WILLPOWER
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Napasarap talaga ang tulog ko sa nagdaang gabi. Pero pagkagising ko, hindi pa rin nawawala sa isip ko yung pagkakita ko kay Emman sa labas ng bahay namin sa dis-oras ng gabi.
Totoo kaya iyon? tanong ko sa sarili ko. O panaginip lang?
Napailing ako. Sa loob-loob ko, siyempre panaginip lang yun. Imposible namang magkatotoo yun. Ano namang gagawin niya sa labas sa ganong oras ng gabi?
Siguro binabantayan niya ako, pangangarap ko. Siguro worried pa rin siya sa akin tungkol doon sa isa pang empath.
Pero sabi niya, hindi na raw babalik yung isang empath.
Baka naniniguro siya kaya binabantayan niya ako.
Naniniguro na ano?
Naniniguro na safe ako.
Hay naku, Serena... Feeling mo naman, ganon siya ka-concerned sa yo?
"Oo naman," sagot ko nang malakas. "Ganon siya ka-concerned sa akin. Kasi love niya ako!"
Natawa na lang ako sa sarili ko. Para tuloy akong nasisiraan ng ulo.
"Hoy, Serena!" narinig kong tawag ni Lola. "Tanghali na! Bumangon ka na diyan!"
"Yes, Lola!" sagot ko, natatawa pa rin.
Bumangon na ako. Nagmamadali akong nag-breakfast, naligo, at nag-ayos para sa pagpasok sa school. Halos thirty minutes lang ay nakasakay na ako sa tricycle. Extraordinary achievement yon para sa kin. Usually kasi, isang oras akong mag-prepare sa pagpasok.
Pagdating ko sa school ay one minute na lang before time. Tinakbo ko mula gate ng school hanggang sa classroom namin. Nag-overtake din ako sa teacher namin na naglalakad na noon sa corridor papunta sa classroom.
Pero nalungkot ako pagpasok ko.
Wala kasi doon si Emman.
Bakit kaya? tanong ko sa sarili ko. Absent kaya siya?
Napuyat kaya siya?
At bakit siya napuyat, aber? pambabara ko sa sarili ko.
Napuyat siya kasi binantayan niya ako magdamag.
Napailing ako. Panaginip lang yon, sabi ko sa sarili ko.
Dumiretso na ko sa desk ko. Umupo na ako at inayos ang gamit ko. Ngumiti ako kina Lorie, Thelma, at Louise, kahit pilit ang ngiti ko.
"Bad mood?" tanong ni Lorie sa kin.
Pabiro akong sumimangot. "Anong bad mood?"
"Wala kasi yung prince charming mo?" sabad ni Thelma.
Napatingin ako sa bakanteng desk ni Emman. "Absent ba siya?" tanong ko.
"Hindi." Si Louise ang sumagot. "Nasa guidance office si Emman, kasama yung The Matinees."
Guidance office? tanong ko sa sarili ko. Oo nga pala. Dahil sa away nila kahapon.
"Sikat na sikat ka, Sis," tukso ni Lorie sa akin. "Pinag-awayan ka kahapon ng mga boys. At si Robert yon ha. Grabe ka. Haba ng hair mo, Sis."
Hindi ko na lang siya pinansin. Si Emman ang nasa isip ko noon. Nasa guidance office na naman siya. Pang-apat na niya iyon.
Pero naalala ko yung sinabi niya sa akin noong nasa bahay kami. Sabi niya, wala siyang magiging problema sa guidance office. Self defense naman daw yung ginawa niya. Isa pa, kayang-kaya niyang gamitan ng powers yung guidance counselor namin. Si Tita Gretchen nga na principal namin, ginagamitan niya ng powers.
BINABASA MO ANG
EMPATH
Novela JuvenilA young man with a dark past. A curious girl who tries to discover his secrets. A twist of events that will involve her to the paranormal powers that would threaten her life and bring her to the brink of insanity.