinga at hindi lumalabas ng bahay. Hindi na ako ulit pumasok sa school.

Sa mga araw na iyon, hindi ko na nakita si Miss Mercy sa bahay na katapat ng sa amin. Ipinatanong ko kay Lola kung anong sitwasyon doon. Sabi raw ng katiwala, umalis na raw si Miss Mercy. Ipinapabenta na raw ang bahay at ipinapadeposit na lang ang mapapagbentahan sa account nito sa bangko.

Dalawang linggo mula nang huli kong makasama si Emman, dumating na si Daddy. Naiayos na niya ang papers ko at isasama na niya ako sa States. Iiwanan ko na sina Lola at Tita Gretchen. Iiwanan ko na ang Santo Nino.

Bago kami umalis ni Daddy, nagpasama ako kay Lola para dalawin sina Emman. Pero inabutan namin ang bahay nila na wala nang nakatira.

Huling araw ng August nang lumipad kami ni Daddy papunta sa America. Habang papalayo ang eroplano namin sa Pilipinas, tumingin ako sa labas ng bintana at pilit kong tinanaw ang mga lugar na iniwan namin. Madali kong natanaw ang Manila, dahil sa matataas na buildings noon. North mula sa Manila ay ang Bulacan. Nandoon ang Santo Nino. Doon naiwan ang maraming ala-ala, lalo na ang ala-ala ng isang taong hinding-hindi ko malilimutan.

"Emman," mahina kong bulong. "Anong sinasabi mong hindi kita mahal? Anong sinasabi mong ginagamitan mo lang ako ng empath powers mo kaya pakiramdam ko ay may gusto ako sa yo? Bakit ngayon? Ang tagal na kitang hindi nakikita. Ang tagal na kitang hindi nakakasama. Bakit nandito ka pa rin sa puso ko? Bakit hinahanap-hanap pa rin kita? Bakit nangungulila ako ngayon sa yo?"

Tumulo ang luha ko dahil sa kalungkutan.

Iniwan ko na kasi ang Pilipinas. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

"Mahal kita, Emman, kahit ano pang sabihin mo... Hindi dahil sa powers mo, kundi dahil iyon ang totoo..."

BOOK ONE OF THE EMPATH SERIES ENDS HERE

EMPATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon