THE NEIGHBOR
Maaga akong nagising kinabukasan.
Napaisip ako agad pagdilat ng mga mata ko. Wala ba akong nakita o napanaginipang kakaiba kagabi? tanong ko sa sarili ko. Wala bang Emman o Lolo Max na nasa labas ng bahay namin kagabi?
Wala naman akong matandaan.
Bumangon ako at nag-inat. Pero dahil naalala ko yung mga nakita o napanaginipan ko dati, sumilip ako sa bintana at tumingin sa labas ng bakuran namin.
Nakita kong nandoon si Lola sa kalsada, kausap ang isang babaeng halos kasingtanda ni Tita Gretchen. Maganda ang babae kahit may edad na. Mahaba ang kanyang buhok, matangos ang ilong, maputi ang balat, at sexy pa rin ang katawan. Ang hindi lang yata maganda sa kanya, yung mata niya. Masyadong mataray ang dating.
Ang aga-aga, nakikichika si Lola, sabi ko na lang sa sarili ko.
Hindi ko alam kung sinasadya o hindi, biglang tumingin sa akin ang babae.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang emotion. Parang nainis ako at nayabangan nang hindi ko maintindihan.
Natulala ako. Sa dami ng naramdaman kong hindi sa aking emotion dahil kay Emman, malakas agad ang kutob ko na empath powers yon.
Empath siya? tanong ko sa sarili ko. Hindi kaya siya yung empath na nanggulo sa school noong isang araw?
Kinabahan ako. Papano kung siya yun? tanong ko sa sarili ko.
Isa lang ang naisip kong dapat kong gawin.
Dali-dali akong bumaba at pinuntahan agad ang telepono. Mabilis akong tumawag kina Emman.
"Hello?" narinig kong pagsagot. Si Lolo Max.
"Hello, Lolo Max? Si Serena po ito. Nandiyan po ba si Emman?"
"Ikaw pala, Serena. Wala dito si Emman. Maaga kong pinaalis. Pinadaan ko kasi sa palengke yung mga bunga ng atis na inorder nung mga tindera doon. May kelangan ka ba sa kanya?"
Lalo akong kinabahan. Naisip ko, lagot. Wala si Emman. Papano kung yung babaeng yon yung empath na nanggulo dati?
"Ano, Serena?" tanong ni Lolo. "May importante ka bang kailangan kay Emman?"
Hindi ko na alam noon kung anong sasabihin ko. "Ah, e, wala po, Lolo," sabi ko na lang. "S-Sige po. Mamaya ko na lang siya kakausapin."
"O sige, Iha. Ingat ka na lang sa pagpasok mo sa skul."
"Thank you po, Lolo. S-Sige po. Bye."
"Sige..."
Ibinaba ko na ang telepono. Mabilis ang tibok ng puso ko noon.
Napalingon ako sa labas ng bintana. Hindi ko nakikita doon si Lola at yung kausap niya pero tantyado ko kung nasaan sila.
Bakit kaya dito pa tumira yung babaeng yun? tanong ko sa sarili ko. Sa dinami-dami ng ibinebentang bahay dito sa Santo Nino, bakit sa tapat pa namin?
Sinadya kaya niya? Pinili kaya niya yung bahay sa tapat para mapalapit sa akin?
Balak niya ba akong guluhin?
Pero bakit naman?
Kalma ka lang, Serena, pagkontra ko sa sarili ko. Hindi mo pa sigurado kung empath nga yung babaeng yun.
Pero ano yung naramdaman ko kanina sa taas? sagot ko naman. Emotions ko ba yon? Sarili ko bang pagkainis yon? Nayabangan ba talaga ako dun sa babae?
BINABASA MO ANG
EMPATH
Teen FictionA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.